The Offer

1697 Words
Chapter 2 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third Person POV- Napalingon si Jasmine sa kanyang ina nang mapansin niyang panay ang pag-ubo nito mula pa kanina. Nag-aalalang ibinaba niya ang bilaong may lamang palay at agad na nilapitan ang ina, na abala sa pagpapaliyab ng kahoy sa kanilang maliit na kusina para makapagsaing na sila. “Nay?” mahina niyang tawag habang hinahagod ang likod nito. Ramdam niya ang buto ng ina, tanda ng matinding kapayatan.Kaya lalong nakakaramdam ng guilt si Jasmine pag nakikita niyang nahihirapan na ito. Matanda na ito. Sa edad nitong 59, alam niyang hindi na dapat ito nagpapakahirap sa paghahanapbuhay para sa kanilang magkakapatid. Isang taon na lang ay senior citizen ang kanyang ina, habang ang kanyang ama nama’y 62 na ngunit patuloy pa rin sa pag-inom ng alak at kahit kailan yata hindi niya na mararamdaman dito ang tunay na kalinga ng isang ama. Dahil dito, silang mag-ina ang pasan ang responsibilidad para sa pamilya na dapat katuwang nila ang ama ni Jasmine.Kaya naman sa edad nito daig pa ng senior ang lakas ng kanyang ina. “Huwag mo na akong alalahanin, anak. Tapusin mo na ang ginagawa mo, at baka dumating na ang mga kapatid mo at wala pa silang makakain,” wika ng ina. Ngunit kasunod nito ang sunod-sunod na pag-ubo, kaya’t napakapit ito sa braso ni Jasmine na agad naman niyang inalalayan. “Nay, dadalhin ko na po kayo sa ospital. Mukhang malala na po ang kalagayan ninyo,namumutla na rin ho kayo,” sabing may kaba ni Jasmine nang makita ang bahid ng dugo sa bibig ng ina. Hindi na tumigil ang pag-ubo nito at nauwi sa pagdura ng mas maraming dugo. “Nay!” sigaw niya habang inalalayan ito.Agad na pumara siya ng dumadaang traysikel at dali-daling isinakay ang ina patungong ospital sa karatig bayan kahit ayaw nito at todo tanggi ito na huwag na sila pumunta.Pero nagmatigas si Jasmine kahit wala silang pera,para sa kanya hindi bale ng magkanda utang-utang siya huwag lang mawala sa kanya ang ina. Madaling araw na nang lumabas ang resulta ng laboratoryo ni Aling Pacita—tuberculosis, isang sakit na matagal nang napabayaan. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ni Jasmine. Paano kung nahawa na rin silang magkakapatid? Saan siya kukuha ng panggastos para sa pagpapagamot? Nanghihina siyang napaupo sa plastik na upuan habang pinagmamasdan ang lupaypay na mukha ng kanyang inang mahimbing na natutulog sa simpleng kama ng pampublikong ospital. Iniisip niya ngayon kung saan kukuha ng pera para sa mga gamot at reseta. Kahit libre ang serbisyo sa ospital, hindi sakop ang maintenance na gamot. Napahagod siya sa mukha, ramdam ang bigat ng pagod at pangamba. Siguradong nag-aalala na ang kanyang nakababatang kapatid sa kanilang bahay. Hindi rin niya alam kung nakauwi na ba ang ama mula sa inuman. Pinangangambahan niyang baka saktan nito ang kanyang mga kapatid—gaya ng dati noong siya’y dalagita pa lamang. Madalas siyang napapalo nito tuwing lasing, habang tahimik lang na umiiyak ang kanyang ina. Kinuha niya ang kanyang lumang keypad na cellphone at hinanap ang numero ng bagong katiwala sa Hasyenda Cordova. Ilang taon na rin mula nang ipagpalit ng kanyang ina ang dating posisyon upang mas mabantayan silang magkakapatid. Noong labing-apat na taong gulang pa lang siya, palagi silang nasa hasyenda. Namimitas siya ng bunga, iniuuwi upang may makain sila at tumutulong sa lahat ng gawaing bahay. Ngunit nang magsimulang magkasakit si Aling Pacita, tuluyan na silang lumisan sa hasyenda. Hindi na rin siya nakatuntong sa kolehiyo. Sa halip, nagsimulang magtrabaho bilang waitress sa hindi kalakihang kainan sa bayan para matustusan ang pangangailangan nila araw-araw. Sampung taon na ang lumipas. Dalawampu’t apat na siya ngayon. Sa kabila ng lahat, nanatili ang mabuting samahan nila ng mga dating kasamahan sa bahay ng mga Cordova—lalo na kay Aling Nelia, ang mayordoma. Lagi siyang nakakatakbo rito kapag gipit, at hindi siya tinatanggihan, kahit pa minsan hindi na siya pinababayaran sa tulong na naibibigay nito. Ipadadial na sana niya ang numero, ngunit ibinaba niya rin agad ang cellphone nang maalalang madaling-araw na at malamang ay tulog pa ito. Bukas na lang siya pupunta sa hasyenda upang muling makiusap. Umupo siya sa tabi ng ina, ipinatong ang braso sa gilid ng kama, at bahagyang yumuko upang makatulog kahit sa ganoong posisyon. Nagising si Jasmine nang maramdaman ang mahinang tapik sa kanyang balikat. Pagdilat niya’y nakita ang inang nakaupo, bagamat may nakakabit pa ring suwero sa kamay. “Nay,” bulalas niya sabay tayo. Ngumiti ang ina at hinawakan siya sa kamay. “Ayos lang ako. Kanina pa dinalhan ng pagkain ng nurse, hindi na kita ginising. Alam kong puyat ka.” “Kumusta po ang pakiramdam ninyo, Nay?” “Mabuti na. Mamaya, kakausapin ko na ang doktor. Gusto ko nang lumabas. Wala kasing mag-aalaga sa mga kapatid mo sigurado ako wala na naman doon ang iyong ama," bakas sa boses ni Aling Pacita ang matinding pag-aalala sa dalawa niyang kapatid. “Nakatawag na ako kay Jolie, Nay. Sinabi kong nasa ospital kayo at nagpapacheck up lang. Ibinilin ko huwag niyang pabayaan si Jojo.” sabi niya sa ina. Naramdaman niyang hinawakan siya ng kanyang ina sa kanyang mga kamay kaya pinipigilan ni Jasmine na maiyak.Ayaw niyang makita nito na mahina siya lalo't siya ang inaasahan nito sa lahat ng bagay.Kahit naman salat sila sa buhay, aminado naman siya puno sila sa pagmamahal magkakapatid mula sa kanilang ina.Kaya normal sa kanila ang maging emosyonal sila isa't isa lalo pa sila -sila na lang ang nagkakampihan. “Pasensya ka na, anak. Kung hindi dahil sa sakit kong ito, hindi tayo mamomoblema ng ganito ngayon.” “Nay, ano ba. Gagaling ka. Iyon lang ang mahalaga sa amin.Pangarap ko pa na maitayo kayo ng nagandang bahay kaya magpagaling kayo Nay," Niyakap siya nito pero nanatiling kalmado si Jasmine at saka naman niya tinulungan makahiga ulit sa higaan.Habang iniisip kung saan siya kukuha ng pambili ng mga gamot nito.Kailangan niya makadiskarte dahil yung trabaho naman niya tiyak niyang hindi siya nito papautangin.Matapobre kasi ang may-ari, kaya parang siya na lang ang nakatiis na tumagal sa kainan na iyon.Hahanap siya ng ibang paraan, may awa din ang diyos. Maagang-maaga pa ngunit gising na si Jasmine. Matapos ang ilang oras ng pag-aantay, pinayagan na rin ng doktor na ma-discharge si Aling Pacita. Kasama ang mga reseta at tagubiling kailangang sundin, maingat niyang inakay ang ina palabas ng ospital. Hindi pa man sila nakakarating sa bahay ay abala na sa isip ni Jasmine kung paano niya matutustusan ang gamot ng ina. Bitbit pa rin niya ang sulat ng doktor na may mga antibiotic, pampalakas, at ilang bitamina na kailangang bilhin. Wala pa siyang pambili maliban din doon kinakailangan niya rin ng mga bagong gamit para sa kanyang inay dahil pansamantala hindi ito pwedeng makisalo sa kanila lalo na sa mga pang araw-araw na kagamitan kagaya ng kutsara at plato. Pagkauwi, agad niyang inihiga si Aling Pacita sa banig at sinigurong may maiinit na tubig sa tabi nito. Sa kabila ng pagod, humugot siya ng lakas. Kinuha niya ang kanyang lumang bag, isinuksok ang cellphone, at lumabas ng bahay.Nagpaalam siya sa ina na may pupuntahan muna siya.Habang wala pang pasok ang kinse anyos niyang kapatid na si Jolie na siyang nagbabantay naman ngayon sa kanilang ina.Ibinilin niya rito ang mga kailangan inuming gamot saka bumili na muna siya ng masasaing at ulam para sa kapatid niya. Ang direksyon niya ngayon ay pabalik sa Hasyenda Cordova. Tahimik ang kalsadang tinatahak niya. Habang naglalakad, bumalik sa kanyang alaala ang kabataan niya sa hasyenda: ang masarap na amoy ng hinog na mangga, ang tawanan ng kanyang mga kapatid habang nagtatampisaw sa ilog, at ang mahigpit ngunit maayos na pamamalakad naman ng mga kasamahan nila na nakatira dito. Pagdating niya sa malaking bakal na gate ng hasyenda, bahagyang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi siya sigurado kung matatanggap pa ba siya roon, lalo’t ilang buwan na rin siyang hindi nagpapakita. Ngunit wala siyang ibang mapupuntahan kailangan niya humingi ng tulong Pumasok siya sa maliit na gate at tinungo ang likod na pasilyo kung saan naroon ang quarters ng mga tauhan. Napansin niyang may bagong pintura ang mga pader at mas marami nang mga tanim sa gilid ng bakuran. “Jasmine?” Napalingon siya. Si Aling Nelia, may bitbit na basket ng gulay at nakasuot ng puting daster, ang tumawag sa kanya.Halata ang gulat sa mukha nito ng makita siya. “Magandang umaga po, Aling Nelia,” nahihiyang bati ni Jasmine. “Pasensya na po kung bigla akong nagpunta...” Ngunit hindi pa siya natatapos ay niyakap na siya ng matanda. “Naku, anak! Ang tagal mong nawala. Napadalaw ka rin!” Masuyong haplos ni Aling Nelia sa kanyang likod. “Kamusta na ang nanay mo? Balita ko, may sakit daw siya?” Tumango si Jasmine, hindi na napigilang mapaluha. “Tuberculosis po... Kailangan po namin ng gamot. Alam ko pong ilang beses na kayong tumulong sa amin, pero...” “Tumahan ka na. Hindi mo kailangang magpaliwanag,” wika ni Aling Nelia, sabay hawak sa kamay ni Jasmine. “Tamang-tama. Naghahanap ng tauhan si Madam Cordova, kung okey lang sayo pwede kitang i-rekomenda dangan at pupuntahan sana kita sa inyo para i offer sa iyo ang trabaho.” Nagulat si Jasmine. “Talaga po?” Masayang sabi ni Jasmine. “Oo. Mamayang hapon, kausapin ko ang Donya. Ako na ang bahala magsabi sa kanya.Hindi kasi pwede na ngayon ko siya tawagan at baka nasa trabaho pa yun," Napayuko si Jasmine, dama ang luwag sa dibdib. Para bang, sa tagal ng panahong lumipas, heto siya’t muling binuksan ng tadhana ang pinto ng hasyenda—ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. " Salamat po aling Nelia, pero may sadya ho ako, ano sana..." " Alam ko na iyan Jasmine, kaya heto bumalik kana sa inyo at para makabili ka ng gamot para sa iyong ina," sabi nito sabay abot kay Jasmine ng pera.Hindi alam ni Jasmine ang sasabihin niya kay Aling Nelia kaya niyakap niya ang ginang sa sobrang galak at pasasalamat sa kabutihan nito. " Maraming salamat po, Aling Nelia" maluha-luhang sabi niya sa babae at niyakap ito ng mahigpit bago lumisan. -Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD