Chapter 50: Pag-aalsa Third Person's POV Labis ang dismaya nila Roxanne at Zild dahil sa sinapit ng kaawa-awang si Jazmine. Pareho lang ang laman ng kanilang isip, hindi dapat sa ganito humantong ang lahat. Gusto lang nilang mabawi si Zeph, makausap si Jaz at kagaya ng nangyari kila Zild noon ay magkaayos. Pero malayo sa katotohanan ang nangyari, hindi dapat nagpakamatay si Jaz. Hindi niya dapat sinayang ang buhay niya. Habang papunta sila Roxanne sa ospital na pinagdalhan kay Zeph, hindi maiwasan ni Roxanne ang madismaya. Tahimik lang siya habang laman ng kanyang isip ang huling beses na nakita niya si Jaz—ang tagpo kung kailan siya nagpakamatay... Napapikit na lamang si Roxanne dahil ayaw na niyang makita ang imaheng ito, kahit naman ganoon ang ginawa ni Jaz ay kaibigan pa din ang tur

