Chapter 45: Abducted Zeph's POV Marahas kong dinilat ang aking mata. Sa pagbuga ko ng hangin ay nagtaka ako nang makaramdam ako ng init sa aking labi, dito ko napagtanto na may takip pala ang aking bibig. Walang piring ang aking mata, madali kong nalibot ang aking paningin sa paligid. Nang igalaw ko ang aking kamay ay naramdaman ko ding nakagapos ito. Pero malaya ang aking paa. Sa paglibot ng paningin ko sa paligid, alam ko na kung nasaan ako. Minsan ko ng napuntahan ang lugar na ito. Masyadong mabait ang nagtali sa akin dito, tukoy ko agad kung nasaan ako. At sa totoo lang, kilala ko naman talaga siya. "Gising ka na pala, mahal na prinsesa..." Zild... Walang hiya ka! Nakangisi siyang umupo sa couch na katapat ko lang. Hindi ako nagpumiglas, hindi ako sumigaw. Para saan pa? Para pa

