Chapter 53 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Tahimik ang buong paligid. Sa labas ng bintana, maririnig ang marahang ambon ng ulan na tila nakikisabay sa bigat ng gabi. Sa loob ng safehouse, nakahiga si Dahlia sa maliit na sofa, mahimbing ang tulog habang mahigpit na yakap ang stuffed toy na bitbit pa niya mula sa evacuation center.Nakatulog itong muli sa kandungan ni Lucas kanina pero binaba ito ng lalaki para makatulog ng maayos ang bata. Si Lucas ay nakaupo sa sahig, nakasandal sa malamig na pader habang pinagmamasdan ang anak—ang bawat buntong-hininga niya ay may bahid ng paghanga at pangungulila. Paulit-ulit siyang napapangiti, paulit-ulit ding napapahinga nang malalim na para bang hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na narito sila… ang mag

