Chapter 54 R-81+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- "Maaga pong umalis si Gov, ma’am, pero ibinilin niya na babalik din daw po siya agad." Tumango lang si Jasmine nang marinig iyon mula sa tauhan ni Lucas ng lapitan niya ito sa kusina para tanungin kung nasan ang lalaki. Umalis pala ito kaninang madaling-araw.Marahil umuwi ito sa bahay nilang mag-asawa. Kaya tahimik siyang bumalik muli sa silid nilang mag-ina na sakto namang nagising na si Dahlia.Sinulyapan niya ang orasan sa dingding nang kanilang tinutuluyang silid.Alas-syete pa lang ng umaga. “Mama…” tawag ng bata habang kinukusot pa ang mga mata dahil sa pagkakaalimpungatan. Agad niya itong nilapitan at hinalikan sa noo. “Hi, anak, good morning.” malambing niyang sabi, sabay yakap dito at inamoy sa buhok an

