OLIVER POV
"Good morning Ma, good morning my princess." Naabutan ko sa kusina na nag aalmusal si Mama at Erica. I'm excited to tell them that I finally found my the one. Yes, I finally found her and I can't wait to introduce her to my family lalo na kay Mama. She's always asking me if may nililigawan ako because she wanted apo. Palagi niya akong kinukulit o 'di kaya ay ni rereto sa mga babaeng hindi ko naman gusto. I don't know, they are beautiful and sexy but I don't have any interest to them. But when I saw her, she caught my interest and attention specially she made my heart beat so fast. Everytime I saw her, I am truly, madly and deeply in love with her. And I want to marry her and build a family.
"Good morning Son," Mama answered.
"Good morning kuya, hmm... you look happy today huh." My sister said and wondering.
"Let me guess, are you in love kuya?" She asked.
"Uhuh," i said.
"Really son? Who is she? Kailan namin siya makikilala?" Tanong ni Mama.
"Sooner Ma, hindi pa kami official but I am trying. I'm sure magugustohan mo siya, she's kind and beautiful." I said.
"Is that so, well kahit sino pa 'yan i would be happy. I wish we can meet her soon."
"You will Ma," masayang tugon ko.
"So is that mean na hindi na ako ang princess mo kuya?" may pagtatampong aniya ni Erica.
"Of course not, you still my princess and she is my queen." I said to her.
"Anyways, I have to go. I have a lot of works in my office to do. Bye Ma, bye princess." Paalam ko sa kanila.
"Take care son,"
"Yeah, I will." Tugon ko at lumabas na ng bahay.
What is she doing now?
I remembered last night, I miss her lips soft and sweet, temping and hot.
I can't wait to see her again...
MARIE POV
Hindi ako nakatulog dahil sa pangyayari kagabi. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi ni Oliver. Hindi pa rin ako makapaniwala na may gusto siya sa akin. Sinong mag aakala na magugustohan ang isang dancer at bayarang babae ng isang bilyonaryo.
Tapos na akong magluto at hinihintay ko na lang na magising ang mga kapatid ko.
Maya-maya pa lumabas na ng kuwarto si Maya.
"Good morning Ate, hindi ka pa natulog?" Tanong niya.
"Hindi e, hindi ako makatulog. Bilisan niyo na may pasok pa kayo." Sabi ko sa kaniya. Agad naman silang tumalima at naligo. Hinanda ko na rin ang pagkain sa lamesa para sabay na kaming mag almusal.
"Ate," matamlay na tawag sa akin ni Marky.
"Bunso, bakit? May masakit ba sa 'yo?" Tanong ko sa kaniya. Kinarga ko siya at pinaupo sa upuan para makakain.
"Ate, tinatawag ako ni nanay." Nagulat ako sa sinabi niya at kinilabutan.
"Bunso, 'wag ka ngang magsalita ng ganiyan. Panaginip mo lang 'yon, sige na kumain ka na para makainom ng gamot." Sabi ko sa kaniya. Nilagyan ko nang pagkain ang kaniyang plato at ulam.
Kinakabahan ako at napatitig sa kapatid ko, bakit kakaiba ang nasa isip ko? Sana mali, 'wag naman sana?
Pagkatapos nilang kumain ay umalis na sila Maya.
Ako naman ay naghugas at naglaba muna dahil tambak na ang labahin namin.
Kita ko sa puwesto ko kung saan naka higa si Marky habang nanonood ng palabas sa tv. Maayos naman siya pero matamlay, wala naman siyang lagnat kaya panatag lang ako. Panaginip lang niya 'yon kaya niya nasabi.
"Atee," tawag niya sa akin. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at binangon ko siya.
"Ate, sila nanay at tatay hinihintay na nila ako." Sabi niya.
"Dios ko bunso 'wag ka ngang magsalita ng ganiyan. Hindi na natutuw si Ate," hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumulo na ang luha ko sa takot at kaba. Bakit niya ba sinasabi ang mga ito? Dios ko 'wag naman sana, 'wag niyong kunin ang kapatid ko.
"Bunso makinig ka kay Ate, gagaling ka. Ipapagamot ka ni Ate ha, please lumaban ka bunso. H'wag mo kaming iiwan..." humihikbing sabi ko sa kaniya at niyakap ko siya.
"Ate, pagod na po ako. Gusto ko pong magpahinga." Sabi niya.
"Bunso, bakit mo ba sinasabi ang mga 'yan?" Tanong ko sa kaniya. Kinikilabutan ako at nanginginig sa takot, Nay, tay 'wag niyong kunin si bunso.
"Ikukuha kita ng tubig ha, saglit lang." Sabi ko sa kaniya at pumunta ako ng kusina. Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig. Binalikan ko naman siya na dala ang tubig para sa kaniya.
"Ate, matutulog po ako." Sabi niya.
"Sige bunso, mamaya lang nandito na sila ate Maya mo. Magtatrabaho din si Ate para may pangdagdag sa ipon natin para sa operasyon mo." Sabi ko sa kaniya.
Pinahiga ko na siya ulit at na pinatulog.
Hapon na at naghahanda na ako para sa hapunan bago ako aalis. Nandito na rin sila Maya at nag-aaral.
Naligo na ako at nagbihis para pumasok.
"Maya, ikaw na ang bahala kay bunso ha. Kung may emergency, humingi kayo ng tulong kay aling Sonia at puntahan niyo ko sa trabaho." Bilin ko sa kaniya.
"Opo Ate, mag iingat ka po. Ako na ang bahala kay Marky." Sabi niya.
"Sige, aalis na ako. Bunso papasok na si Ate, uuwi ako ng maaga okay." Sabi ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo. Lumabas na ako ng bahay at naglakad na papuntang sakayan.
Makakasalubong ko si Aubrey kaya huminto ako at kina usap siya.
"Aubrey," tawag ko.
"Oh, Marie... papasok ka na?" Tanong niya.
"Oo e, Aubrey may pakiusap sana ako." sabi ko.
"Ano 'yon?" tanong niya.
"Kung may emergency, puntahan niyo 'ko sa club. Nag aalala ako kay Marky e, may mga sinasabi siya na hindi maganda." Nababahalang sabi ko.
"Gano'n ba, o sige kami na ang bahala nila nanay. Pupuntahan kaagad kita kung may emergency." Sabi niya. Huminga ako ng malalim at tumango.
"Sige, salamat ng marami aalis na ako." Paalam ko at naglakad na hanggang sa may terminal ng trysikel.
Nakasakay na ako at papunta na sa club. Kinakabahan pa rin ako at nababahala, sana naman mali ang mga kutob ko.