Knight 2

650 Words
Anguish "Remember that day? Yan ang unang araw na inagaw mo sakin ang lahat. Klien and Knight, my parents, my castle and my title" sigaw ni Hikari mula sa AV Room. Hindi pa kami nakaka-recover sa mga lumabas sa monitor. Alam kong gumamit ng spell si Hikari para magawa yun. "Nung araw na yun, isinantabi ko yun at nakisama pa din sa inyo. Pero nagtuloy-tuloy hanggang sa isang raw ay nagising na lang ako na inagaw mo na sakin ang lahat" sigaw niya ulit. Naramdaman naming medyo yumanig ang lugar kaya napakapit kami sa isang lugar na malapit samin. "Wala akong inagaw sayo, Hikari" sabi ko kahit na alam kong hindi niya ako naririnig. "Now let's made you feel na maagawan" biglang tumayo yung mga estudyanteng nakaupo sa mga armchairs. Ganun pa din yung mga mata nila. Blanko at nakatitig pa din sa kawalan. Sabay-sabay silang humarap sa kamera kaya mas lalo kaming natakot sa itsura nila. Maputla ang mga kulay nila at naglalabasan na din yung mga ugat-ugat nila sa mukha. Anong ginawa niya? "Erin, anong nangyayari?" tanong ko kay Erin habang hindi pa din inaalis yung tingin sa monitor. "Nakagawa siya ng isang spell. Hindi ko alam kung ano dahil ngayon ko palang to na-encounter. Ang masasabi ko lang ay tulog ang mga diwa ng mga estudyante" lahat na kami nagpanic ng magsimulang maglakad palabas ng kani-kanilang room yung mga estudyante. Papunta sila dito! Napansin kong may binubulong si Hikari kaya nilakasan ko yung volume ng speaker. Pero kahit anong gawin kong lakas ay wala akong maintindihan sa sinasabi niya. "Let the power around me take my command as I, sell myself to you, Demon King. Take my sorrow and anguish and turn them into power. Make me even stronger. I shall take my revenge!" Matapos niyang magsalita ay may pumalibot sa kanyang itim na usok. Sa gilid nun ay may mukhang napo-form, si Lazaruz, ang Demon King. Binenta niya ang sarili niya sa demonyo. Binenta niya para sa PAGHIHIGANTI. War "Lumabas na tayo dito! Hindi tayo makakalaya kapag na-corner nila tayo" sabay-sabay kaming sumunod kay Joshua palabas. "Erin, may magagawa ka ba para sa mga estudyante?" tanong ko kay Erin habang tumatakbo. "I think so. Pero kailangan ko ng tulong" tumango ako sa sinabi niya. "Zanthus, tulungan mo si Tita Erin mo at si Irish. Humanap kayo ng place na pagtataguan" tumango lang si Zanthus bago sila humiwalay sa amin. Papunta sila sa kabilang direksyon. "Anong plano, Rhianne?" tanong sakin ni Joshua. Nasa hallway pa din kami at tumatakbo. Napahinto kami ng may mga humarang na mga estudyanteng parang zombie. "Kailangan muna nating ipunin lahat ng estudyante sa lobby. Hindi ko sila kayang isugal sa digmaan. Sila Erin ang bahala sa kanila. Pagkatapos nun ay sa gazebo tayo magkita-kita" naghiwalay kami ng daan. May grupo ng estudyante ang humarang sakin. Paano to? Hindi sila nakaka-kita at wala sila sa sarili nila. Sinubukan kong ipunin yung lakas ko sa palad ko. Nakaramdam ako ng pwersa, parang isang bola. Humangin sa buong paligid. Ginamit ko yung bolang yun para gumawa ng isang latigo. Nararamdaman kong hindi parin tumitigil sa paglakad yung mga estudyante. Pero hindi ko sila pinansin. Nag-concentrate lang ako sa pwersa ko. Nang nararamdaman kong buo na ang latigong ginagawa ko. Agad ko itong binato sa mga estudyante. Hindi sila masasaktan sa gagawin ko. Niyakap lang sila ng latigo kong hangin. Kinumpas ko yung kamay ko at parang isang mahikang sumunod ang latigo. Tinutulak sila ng latigo papunta sa pwesto ko. Bago pa man sila tuluyang makalapit sakin ay tumakbo na ako. Alam kong hindi nila ako magagalaw dahil napipigilan sila ng latigo pero hindi ko kayang mag-risk. Isang demonyo na ang kalaban namin ngayon. Hindi lang isang simpleng katulad namin. Tumakbo kami papunta sa lobby gaya ng napag-usapan. Hindi ko sila kayang kalabanin. Hindi at ayaw ko silang saktan. Kahit paano ay naging ESPECIAL sila sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD