Chapter 51 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV – "So it is you. No wonder you seemed familiar, we've met before." Hindi nakapagsalita si Jasmine. Para siyang napako sa kinatatayuan nang bigla siyang harangin ni Zandra sa makitid na daan. Naramdaman niyang kumabog ang dibdib niya habang palipat-lipat ng tingin si Sol sa kanilang dalawa, halatang naaasiwa sa biglang tensiyon. Kilala niya si Zandra. Bakit hindi? Kahit isang beses pa lang niya ito nakita nang personal, palagi naman niyang nakikita ang mukha ng babae sa TV, sa mga tabloid, at sa kung saan-saan pa — laging nakadikit ang pangalan nito sa pangalan ni Lucas Cordova. Ang babae na ito ang legal na asawa ni Lucas. Napalunok siya, at agad niyang naramdaman ang malamig na pawis na bumabalot sa kanyang

