Hime 4

997 Words
Zanthus “Bata ikaw ba ay naka-drugs?” gulat ko paring sagot sa kanya. Aba! Kebata-bata ko pa may anak na ako? Wala akong matandaang nanganak ako at si Knight ang ama. “Hala! Hindi ka kilala ni Tita Princess, Kuya Zanthus! *huk*” napatingin kami dun kay Irish nung kumapit siya kay Zanthus at umiyak. Bigla naman akong na-guilty kasi nakita kong umiiyak si Irish. Pero naguguluhan pa rin talaga ako eh. “Tss! Thought so” wala man lang tinag tong si Zanthus. San ko kaya to siya pinaglihi? Teka! Inangkin ko na talaga siya ganun? “Here” may inabot siya sakin. Isang kwintas? “My pendant!” ito yung kwintas na binigay ni Papa sakin nung bata pa ako. Lagi ko tong suot kaya napahawak ako sa leeg ko. Nakapa ko siya saka nilapit yung binigay ni Zanthus. “Parehas sila” inikot ko yung bigay ni Zanthus at doon ko lang naconfirm na akin yun. Sa likod kasi nung pendant naka-engrave yung name ko into cursive. Hindi siya basta-basta kasi si Papa mismo ang nag-engrave nun. "There's no doubt anak mo nga yan. Pero mas naniniwala akong si Klien tatay niya. Parehas ugali oh!" sabi ni Joan. "Hoy!" sinamaan siya ng tingin ni Knight. "Mom said pinaglihi mo daw ako kay Tito Klein kaya ganito ako" sagot ni Zanthus samin. "Naniniwala na po kayo? *huk*" singit samin ni Irish. "Well..." paano ko ba to sasabihin? "Of course naniniwala kami. Ano bang ginagawa niyo dito?" si Knight na yung sumalo. "Irish was Tita Erin's daughter. Pinagtime-travel kami ni Dad to warn you. Tita Hikari was messing with the future. Pabalik-balik siya at hindi kami ligtas ni Irish dun" napanga-nga naman si Erin sa narinig. "Once we died the world will fall apart. Irish ans I were born to serve as a weapon to defeat Tita Hikari" dugtong ni Zanthus. "So kaya sa nasa future kasi hina-hunting kayo?" tanong ni Joan sa mga bata. "Opo, Tita Joan. Natatakot si Tita Princess kaya pinadala kami dito. Sabi ni Tito Prince susundan daw kami ni Tita Witch kaya binigyan ako ng spell ni Mommy Ganda" may binigay si Irish kay Erin na papel. Grabeng mga nickname naman yung binigay ni Irish. Bata talaga siya. "It's an anti-confusion spell" sabi ni Erin matapos basahin. "Yes, Mommy Ganda. Ang galing mo po!" pumapalakpak pa si Irish. "We need to PREPARE ourselves. Knowing Hikari hindi magtatagal ay nandito na siya" sabi ni Erato. Girl "Talaga? Oh my girl ang tagal mo namang nawala. San ka ba galing?" yun ang usapan na bumungad sa amin sa hallway. As usual nakabuntot sa amin sila Zanthus at Irish. Si Irish hawak hawak yung kamay ni Erin habang si Zanthus naman katabi si Knight at palinga-linga sa paligid. "May inasikaso lang kami sa U.S kaya natagalan" sagot nung isang babaeng ngayon ko lang nakita. Tinignan ko siyang mabuti. Mahaba ang kulay itim-abo niyang buhok. Ibang kulay din yung mata niya na aakalain mong hindi Pinay. "Loraine Sanchez. Hindi ko talaga gusto yung ugali niya. Hindi katiwa-tiwala lalo na yang contacts niya" bulong sakin ni Joan. Napansin naman kami ni Loraine daw. Nakangiti siyang tumakbo sa pwesto namin papunta kay... Klien? "Carl! Namiss kita!!" niyakap niya si Klien na wala namang ginawa kundi mag-poker face lang. "Ex ni Klien" bulong ulit ni Joan. Hindi ko alam kung bakit ba bumubulong to. "Loraine" simpleng sagot ni Klien. Tahimik lang kaming lahat. Nakikita ko yung pagka-ayaw nila Joshua kay Loraine at ang pagtitig ni Zanthus sa babae. "Mom!" tawag sakin ni Zanthus saka naglakad sa pwesto ko. "Oh! May bago pala kayong kasama. Hi I'm Loraine. Akin lang si Carl ha?" nagulat ako sa bitchy tone nitong babaeng to. Asa naman siyang kanya si Klien at aagawin ko. Sus! Kung alam lang niya, may ibang mahal yang si Klien. "I'm Rhianne" pakilala ko din. Syempre polite ako. "Anak mo?" turo niya kay Zanthus na ang sama pa din ng tingin. "Ate ko" malamig na turan mg bata. Napansin ko namang biglang nagpakarga si Irish kay Erin at saka sumiksik sa leeg niya. "Oh... Right! Hihiramin ko pala si Carl. Bye!" hinila na niya si Klien at hindi na din nakapalag ang huli. "I don't like her. No I don't" bulong ni Irish samin. Nagsimula na naman siyang umiyak kaya inalo-alo ni Erin. Sa tingin ko hindi lang si Irish ang may ayaw kay Loraine pati ata sila at ako. Isama na natin tong anak kong hanggang ngayon eh masama pa din ang tingin doon sa direction na nilakad nila Klien. "Okay ka lang Zanthus?" tanong ko. Nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko. Simula nung isang araw na dating nila, ni minsan hindi siya nagpahawak sa kamay lalo na samin ni Knight. To think na anak namin siya. Doon din siya natutulog katabi ko sa higaan at si Knight nasa lapag. Umiiwas talaga siyang yakapin at hawakan sa kamay. "There is SOMETHING wrong about her" mahigpit ang hawak niya sakin. Hikari "Rhianne!!" hingal na hingal si Erin na tumatakbo pababa ng hagdan. Nasa bahay kaming lahat ngayon maliban kay Klien. Kanina pag-uwi hinila na naman siya ni Lorraine kaya nauna na kami. "Kumalma ka nga Erin. Disgrasya abot mo niyan" saway sa kanya ni Joshua. Kasunod ni Erin si Irish na pinipilit ding bumaba ng hagdan patakbo gamit ang maliit niyang mga paa. "I think I know kung sino talaga si Lorraine" hinihingal na sabi ni Erin. "Huh?" sabay-sabay naming tanong. Anong pinagsasabi nitong babaeng to? Anong sino talaga si Lorraine? "Remember this?" pinakita niya samin yung hawak niyang papel. "Diba yan yung spell na binigay ni Irish sayo?" tumango-tango siya sa sinabi ni Angel. "Binulungan ako kanina ni Irish na gawin ko tong spell. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko" pabitin niya samin. "Si Lorraine si Hikari Rhienne" natulala kami sa sinabi niya. Hindi pa kami nakaka-recover ay nakarinig kami ng palakpak sa pinto. Sabay-sabay kaming humarap at doon nakakita kami ng isang BANGUNGOT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD