Chapter 51: His Feedback Zeph's POV Natigil kami sa pagtawa ni Xenon sa pagbukas ng pinto at napalingon kami sa gawing iyon nang pumasok sina Zild, Roxanne, Ranz, Rizza at Tyron. "Zeph! Buti nalang at gising ka na, kamusta pakiramdam mo?" Agad na tanong ni Roxanne sa akin saka ako nilapitan. "Mabuti na, sanay na ko sa bugbugan kaya wala ng bago sa sakit." Nakangiting sagot ko. Nginitian ko din sina Zild, pero nawala din ang ngiti ko ng may maalala ako kaya agad kong hinawakan ang braso ni Xenon na nakatayo malapit lang sa akin. "Nasaan si Jaz? Galit pa din ba siya sa akin?" Natahimik ang buong kwarto nang tinanong ko si Xenon, nagkatinginan silang lahat. Tila walang may gustong sumagot. Napakunot nalang ang aking noo. "Zeph... Magpahinga ka na muna, mamaya na natin pag-usapan ang-"

