Crossing Borders of Hope

1504 Words
Chapter 3 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- "Sa Maynila?" gulat na reaksyon ni Jasmine nang kausapin siyang muli ni Aling Nelia tungkol sa trabahong papasukan niya ng puntahan niya ito sa Hasyenda Cordova kinaumagahan. "Oo, Jasmine. Pero huwag kang mag-alala, kilala mo naman si Madam, 'di ba? Mabait naman 'yon." "Pero Aling Nelia, masyado pong malayo para iwanan ko sina Nanay." bakas sa kanyang boses ng matinding pag-aalala ng magsalita siya.Ngayon pa lang hindi na niya sigurado kung papayagan ba siya ng ina na luluwas dahil hindi naman sila sanay na malayo sila sa isa't isa. Inabot ni Aling Nelia ang kanyang mga kamay at saka ito umupo sa harapan niya. "Jasmine, ang mahalaga ay mapagamot mo ang iyong ina at mapadalhan mo ng mga pangangailangan ang mga kapatid mo. Ilang araw nang wala ang iyong ama, hindi ba't tila iniwan na niya kayo at sumama na sa babae niya?" sabi sa kanya ni Aling Nelia, bukod sa kaibigan ito ng nanay niya ay alam na alam nito ang kwento nilang mag-anak dahil halos sa iisang lupain lang naman nakatirik ang kanilang mga bahay at saksi ito kung paano sila saktan ng kanyang ama. Sa pagkakataong ito, hindi nakaimik si Jasmine. Oo, mula nang ma-ospital si Aling Pacita, hindi na muling nagpakita ang ama. Masakit para sa kanya nang mapagtanto niyang sumama nga ito sa babaeng matagal na niyang naririnig na kalaguyo nito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago bumagsak ang kanyang mga balikat at pati ang kanyang luha ay nagbabadya ring malaglag. "Sige ho, Aling Nelia. Pumapayag ho ako." sa huli ay napagdesisyonan niyang pumayag na lang dahil naiipit na siya ngayon lalo pa at siya na lang talaga ang inaasahan ng kanyang pamilya. "Ay, mabuti naman!" masiglang tugon ng mayordoma at agad nitong dinayal ang numero ni Mrs. Cordova. Narinig ni Jasmine na sinabi nitong pumapayag na siyang manilbihan sa mga Cordova sa Maynila ng kausap na nito ang ginang kaya wala na siyang magagawa pa at mukhang tuloy na tuloy na ang alis niya kung sakaling payagan siya ng kanyang ina at kailangan niya itong mapapayag. "O, narinig mo ba? Bibigyan ka raw ni Madam ng advance payment para makabili ka ng gamot para sa iyong inay. Para naman hindi ka na mamroblema habang wala ka rito." dadag pang anunsyo ni Aling Nelia kaya napatayo si Jasmine at niyakap ang matanda. Ramdam niyang nagulat ito, ngunit kalaunan ay gumanti rin ng yakap. "Salamat po Aling Nelia," "Sus batang ito, wala yun, sige na humayo ka na para makapag asikaso na ng gamit mo baka bukas ay ipapahatid kana sa akin sa terminal," Nang matapos ang naging pag-uusap nila ni Aling Nelia, tahimik pa rin si Jasmine. Sa kanyang puso, para bang may bigat na hindi maibsan. Pinilit niyang ngumiti, pero sa bawat hakbang pabalik sa kanilang barung-barong, dama niya ang paghigpit ng dibdib niya. Pagdating sa kanilang bahay, nadatnan niya ang kanyang mga kapatid na natutulog na sa banig. Si Nanay Pacita naman ay nakahiga sa gilid, humihinga nang marahan, tila lumalaban pa rin sa sakit na unti-unting sumisira sa katawan nito.May katabi rin itong baso at ang kanilang lumang thermos na isang bagsak na lang ay siguradong wala ng kalalagyan pa.Lagi kasing inuubo ang kanyang ina kaya laging may mainit na tubig sa gilid nito na kahit papaano ay nakakaginhawa dito pag sinusumpong ng hika. Lumingon ito ng makita siya, sa mukha nito kita ni Jasmine ang gulat at pagtataka kung bakit ginabi siya ng uwi. " Saan ka galing Jasmine?" Tanong nito na bagaman hirap na sa paghinga ay pilit pa rin nito pinatatag ang boses. Lumuhod si Jasmine sa tabi ng ina. Hawak ang kamay nito, marahan niyang pinisil iyon. "Nay... galing ako sa hasyenda Cordova, humingi ako ng tulong kay Aling Nelia para makabili ng gamot ninyo." Umupo ang kanyang inay kahit pa nahihirapan ito at saka tuwid na tumingin sa kanya. "Jasmine, kabilin-bilinan ko na hindi mo dapat ginagawa iyan.Magtatrabaho ako pag kaya ko na at huwag na huwag ka na bumalik ng hasyenda para lang humingi ng pera pambili ng gamot ko naiintindhan mo ba?" sa pagkakataong ito may bahid ng galit ang mukha at boses ni Aling Pacita. " Nay, hindi naman puwede na pabayaan ko kayo na nahihirapan saka babayaran ko ang mga iyan, nakahanap na ako ng trabaho at tinulungan ako ni Aling Nelia nay," Umubo si Aling Pacita at napahawak sa kanyang dibdib.Naging sunod-sunod ang ubo nito kaya napahimas si Jasmine sa likod ng ina at inabot ang efficasent oil para ilagay sa likod ng ina. " A-at anong trabaho naman iyan Jasmine, " tanong nito ng mawala ang ubo.Kaya bumalik si Jasmine sa harapan nito at umupo sa lumang upuan na yari sa kahoy. "Aalis po muna ako. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero gagawin ko po 'to para sa inyo, para sa atin.Naghahanap si Misis Cordova ng katulong sa maynila at pumayag na ako, itong gamot ninyo ay padala niya kanina para habang wala ako ay hindi na ako mamoblema sa mga iinumin nyo nay," mahabang paliwanag niya dito.Nakita niyang gulat na bumalatay sa mukha ng kanyang ina pero inignora niya ito dahil baka magbago pa ang isip niya pag magpadala siya sa kanyang emosyon kung hindi niya tapangan ang kanyang loob. Ngunit hindi niya inasahan na tahimik lang ang ina. Ngunit sa ilalim ng liwanag ng gasera, namasdan ni Jasmine ang bahagyang paggalaw ng kamay ng ina na parang pagtugon, parang pagpapalakas ng loob nito. "Pumayag ka na ng hindi ka muna nagpaalam sa akin?" puno ng hinanakit ang boses nito ng tanungin siya. Napaluha si Jasmine pero hindi siya umiiyak ng malakas at hindi na niya kaya. Marami na siyang iniyak nitong mga nakaraang araw. Pero sa gabing ito, ang luha niya'y parang panata.Pakiramdam niya may mali sa kanyang ginawa pero kailangan niyang panindigan alang-alang sa kanyang pamilya. "Pangako Nay... babalik ako. At pagbalik ko, hindi na tayo magugutom. Hindi na kayo masasaktan, ililipat ko kayo ng tirahan pag may ipon na ako, " Muli niyang tiningnan ang kanyang mga kapatid. Walang kaalam-alam sa bigat ng pasyang ginawa niya ngayong gabi. Wala ng naging tugon sa kanya ang ina dahil kapwa na sila nag iyakan habang yakap ang isa't isa. Kinabukasan, maaga siyang nag-empake ng kakaunting gamit, dalawang piraso ng blouse, dalawang palda, ang lumang rosaryo ni Nanay, at ang litrato ng kanilang pamilya noong buo pa sila. Habang binabaybay nila ni Aling Nelia ang daan papuntang terminal ng bus, hindi na niya pinigilan ang pagluha. Hindi ito luha ng panghihinayang. Ito'y luha ng isang batang babae na pinilit maging matatag sa panahong wala nang ibang kakapitan kundi ang pangarap at pag-asa.Niyakap siya nito ng ipaakyat na siya nito sa bus.Kumaway naman siya kay Aling Nelia at mahigpit na hinawakan ang lumang de keypad na phone na pinahiram nito sa kanya para pagdating niya sa maynila ay tatawagan niya si Misis Cordova. Habang nasa loob ng bus papuntang Maynila… Nakaupo si Jasmine sa tabi ng bintana, tahimik lang habang pinagmamasdan ang mabilis na pag-usad ng tanawin sa labas. Mga palayan, bundok, at kalat-kalat na bahay ang dumaraan sa paningin niya, paunti-unti itong nagiging mga konkretong estruktura habang papalapit sa lungsod.Ni hindi man lang siya dinalaw ng antok at okupado ang isip niya ang inay, kanina bago siya umalis ng iwan siya nh tatlong libo mula sa pitong libo na inabot sa kanya ni aling Nelia kahapon.Kumuha ng lang siya ng 500 para may baon siya sa lakad at ang iba ay pinabili niya ng gamot ng ina at pagkain ng mga ito. Napapikit siya. "Kaya mo ito Jasmine," Mainit na araw sa Hacienda Cordova. Bata pa siya noon. Nagtatakbuhan sila ng kanyang mga kapatid sa gitna ng malawak na lupain ng mga Cordova. Si Nanay Pacita ay nakaupo sa lilim ng punong mangga, may hawak na habing pamaypay, habang si Tatay naman ay natatawang nanonood sa kanila. "Jasmine, dahan-dahan lang! Baka madapa ka nanaman!" sigaw ni Nanay, pero may ngiti sa labi. "Hayaan mo na siya, Pacita. Masaya ang bata." sabay abot ng malamig na tubig ni Tatay sa asawa nito. Masaya noon. Simple lang ang lahat pero buo sila. Ngunit parang mabilis ding naglaho ang lahat. Unti-unting kumupas ang mga ngiti, naging sigawan ang tawanan. Naging gabi ang liwanag. At sa huli, iniwan silang magkakapatid ng lalaking minsan nilang itinuring na haligi ng tahanan. Isang gabing hindi niya makakalimutan—yung gabing narinig niya mismo sa labas ng kanilang bahay ang pangalan ng babaeng madalas pagtalunan ng kanyang mga magulang. Yung gabing umalis si Tatay at hindi na bumalik. Bumalik ang ulirat ni Jasmine. Napahawak siya sa dibdib niya, parang gusto niyang alisin ang bigat na matagal nang nakadagan sa puso niya. "Tama na…" mahinang bulong niya sa sarili. "Hindi na ‘to para sa nakaraan. Para na ‘to sa hinaharap." Tumitig siyang muli sa bintana. Sa kabila ng takot at pangungulila, dama niyang nagsisimula na ang panibagong yugto ng buhay niya. -Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD