Hime 1

868 Words
Story Nakaramdam kaming lahat ng kaba. Hindi ko alam kung paano haharapin si Klien after ng nangyari kagabi. Nag-antay kami na dumilat siya at bumangon pero hindi nangyari. Hindi siya gumising, we sighed in relief, synchronized. “Oo nga pala kailangan nating pumasok. Boys! Dalhin na si Klien sa kabila at mag-aayos kami dito! Shoo!” pagbabasag ng katahimikan ni Erin. Buntong hininga siya pagkatapos niyang isarado ang pinto. “Aaahhh!!! He’s here! Nandito na siya!!”  sigaw ng mga babae pagbaba pa lang namin ni Knight sa kotse niya. “Siya na naman!? That girl! Malandi!” nakasunod samin sila Angel na sumakay sa kotse ni Erato. Walang pumansin sa kanila doon sa mga babae kaya binalewala ko nalang. Medyo nasasanay na nga din ako eh. Naglalakad kami pero hindi papunta sa room. Papunta kami sa Office of the Dean. Teka, anong gagawin namin doon? Pumasok kami pero walang tao, may pinindot silang switch saka nagbago yung lugar. “This school was built for you. Ito yung pangarap mo diba?” sabi sakin ni Knight. May pinindot siya doon sa tapos may lumabas na parang malaking screen, kita yung kabuuan ng school. “Hestia” bulong ko. Oo kagulat-gulat man pero kamukha siya ng Hestia, yung lugar kung saan ako dinala ng panaginip ko. “Yes Hime. Hestia it is your heart” naamoy ko yung mabangong hininga ni Knight pati na din yung amoy niya. mga 1 inch closer na kasi siya. Hindi pa ako nakakasagot hinila na niya ako at iniwan namin sila doon sa loob ng office. Nilakad namin yung daan papunta gazebo. Huminto kami sa punong pinagtulugan ko, yung puno kung saan nakita ko yung Hestia. Iniharap niya ako sa kanya, bale nakatalikod ako sa puno. “Hime don’t worry you will remember everything again. Sana walang magbago” he said passionately. Bumalik yung Knight na nakilala ko sa Hestia. Yung Knight na nag-tour sakin, yung Knight na masayahin. I can feel safety in his arms. Gaya ng dati ang laki ng tiwala ko sa kanya. I can trust him that I will be fine as long as he is here. Those eyes, those mesmerizing eyes make me comfortable. Nawala lahat ng negative emotion ko nitong mga nakaraang araw. He smiled. Lumabas na naman yung pamilyar na dimple sa pisngi niya na wala kay Klien at nagtago yung mga mata niyang singkit. He’s definitely Knight, Knight Christopher Clarkson. Yung sumunod na ginawa niya ang nagpagimbal sakin. He places his hands on my face and inch his face. Walang pang isang minuto nabato na ako sa kinatatayuan ko. He KISS me, passionately and with longing. Memory He is kissing me passionately. Punong-puno ng pagmamahal at pangungulila, hindi rin nagtagal I kiss him back. Pero sandali lang yun. Naputol lang yung halik nung biglang sumakit yung ulo ko. Memories started to flash in my head. “Argh!! ” sigaw ko sa sobrang sakit. Hawak-hawak ko na yung ulo ko at naka-upo na ako sa lupa. “Hime! Let it out. Kaya mo yan! ” sigaw sakin ni Knight habang hawak yung dalawa kong balikat. Hindi niya ako binitawan simula kanina. The vision in my head is clear, nakita ko sarili ko, si Knight, si Klien, sila Erato at isang babaeng hindi ko kilala. Matapos ang ilang oras na paghihirap nakahinga ako ng maluwag. Naaalala ko na, ang Light Kingdom, si Mama at Papa, si Knight, Klien at sila Erato kasama si Hikari. “Knight” bulong ko habang hawak ko yung pisngi ni Knight. Masaya ako at walang masamang nangyari sa kanila. Masaya ako at nakaligtas kami sa ginawang pasakit ni Hikari. Pero itong lugar na to, hindi kami nararapat dito. 400 years na ang lumipas. Dito kami dinala ng sumpang binitawan ni Hikari, sa mundo kung saan ibang-iba sa nakasanayan. “I’m glad your back. Hime” teary eyes na bulong sakin ni Knight. Sinakop niya ulit yung labi ko. His lips are sweet and soft, I love the feeling of being with him. I feel safe in his arms. Pinutol niya yung halik saka ako tinitigan sa mata. “I’m glad your back” sabi niya saka ako niyakap ng pagkahigpit. Natatawa kong ginantihan yung yakap niya. Kung makayap naman kasi parang wala nang bukas. Nanatili kami doon at ganun ang posisyon. Ginagalaw niya ako ng bahagya habang sumasabay samin yung ihip ng hangin. Kung ako ang papipiliin, pipiliin kong mag-stay na lang doon habang buhay. Ayoko nang umalis doon, mas masaya kasi yung feeling. “Pwede naman eh. Just ask and I will do anything for you” sabi ni Knight saka humiwalay sa yakap sakin. Oo nga pala isa siyang time traveler at mind reader. Lahat ng tinaguriang The Great Twins ay may tig-dalawang kapangyarihan, isang magkatulad at isang naiiba. Sa lagay ni Knight at Klien parehas silang mga mind reader. Yung akin saka kay Hikari? Hindi ko alam ang pagkakatulad noong samin pero hawak ko ang four elements at kaya kong basahin yung emotion ng isang tao. Hinampas ko siya sa balikat. Walangya kasing nagbabasa ng utak ng iba. Walang privacy! Nasa ganun kaming estado ng makita namin SIYA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD