Past
Masayang naglalaro ang tatlong bata sa hardin ng kaharian. Abala sa pagpulot ng mga bulaklak ang batang si Hikari habang naghahabulan naman ang mga batang sila Knight at Klien.
"Ano yun?" saglit na napahinto ang dalawang lalaking naglalaro nang makarinig sila ng komosyon sa loob ng kaharian.
"Tignan natin. Tara Hikari" alanganing tumayo at sumunod si Hikari sa mga kaibigan.
Tumakbo sila hanggang sa bakuna ng pinto kung saan may mag-asawang nakatayo sa may gate ng palasyo.
"Anak? Ikaw nga, Lily!" tumatakbong tinawid ng reyna and espasyo mula sa anak niyang matagal nang hindi nakita.
"Ina. Ama" makikita rin ang pangungulila sa mata ng anak.
"Ito po ang asawa ko, Ina. Siya naman ang anak namin si Himekura Rhianne" hawak-hawak ng bata ang palda ng kanyang ina nang tumingin sa kanya ang hari't reyna.
Nagkatinginan ang dalawa bago muling magtanong sa anak habang nakatitig pa din sa batang si Rhianne. Napuno naman ng takot ang bata sa mapanuring tingin na ibinibigay sa kanya.
"Ilang taon na siya?"
"Siya ay nasa ika-limang taon na, Ina" nakangiting sagot niya sa tanong ng kanyang ina.
Nanlalaking matang lumingon ang Reyna sa anak. Samantalang nanatiling tahimik si Rhianne at nakakapit sa palda ng ina dahil sa takot. Wala siyang naintindihan sa mga nangyayari.
"T-tumuloy muna kayo. Dalhin nyo sila sa kanilang silid" utos ng hari sa ilang mga alagad na nakatayo sa gilid.
"May pag-uusapan tayo" bulong ng reyna sa anak niya. Simpleng tango lang ang sagot ng huli.
"Ina, Ama, natatakot po ako" bulong ng batang si Rhianne sa mga magulang.
Sinusulyapan din niya ng tingin ang tatlong batang nakatayo sa gilid at pinapanood ang mga nangyayari sa harapan nila.
Maski sila ay walang naiintindihan. Pero sa kabila ng lahat, natutuwa ang dalawang batang lalaki sa ideyang may bago silang makakasama at babae pa.
Iniisip nilang hindi na magiging mag-isa si Hikari sa tuwing maglalaro sila. Taliwas naman ito sa iniisip ng batang si Hikari.
"Wag kang mag-alala anak. Magiging MAAYOS din ang lahat" hinagkan siya ng kanyang mga magulang.
Wrath
"Hi! Ako si Knight. Sila si Klien at Hikari. Ikaw?" nakangiting lumapit si Knight sa naninibagong si Himekura.
"A-ako si H-himekura" nahihiya niyang turan.
Hindi niya alam kung paano kikilos sa bagong tahanan na pinuntahan nila ng kanyang ama't ina. Hindi ganito ang buhay na kinagisnan niya.
Nasanay siyang tumira sa maliit na bahay lamang. Sapat na siya roon.
Hindi niya rin alam kung paano ituring ang mga batang ngayon lang niya nakilala. Ang sabi sa kanya ay mga pinsan niya ito.
¤¤¤
"Sandali lang Knight! Saan ba tayo pupunta?" hinihingal na tanong ng dalagang si Himekura.
Ilang taon na ang lumipas. Sa loob ng mga taong iyon ay naging malapit silang apat sa isa't-isa.
Yung tipong halos hindi na sila mapaghiwalay. Tuwing umaga hanggang hapon ay sila-sila lang ang magkakasama at masayang naglalaro.
"Nakahanap sila Klien nang isang bahay sa itaas ng puno" sagot ni Knight habang nakangiting nagpapakita ng tunay niyang edad.
Isang binatang walang iniisip na kahit na anong problema sa buhay. Ganyan lang kagaan ang araw-araw nila.
¤¤¤
"San ba kayo nanggaling dalawa?" nanggagalaiting sigaw ni Hikari habang dinuduro ang dalawang lalaki sa harapan nila.
Nakangiti lang si Himekura habang nagkakamot naman ng ulo ang dalawa. Nasa base-house nila sila. Yung bahay sa itaas ng puno.
"Ganto kasi yan. May kapangyarihan na ako!" nilabas ni Klien yung ngipin niya at taas noo nang sabihin niya ang katagang iyon.
Nagulat naman ang mga dalaga. Hindi nila inaasahan iyon.
"Talaga?" nang araw na yun ay napagpasyahan nilang magsaya.
¤¤¤
"Nakagawa ako ng spell!!" masayang sigaw ni Hikari sa kanilang lahat.
"Talaga? Patingin nga?" interesadong sagot ni Klien.
"Uhmm! Ang sarapa naman nito Himekura!" bago pa man magawa ni Hikari ang spell ay naputol sila ng sigaw ni Knight.
May hawak itong cake habang ngumunguya. Nahihiya namang ngumiti si Himekura sa reaksyon ng binata.
Nakuha na nito ang pansin ni Klien kaya pumunta siya kung nasaan ang dalawa. Habang naiwan sa isang tabi si Hikari at NAKALIMUTAN na ang una niyang spell.