★★ Hello readers! Thank you for waiting my update. For more information;
Add me on f*******: ; Melissa Leones
And join my sss group page, just click the link:
https://w**************m/groups/1220027881822336/permalink/1220027891822335/ ★★
MARIE POV,
Nakatulala lang ako at iniisip ko kung kumusta ang operasyon ng kapatid ko. Walang tigil ang mga luha ko sa pag-agos, ano na ang mangyayari sa akin ngayon? Habang buhay na ba akong makukulong? Muli ay napahikbi ako sa aking mga naiisip. Paano na lang ang mga kapatid ko kung habang buhay akong makukulong rito?
OLIVER POV
Buong maghapon kong hinahanap si Marie, kahit saan ako magtanong at magpunta ay hindi ko siya makita at walang makapagturo sa kaniya.
Marie, where are you? I am so worried for you, where are you? pabalik-balik kong tanong sa aking isip.
Habang nagmamaneho ako ay napatingin ako sa police station, hindi ko alam pero bigla akong napa-isip na hanapin roon si Marie.
Pinark ko ang kotse ko sa tapat at mabilis na bumaba. Baka sakali lang, na baka narito siya.
"Excuse me," agaw pansin ko sa isang pulis na babae.
"Yes Sir, may kailangan kayo?" tanong niya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan, pinakita ko ang picture ni Marie sa kaniya.
"Did you see her?" tanong ko.
"Kaano-ano niyo ang babaeng 'yan Sir?" tanong niya.
"She's my girlfriend," diretsong sagot ko.
"Seryoso kayo Sir? P*kp*k po 'yan e, at nasa loob siya nakakulong. Nagnakaw kasi siya kaya ayan, pinakulong," sabi niya.
"What?!" mataas na tono ng boses ko.
"Ninakaw raw po niya ang medalyon ng isang mayaman na matandang intsik. Binayaran na siya ng pera sa isang gabi na gamitin siya ay ninakaw pa pati medalyon ng intsik," kwento niya.
No, this is not true. Baka pinagbintangan lang siya, I need to get her out of here.
"Papiyansahan ko siya ngayon na, pakawalan niyo na siya," utos ko.
"Sir, hindi po puwede," sabi niya
"And why not? Porke ba ay isa siyang bayaran ay basta-basta na lang kayong naniwala na nagnakaw siya? What if, she was framed up? What if sinadya lang 'yon?"
"Pasensya na Sir, pero hindi po..." pinutol ko ang sasabihin niya.
"Free her now! I will double the payment, free her or ipatatanggal kita ng trabaho?" galit kong sabi.
"Sir, 'wag naman po, ako lang ang inaasahan ng magulang ko," pakiusap ng niya.
"Pakawalan niyo na siya," kalmadong utos ko.
"O-opo," sagot niya at nagtungo sa selda kung saan nakakulong si Marie.
Nakita ko si Marie na nakatulala at tumutulo ang mga luha, nakaramdam ako ng awa at sakit sa loob ko. Who did this to you?
"Marie," tawag ko sa kaniya.
"O-oliver," usal niya. Nakalabas na siya at agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"I'm sorry, I'm sorry kung ngayon lang ako," bulong ko sa kaniya. Humahagulhol siya ng iyak, hindi siya nagsasalita at puro atungal niya lang ang naririnig ko.
"Uuwi na tayo, hinihintay ka na ng kapatid niyo," sabi ko sa kaniya.
"Si M-marcky?" tanong niya.
"Yes, he is safe now. Successful ang operation niya," sabi ko sa kaniya. Lalo siyang napaiyak at yumakap sa akin.
"Salamat sa Dios, salamat," pumipiyok niyang sabi.
"Let's go," sabi ko at inalalayan ko siyang maglakad palabas ng pulis station.
"Sinong nagbayad sa operasyon ng kapatid ko?" tanong niya. Kalmado na siya pero may mga luha pa rin sa kaniyang mga mata.
"Ako," maikli kong sagot. Naawa ako sa itsura niya, maga ang mga mata at magulo ang buhok.
"P-paano mo nalaman?" tanong niya. Bumuntong-hininga ako bago siya sinagot.
"Pinuntahan kita sa club, sabi ng manager niyo umalis kayo dahil sinugod sa ospital ang kapatid mo. Agad akong pumunta sa ospital at hinanap ka pero sabi ng kapatid mo umalis ka raw kaagad. Hanggang sa nag-umaga na lang ay hindi ka pa rin nagbalik, nag-aalala kami sa 'yo. Kinausap ko rin ang doctor na ako ang magbabayad sa operasyon ng kapatid mo. Hinanap kita, kung saan-saan na ako nagpunta. Hanggang sa sumagi sa isip ko na subukang magtanong sa mga pulis baka sakaling nakita ka nila. At hindi ako nabigo dahil nakakulong ka pala roon, ano ang nangyari? Sino ang nagpakulong sa iyo?" tanong ko.
"S-si Mr. Cheng, matagal na siyang may pagnanasa sa akin. Ilang beses ko siyang tinaggihan, pero dahil gulong-gulo na ako at hindi alam kung ano ang gagawin ko ay siya ang naisip ko. Humingi ako ng malaking halaga kapalit ang katawan ko. H-hindi ko naman alam na pagbibintangan niya pa ako matapos niyang pagsawaan ang katawan ko," humihikbi niyang kuwento. May kirot sa puso ko at galit, nahampas ko ang manibela at itinabi ko ang kotse sa kalsada. Hinarap ko siya at hinawakan ang mukha niya.
"Bakit hindi ka sa akin lumapit? Kaya kitang tulungan, bibigyan kita ng pera na walang kapalit. Bakit sa ibang lalaki pa ha, Marie?" mahinahon kong sabi.
"Patawarin mo 'ko, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Buhay na ng kapatid ko ang nakataya at nanganganib, hindi na ako nakapag-isip ng maayos," sagot niya.
"I-i will forgive you, but in one condition," sabi ko sa kaniya.
"Anong kondisyon? K-kahit ano, gagawin ko bilang kabayaran sa pagbayad mo sa operasyon ng kapatid ko," sabi niya.
"Leave that place and come with me, papakasalan kita. Hindi dahil may utang ka na kailangang bayaran kun'di dahil mahal kita at gusto kong pakasalan ka."
"Oliver," sambit niya.
"Kung tatanggapin mo ang proposal ko, hindi mo na kailangang ibenta ang katawan mo. Tutulungan kitang magbagong buhay at mamuhay ng normal. I promise, I'll be a good husband to you."
"T-tinatanggap ko, papayag akong pakasalan mo," sagot niya. May gumuhit na saya sa puso ko at hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.
"Kapag naka-recover na ang kapatid mo, ipapakilala kita sa pamilya ko. And after that aasikasuhin natin ang kasal natin," masayang sabi ko sa kaniya.
Pinaandar ko na ulit ang kotse, nakarating na kaminsa ospital at masaya siyang sinalubong ng kaniyang mga kapatid.
"Ate, saan ka ba nagpunta? Alalang-alala ako sa 'yo?" tanong ni Maya sa kaniya.
"H-hindi na mahalaga iyon, kumusta na si bunso? Gising na ba siya?" tanong niya.
"Hindi pa po, pero nailipat na siya sa private room," sagot nito.
"Kuya Oliver, maraming salamat sa tulong mo," wika niya sa akin.
"Don't mention it, mahalaga sa akin ang Ate mo. At parte na kayo sa responsibilidad ko," sabi ko sa kaniya.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong niya.
"Mahal ko ang Ate ninyo at papakasalan ko siya," diretsong sagot ko.
"T-talaga po? Ate magpapakasal ka na?" tanong nito.
"Maya, puwedeng saka na natin 'yan pag-usapan? Kapag nakalabas na si bunso rito, sasabihin ko sa iyo ang lahat para maintindihan mo," sabi niya sa kapatid.
Lalo niya akong pinahanga, kaya niyang gawin ang lahat para sa kaniyang mga kapatid. That's why I love her, she is a kind of a woman I ever wanted. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sa kaniya, gusto ko ma siyang makasa bilang aking asawa.