Chapter 52 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Kumalas sa pagkakayakap si Lucas kina Jasmine at Dahlia. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig habang marahang naupo sa tabi ng mag-ina sa loob ng sasakyan. Tahimik silang bumiyahe sa gitna ng madilim na kalsada, tanging ugong lamang ng makina at mahinang pagpatak ng ulan sa bubong ng sasakyan ang maririnig.Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila ni Jasmine at ang gulat nito sa kanyang ginawa ngunit wala itong kibo sa kanya at lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa anak. Hindi na nagtanong pa si Jasmine. Marahil ay pagod na rin ito o sadyang ayaw nang makipagtalo. Panaka-nakang sinusulyapan ni Lucas ang mag-ina — si Dahlia, mahimbing nang natutulog sa kandungan ng kanyang ina, at si Jasmine, nakatingin sa

