School
"Klien" sabay naming sabi ni Knight.
Lumapit siya samin saka umupo sa tabi ng puno. Tinap niya yung tabi niya na parang sinasabing umupo kami sa tabi niya.
Umupo naman kami ni Knight, inalalayan niya rin ako. Tinignan ko si Klien, wala na yung lalaking nakita ko kagabi, bumalik na yung Klien na una kong nakilala dito sa School yung bago pa yung panaginip ko.
"Sorry about last night, Knight showed me everything. Gusto ko lang naman makita si Hikari tapos meron pa akong nightmares na gawa pala sa sumpa. Sorry Rhianne nadala lang ako, I was confused that time" sabi niya habang nakayuko. Hinawakan ko yung balikat niya.
"It's okay. No damage done at saka I can understand you" sabi ko sabay pakita ng reassuring smile sa kanya.
"You're really awake. Welcome back" he said na nakangiti na. Nakikita ko na yung Klien na nasa memories ko, yung masayahing Klien.
We stayed there for a moment at nagkwentuhan. We took the time to catch up to one another, until Knight's phone cry.
"It was Erin. May nagkakagulong mga estudyante daw sa lobby" sabi niya. Wala nang dalawang salita at bumalik kami sa office.
Nakita ko sa screen na nagsasagutan yung dalawang babae. Nasa may lobby sila, nasa gitnang-gitna pa.
Nagsasagutan sila at halos masabunutan na kung hindi lang sila hawak nung dalawang lalaking Student Council officer base sa uniform.
"Kanina pa yan sila. Nagkabanggaan lang yan eh tapos ayan na mukha na silang nasa palengke at nakikipagtawaran sa isda" paliwanag ni Joan.
"Hime you need to take an action" sabi sakin ni Knight. Napaturo naman ako sa sarili ko habang nakanganga. Ako daw? Anong kinalaman ko diyan? Ayako kaya ng gulo.
"Hime the school was under your name. Ikaw din ang kinikilalang Dean dito kaya kailangan may gagawin ka" paliwanag sa akin Knight.
"As if naman naniniwala sila sakin diba?" sagot ko sa kanya.
"Maniniwala sila sayo. We can help, Fiona can change you into the visual Dean. Since hindi ka namin mahanap the past few years binabago namin yung sarili namin just to look like you pero may changes. Like ginawa ka namin matangkad ng konti, nakaka-intimidate yung look tapos ginawa ka naming mga 20 years old ganun" paliwanag naman sakin ni Joan.
Napanga-nga naman ako sa kwento nila. Seriously? They did all the trouble para lang dito sa school at sakin? Oh God! What did I do to deserve this?
"It was your dream Hime. Actually your dream was to built a guild pero since dito tayo dinala ng sumpa inayon ko nalang sa lugar yung dream mo at ito ang product" pagyayabang ni Knight. I look at them one by one. I guess I had no CHOICE.
Principal
“Malandi kang babae ka!” sigaw ng isang estudyante na nakasuot ng bitin na blouse saka maikling palda.
“No I’m not! Ikaw kaya yun. Low class slut!” ganti naman nung isang maayos naman yung damit well except sa nagsusumigaw niyang dibdib at killer heels.
Huminga ako ng malalim. Kasama ko silang lahat dito nasa likod ko sila, kailangan nang tapusin to. Kawawa na kaya yung SC Officer oh!
“What’s the meaning of this?” I said with full of authority. Napahinto naman silang lahat saka lumingon sa pwesto namin.
Naforze silang lahat. Siguro strict yung ginawang Principal nang mga to. Pinagbuti ko yung pag-arte.
“You girls proceed to the Detention Room. The rest of you go back to your classes” sabi ko, wala naman silang pag-aalinlangan tumalima.
Naglakad si Erato para sundan yung mga babae. Kwento kasi nila sakin kanina na si Erato daw yung President ng Student Council.
Nang wala nang estudyante ang natira saka lang tinanggal ni Fiona yung shape shifter sakin. Bumalik ako sa itsura ko kanina.
“Just like what I believe kaya mo nga. At hindi kami nagkamali sa ginawa naming visual Dean” sabi ni Angel habang naka-akbay sakin.
“Oo nga Rhianne. Easy’ng easy sayo eh” segunda naman ni Louise.
Napansin kong kanina pa tahimik si Klien simula pa kanina kaya napatingin ako sa kanya. Napansin din ito ng mga kasama ko.
Walang nagsasalita samin ni-isa. Inaantay namin yung susunod na gagawin o sasabihin ni Klien. Mukha kasi siyang sobrang bother sa isang bagay.
Napatingin siya saming lahat. Ini-isa kami nang tingin hanggang sa mapadako yung mata niya kay Knight.
“Pinatayo mo tong guild pero nasan ka nung mga panahong wala ka?” tanong niya kay Knight.
Napa-isip naman ako sa sinabi ni Klein. Wala siya nung unang araw ng eskwela.
Kahapon lang siya nagpakita samin. Tsaka paano niya nalaman na nasa iisang bubong kami ni Klein. Paano niya ako nahanap? Nagsimula nang magulo ang utak ko. Ano ba talagang ginagawa mo noon Knight?
Bakit parang ang dami mong alam. May alam ka pa ba na hindi mo sinasabi samin? Sakin? Napatingin siya samin.
“Gusto niyo ba talagang malaman ang katotohanan?” seryosong tanong niya samin.
Sabay-sabay kaming tumango sa pangunguna ni Klein. Naghintay kami ng sagot, nung nakuha na ng lakas si Knight ay sumagot na siya.
“HINAHANAP ko si Hikari sa nakaraan” sagot niya samin na ikinagulat naming lahat.