Chapter 46: Saving Zephaniah Xenon's POV Halos bawat minuto ay sinisilip ko ang orasan sa aking kaliwang kamay. Hindi na din ako mapakali sa kakatanaw sa labas ng bahay. Pasado alas-onse na ng gabi pero wala pa din si Zephaniah, nag-aalala na ako. Hindi naman siya inaabot ng ganito sa pagbisita kay Roxanne eh. Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone niya pero ring lang ito ng ring, walang sumasagot. Ayoko sanang tawagan si Ranz pero no choice ako kapakanan na ni Zephaniah ang nakasalalay dito. Kinakabahan ako, ayoko sanang mag-isip ng hindi maganda pero hindi ko maiwasan. Nag-ring ang cellphone ni Ranz, pagdaan ng tatlong ring ay sinagot na niya ang tawag. [Hello? Xe—non?] Alangan ang tawag niya sakin. Malamang hindi din siya sanay na tawagin akong Xenon. "Ranz, pasensya na sa abala

