The time has come.
War must start.
To prove that someone.
Someone is worth the crown.
Someone is worth the power.
Someone is worth the win.
Erode
(Cause something to destroy)
Proclamation
"Look what we have here. Hmm? Must say ang talino mo talaga Erin. Sad to say hanggang diyan na lang iyang katalinuhan mo" napatitig kami kay Hikari ng bigla siyang sumulpot sa may pintuan.
Nasa likod niya si Klien at hindi makagalaw. Pumunta sa likod ni Erin si Irish at tumabi sa gilid ko si Zanthus. Habang si Joshua at Knight naman ay nasa magkabilang gilid naming lahat.
"Aww... ang ganda naman ng formation niyo. Hmm... kulang kayo. Ay, oo nga pala. Hawak ko nga pala ang isa sa inyo" bigla siyang tumawa ng malakas.
"Hayop ka talaga Hikari!" hindi na napigilan ni Joan at napasigaw siya.
"I know b***h. Proud ako" tumawa na naman siya ulit.
Bigla siyang kumilos kaya naging alerto kaming lahat. Pero hinarap lang niya sa amin si Klien.
"Humanda kayo dahil magsisimula na ako" yun lang ang sinabi niya bago siya tuluyang MAWALA.
Move
"Anong meron dito?" tanong ni Fiona habang nilibot ang tingin sa buong hallway ng school.
"Hindi ko alam" nag-shrug lang si Joshua saka nilibot din yung tingin.
Walang ni-isang estudyante ang nasa labas ng hallway which is unusual. Wala pang time ng klase kaya nakapagtatakang walang mga estudyanteng nakabantay sa hallway.
"Something's wrong" sabi ni Knight saka ako hinawakan sa kamay.
Sabay-sabay kaming tumakbo sa principals office. Karga ni Joan si Irish habang nasa gilid ko si Zanthus na tumatakbo.
Pagdating namin dun nagulat kami nang makita lahat ng monitors. Occupied lahat ng classrooms ng mga estudyante. May isang bagay ang nakakuha ng attention namin.
Lahat sila ay nakatingin sa whiteboard sa harap. Yung mga mata nila WALANG BUHAY.