OLIVER POV
Yes I f*cking like this woman, I don't know how and when it starts. Ngayon ko lang napansin na wala pala siyang suot na maskara. Tinitigan ko siya sa mga mata niyang maganda, matangos na ilong at labi niyang mapula dahil sa lipstick na gamit niya.
Paano ako nahulog sa babaeng ito?
Unang gabi ko siyang nakita sa club na iyon ay humanga na ako sa kaniya. Simula noon ay pabalik balik ako doon para lang makita siya. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya ay agad ko siyang pinagpaalam sa boss niya. Mas nagkagusto ako sa kaniya dahil sa boses niyang kay sarap pakinggan. Na uutal pa siya no'ng gabing iyon.
Kanina habang sumasayaw siya ay hindi ko mapigilan mapatitig sa maganda niyang katawan na parang gusto ko ako lang ang makakahawak. Gusto kong angkinin siya at ipagdamot sa ibang kalalakihan.
Binaliw mo 'ko Marie, ang mga ngiti mong nagpatuyo sa lalamunan ko ay mas lalo akong nagkagusto sa 'yo. Gusto ko siyang angkinin ngayong gabi pero nirerespito ko siya. Oo may gumagamit na sa kaniya pero dahil may respito ako sa kaniya bilang babae ay hindi ko iyon gagawin. Ayokong samantalahin ang kaniyang estado dahil lang sa gusto ko.
Wala talaga sa isip ko na dalhin siya sa lugar na ito. Pero iyon ang gusto ng puso ko, ang dalhin siya sa lugar na ito at ma-solo.
"N-naririnig mo ba ang sinasabi mo Mr. Del Valle? Ikaw? Nagkagusto sa kagaya kong bayaran?" Tanong niya sa akin na para bang sinasabi niyang nagbibiro ako.
"I am serious, I like you and I want you to be mine." Pagkasabi ko ay agad ko siyang nilapitan at sinakop ang kaniyang mga labi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, gusto kong angkinin ang labi niya kahit ngayon lang.
MARIE POV
Nagulat ako sa sunod na ginawa niya at hindi ako nakagalaw. Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko at oras nang angkinin niya ang mga labi ko. Ni hindi ko magawang manglaban o awatin siya. Hindi ko maigalaw ang kamay ko na gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Anong nangyayari sa akin? Ano itong naramdaman ko? Bakit parang gusto ko din ang ginagawa niya?
Iniyakap niya ang kaniyang braso sa beywang ko at mas lumapit ang katawan ko sa kaniya. Hanggang sa kusang gumalaw ang mga kamay ko at iniyakap ko iyon sa kaniyang batok. Sumusunod ako sa bawat galaw ng labi niya, maingat at damang dama ko ang bawat paggalaw niya. Ang kaniyang kamay ay naglalakbay sa likod ko na nagbigay ng milyong milyong kuryenteng dumaloy sa kaugatan ko.
Humiwalay siya sa akin at niyakap ako.
"Please let me own you Marie, can you be mine?" Usal niya. Bumilis ang t***k ng puso ko at parang may kiliti akong naramdaman sa tiyan ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Lutang ako at wala sa wesyo, anong ibig niyang sabihin?
"Marie," tawag niya sa pangalan ko. Kumalas siya sa pagyakap sa akin at tinitigan ako sa mga mata ko.
"Puwede bang akin ka lang magmula ngayon?" Tanong niya.
"O-oliver," halos pabulong na sambit ko sa kaniyang pangalan. Pati boses ko ay hindi na malinaw, para akong napapaos. Tumikhim ako at tumingin sa kaniya.
"M-masiyadong mabilis ang mga pangyayari, kakakilala pa lang natin tapos sasabihin mong gusto mo 'ko?" Tanong ko sa kaniya.
"Matagal na kitang gusto, matagal na kitang nakikita sa club na iyon. Pabalik balik ako simula no'ng nakita kitang sumasayaw doon. Kamakailan lang ako nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ka. At ngayon ang pangalawang pagkakataon kaya kita dinala dito. Puwede kitang dalhin sa hotel kung gugustuhin ko pero mas gusto kong ma solo ka sa lugar na ito." Seryosong sabi niya. Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya at walang duda na nagsasabi siya ng totoo.
Pero anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?
"Gusto kita Marie, at mas lumalim pa 'to. I thought I just like you, but now I think... I love you," Sabi niya sa akin at muli ay inangkin ng labi niya ang labi ko.
Malalim, maingat, mapusok, ang mga kamay niya ay naglalakbay sa katawan ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko na nagpa ungol sa akin dahil sa kiliting dulot nito. Tumigil siya at tumitig sa akin.
"I won't touch you this time, pero sa susunod baka hindi ko na mapigilan ang sarili." Paos ang boses niyang sabi. Napalunok ako sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang may lalaki pa palang ganito.
Yumakap siya sa akin at hinahalikan ang buhok ko.
"I like your smell," bulong niya.
"Simula sa gabing 'to ay akin ka na. Do you understand?" Tanong niya sa akin.
"A-anong ibig mong sabihin? Hindi ka naman nanliligaw at hindi kita sinagot kaya paanong sa iyo na ako?" Tanong ko.
"I already kiss you and you kiss me back, that is the proof." Napanganga ako, gano'n na iyon? Porke naghalikan na kami ay pangmamay ari na niya ako?
"You're tempting me everytime you open your mouth like that." Mahinang sabi niya. Naitikom ko ang bibig ko at napalunok ng hangin. Ano ba 'tong nangyayari? Parang kahapon lang ay hindi ko inisip na hindi ito mangyayari sa buhay ko dahil wala namang magkaka interes sa akin. Pero ngayon, ang lalaking nasa harapan ko ay seryosong nagpahayag ng kaniyang dadamin nang gano'n kadali. Kakaiba ang nangyayari sa akin ng gabing ito, hindi kapani paniwala.
Naramdaman kong isinandal niya ako sa kaniyang dibdib na matipuno at rinig ko ang t***k ng kaniyang puso. Ang lakas nito, hinahagod niya ang braso ko ng isang kamay niya habang ang isa ay nakayakap sa akin. Nakatingin kami sa kalangitan at minamasdan ang mga bituing kumikinang at ang liwang ng buwan na nagbigay ilaw sa aming kinalalagyan.
"Do you wanna go home?" Maya maya ay tanong niya sa akin. Napabalikwas ako at tumingin sa relo ko. Ala una na ng madaling araw, gano'n kabilis ang oras.
"K-kailangan ko nang umuwi baka hinihintay na ako ng mga kapatid ko." Sabi ko sa kaniya.
Tumango siya at binuksan ang pinto ng kotse, sumakay ako at lumipat siya sa kabila para makasakay. Pinaandar na niya ang kotse niya at umalis na kami aa lugar na iyon.
*/ Mga mamsh, follow me on f*******: po...
Melissa Leones
For more info, weekly update po ako sa book na ito at may iba pa akong on going. Salamat sa suporta... ^_^