Truth
“What? Bakit mo siya hinahanap?” gulat na tanong ni Klien.
“Wala si Hikari dito sa lugar kung nasan tayo. Ayon sa nakaraan sinama niya ang sarili niya sa sumpa at may nakatakdang lugar kung saan siya makikita” paliwanag samin ni Knight.
“Doon sa kung saan ko nakita si Himekura. Doon siya nakatakdang makita” dugtong ni Klien.
Napailing-iling naman si Knight. Mas lalong kumunot yung noo ni Klien at mukhang malapit na siyang sumabog sa inis.
“Kung sa panaginip mo yan nakita pwes mali ka. Si Rhianne ang nakatakdang makita doon. Hindi ko nakita kung saan ang lugar nung kay Hikari but I’m sure na hindi doon” sabi ulit ni Knight samin.
“Yeah! Naalala ko na. Hikari is a spell caster. Kaya niyang gawin lahat using her spell kaya rin siguro ganun yung napanaginipan mo” biglang singit samin ni Fiona.
“Kung ganun mahihirapan tayong hanapin si Hikari. Pwede siyang magpalit ng anyo” dugtong naman ni Angel.
“Wag nyo munang isipan yan. Mag-focus na muna tayo sa pagpaplano kung saka-sakaling biglang sumulpot si Hikari” sabi ni Erin.
“We’re not going to kill her, are we?” nag-aalala na tanong ni Klien.
Mahal na mahal niya talaga si Hikari na kahit lamunin na siya ng inggit at galit ay hindi niya pa rin hahayaang mapahamak to. Pero hindi naman din niya tinotolerate yung mga mali niyang gawain.
“I can’t afford to kill a friend Klien” assure ko sa kanya.
Kahit na nasaktan ako ni Klien kagabi, kahit sinusungitan at sinigawan niya ako still kaibigan ko parin siya. Isang mabuting tao pa rin siya, counted na yung mga nasa alaala ko.
“So what’s the plan?” tanong samin ni Erin.
“Let’s just stick together and keep ourselves ready any time” sabi ni Knight samin.
So ang plano ay titira kaming lahat sa bahay na binigay samin ni Klien. Kumuha muna ng sila ng mga gamit nila sa mga apartment nila habang inaayos ko yung guest rooms, si Klien nasa kwarto niya nagbihis habang si Knight naman ginugulo ako dito.
“Sa kwarto mo ako tutuloy” sabi niya habang inaayos ko tong kama nila Angel.
“Bakit? Tatabi ka kila Klien at Erato malaki naman kama ni Klien” sabi ko.
Apat lang kasi ang kwarto dito, yung akin, kay Klien at yung dalawang guest rooms. Bigla nalang siyang hindi sumagot kaya nilingon ko.
Wala na siya. Ang galing lang hindi na ako sinagot, iniwan pa ako. Loko-loko talaga yung Knight na yun.
Hindi nagtagal ay NAKARATING na sila at nag-ayos ng ng gamit nila sa assigned rooms. Nagpadala na din sila ng hapunan namin.
Kids
“Anong ginagawa mo dito?” napasigaw ako nang makita ko si Knight na natutulog sa tabi ko. Take note nakayakap pa.
“Good morning to you too Hime” humihikab niyang sagot sakin.
“Paano ka napunta dito? Diba sabi ko sa kwarto ka ni Klien!” aga-agang nasira yung araw ko.
“Ayoko doon. Tumabi ako kay Klien? Hindi kami talo” saan ba niya nakuha tong ugali niyang to? Napaka childish!
“Ah basta kwarto ko na din to. Ligo na ako” hindi ako nakagalaw sa pagkakaupo ko nung tumayo sabay halik sa labi ko.
Oo hindi to ang una pero s**t! Nagulat ako at feeling ko first kiss ko pa rin yun. Ang tagal kong nakatulala, nang bumalik wisyo ako nakita kong tumatawa pa siya papasok ng banyo ko.
Baliw talaga! Magnakaw ba naman ng halik? Hindi makatarungan!
“Hoy anong nangyari?” napaigtad ako nang biglang sumulpot sa likod ko si Angel.
“W-wala. Wala yun” mapanuri niya akong tingnan pero pinalampas na din naman.
Wala akong balak magkwento sa kanya. Maya-maya pa sabay-sabay na kaming pumasok sa school.
“Waaaah!!! Ang cuuuuuuuuuttee!!” ang aga-aga ang ingay ng mga estudyanteng to.
“EXCUSE ME!!” batas talaga tong si Erin.
Biglang nahawi yung crowd. Oha! Akala mo naman hari at reyna ang dadaan. Ang bonga!
Naglakad kami sa papunta sa gitna. Ano bang meron at nagkakagulo- OH MY GOD!
“Waaahh!! Ang cute niyong mga bata!!” biglang napatakbo si Joan dun sa dalawang batang nasa gitna.
So sila pala yung pinagkakaguluhan pero teka bakit parang kahawig ni Knight yun isa? Yung batang lalaki na mukhang masungit pero gwapo. Ano daw?
“Hi Tita Joan!! I’m Irish!” pakilala nung batang babae na maliit na may cute na mata.
Anak ban g mga Dyosa at Dyos to? Anong ginagawa nila dito.
“Tss! Slow poke! Come” nagulat kami ng magsungit ang batang lalaki at sinungitan kami.
Aba’t walang galang na bata. Bigla ba naman kaming tinalikuran.
Wala sa isip kaming napasunod sa bata. San kami dinala? Sa Principal’s Office.
Oo sa office ko. Paano nila nalaman dito?
“First and foremost, magpapakilala muna ako. I’m Zanthus Clarkson, SON of Knight Christopher Clarkson and Himekura Rhianne Clarkson”
Teka ano daw? Nabingi ba ako? Ano ko daw siya? Anak ko? May anak ako? Kay Knight?