3 days before Meraya's death
Meraya's POV
"Mary!" sigaw ko sa isang servant namin dito sa palasyo. Ang bagal talaga nilang kumilos! Naiinip na ko!
"Yes, po Lady Meraya" sagot nya ng makarating dito sa kwarto ko.
"Diba sabi ko na itapon ang mga lumang dress ko!... Ayoko na yan,"
"Opo" agad naman pumasok na ang limang servant pa namin dito para gawin ang pinag-uutos ko sa kanila.
Ang boring naman dito.
Kaya lumabas na lang ako ng kwarto ko at naglakad-lakad sa hallway. I think almost 1 year na rin simula nung malaman ko na may kakambal ako pero walang may alam kung asan sya at kung paano sya nawala at sino ang kumuha sa kanya! Kapag nalaman ko lang talaga kung sino, magtago na sya!
Hindi ko na pala napansin na nakarating na ako sa labas ng palasyo at sakto naman ang pag-dating ng isang puting kalesa.
"Mary!" sigaw ko ng malakas.
"San ka na naman pupunta?!" masungit na tanong sakin ni Lux, Kuya ko sya pero buwan lang ang paggitan namin kasi hindi naman kami pinanganak ni Mama, binuo kami gamit ang charm crystal para hindi mapasakamay ng mga taga-Gragunia ang charm crystal dahil balak nilang sakupin ang buong Ebvania Kingdom kapag napasa-kamay nila ito.
"Yes, po?" hinihingal na sagot sakin ni Mary.
"I need new clothes-"
"Meraya, halos bilhin mo na nga lahat ng damit sa market tapos ngayon bibili ka na naman!" hindi ko na tuloy natuloy ang sasabihin ko dahil sumingit na ang epal kong kapatid!
"I. DONT. CARE!" binunggo ko sya para makasakay na ako sa kalesa na to' sumunod naman si Mary sakin.
"Mary, san ka galing kahapon?" bigla kung tanong ng maalala na wala sya sa mansion kahapon! At hindi sya nagpa-alam sakin na aalis pala sya!
"May binisita lang, po" nakayukong sagot nya.
"San naman?... Malakas ang ulan nun diba tapos umalis ka?" hindi na ako nakatanggap ng sagot sa kanya!
Ilang minutes lang ang hinintay ko at nakarating na kami sa market. Pagka-baba ko ng kalesa ay natigil lahat ng mga tao sa mga ginagawa nila at tumingin sakin. Sanay na ko, kasi araw-araw ata akong nababalita dito na may ginagawang kalokohan at nakakarating yon kay Mama at Papa!
Hindi naman ako ganito dati eh binago nila ako! Lahat sila na nakikita ko nagsinungaling sakin! Tungkol sa kakambal ko. Ang tagal nilang tinago sakin at wala na akong magawa kasi huli na wala ng nakaka-alam tungkol kay Kelaya...
Dito ako dumiretso sa clothing store na laging kung pinagbibilhan kasi ito lang naman ang nag-iisang clothing store dito eh! Kaya san pa ba ako bibili.
"Andito ka na naman," bungad kaagad sakin ni Kuya Tom. Sya ang designer ng mga gowns dito at sya din ang owner.
"Designs?" tanong ko at kaagad naman nyang binigay sakin ang portfolio ng mga designs nya. Wala akong gusto sa mga nakikita ko at nakita ko ang isang pencil kaya ako na ang nag dagdag ng ibang details sa isang dress na nakita ko. Perfect!
"ME. RA. YA!" galit na galit na sigaw nya sakin.
"Di ko bet... Yan na para PERFECT!" natatawang sabi ko sa kanya at lumabas na ng store nya.
"Ang sama talaga ng ugali nya"
"Spoiled brat princess"
"Kaya siguro hindi umuuwi si Lux sa palasyo nila dahil sa ugali ng kapatid nya"
Wala akong pake sa mga pinagsasabi nila! Hindi naman nila ako pinapakain kaya wala akong pake sa kanila. Tumingin lang ako sa likod ko para tignan kung naka-sunod pa ba si Mary sakin, buti naman naka-sunod pa rin sya.
"AAAHHH!" I hate dogs! Isang brown na aso ang nasa harap ko na, ito yung aso na galit na galit sakin at hinahabol ako tuwing nakikita nya ako! Kaya tumakbo na ako na mabilis naririnig ko din ang mga ibang tumatawa dahil nakita na naman nila ako na hinahabol ng aso!
Siguro kaibigan to' ni punch! Ang aso ni Papa at Kuya. Si punch galit din sakin yung asong yon, mortal enemy ko yon kasi naman lagi nyang sinisira mga dress ko!
"Kolt!" sya ang nag-iisang kaibigan ko simula bata pa lang kami. Tumigil sya sa paglalakad at ako naman ay nag-tago sa likod nya. "Stop, brax" natatawang sabi nya sa asong nakalabas ang dila! Hiningal sya diba, mas lalo na ko! Bakit hindi nya ba ako tigilan ha?!
"Mag-maskara ka kasi para hindi ka makilala"
"Sya ang lumayo sakin no'. Ano ako pa ang mag a-adjust?" napa-upo na lang ako sa semento dahil sa pagod.
"May pupuntahan tayo..." aya nya sakin at nilahad ang kamay para patayuin ako.
"San?... Sino kasama?..." pinagpagan ko ang likuran ng damit ko pagkatayo ko, mukhang alam ko na kung sino ang kasama namin. "Si Zale?... Ayoko, nakalimutan mo ata na isa sya sa mga mortal enemy ko" narinig ko na lang ang mahina nyang tawa sa sinabi ko.
"Sorry, nakalimutan ko. Hindi ko na kasi mabilang sa mga kamay ko ang mga MORTAL ENEMY mo," pang-aasar nya sakin.
"Hindi mo na kailangan bilangin kasi lahat kayo mortal enemies ko!"
"Oy, wala kaya akong alam tungkol sa kakambal mo kaya wag mo ko idamay" reklamo nya sakin.
"Ok, now go. Dun ka na sa precious Zale mo," tinulak ko na sya palayo sakin. Oh, btw si Zale lalaki sya galit sya sakin at galit ako sa kanya! Nagalit sya sakin kasi natalo ko sya sa isang laban at dahil dun ay bumaba ang rank nya. Supreme na sya pero napunta sa Slayer.
Dun bine-based kung nag-improve ba ang pag-gamit mo sa kapangyarihan mo, each year lang yun nagaganap at ngayon year meron na naman pagkatapos ng summer vacation. Ako bumaba ng rank? Never, malakas kaya ako! Si Zale nga natalo ko eh kasi naman water user sya at ako is ice user edi natalo ko sya and nagalit sya sakin.
May tatlong levels dito they called it 3 S's. Supreme is the strongest, Slayer malakas-lakas din naman and Scrapper is yung parang marami pang kailangan i-improve, ganun.
1 day before Meraya's death
Isang umaga na naman na walang ganap! May mangyayari lang kung makikipag-away ako pero halos lahat ng kaaway ko ay may VACATION daw dami nilang alam, takot lang kasi sila sakin!
"Meraya!" rinig kung sigaw ni Mama sakin kaya lumabas ako ng kwarto ko kaya pumunta ako sa living room, andun si Papa at si Kuya Lux at may kasamang di ko knows na babae.
Nang makita nya ako ay tumayo sya sa pagkaka-upo nya pero nakayuko. "Bagong Servant MO!" sabi ni Kuya Lux sakin. Grabe talaga tong Kuya ko sakin!
"Ok," maiksing sagot ko, bakit kailangan ko pang malaman?!
"Good morning, Lady Meraya... Alice po," ang ngiti nya sakin parang kakaiba. Unang kita ko pa lang sa kanya di ko na sya gusto!
"Galing sya sa mortal world," sabi naman ni Papa.
"What?!" isang babae ang andito sa palace at dito sa Ebvania kingdom at normal sya wala syang powers!
Bigla naman dumating si punch ang makulit na aso na nakatira dito sa palace! Tinatahulan nya yung bagong servant siguro ayaw nya din dun, ok magkaka-sundo kami ni punch dahil same kami na ayaw sa bagong servant.
Pinuntahan ko na lang ang bahay nila Kolt para bisitahin sya at ang pagkakataon nga naman andito din si Zale! Inaagaw na nya si Kolt sakin ah!
"Kasama ko si Zale," turo ni Kolt sa kaibigan nya.
"Di naman sya ang pinunta ko dito, Ikaw!" pinag-kruss ko ang kamay ko sa dibdib ko at tinarayan si Zale na masama rin ang tingin sakin.
Si Kolt naman ay earth user at si Kuya Lux ay fire user. Bigla ko na lang naalala ang kakambal ko, ice user din kaya sya? Sana mas magaling sya sakin, miss ko na ang kakambal ko.
"Game na, Zale" tumayo na si Zale sa pagkaka-upo nya sa damuhan at nag-simula na silang mag-practice. Pero parang akong ang pinapatamaan ni Zale ng mga tinitira nya kay Kolt! Kaya ginagawa ko na lang yung matitigas na yelo at binabalik sa kanya!
"Sige kayo na lang dalawa," rinig kung sabi ni Kolt at tumigil na sya at pinapanood na lang kaming dalawa.
"Mahina ka pa Zale!" pang-aasar ko sa kanya. Tahimik na nilalang yang lalaking yan or sadyang ayaw nya lang akong kausapin.
At walang sabing biglang bumuhos ang malakas na ulan at lahat ng pumapatak na ulan ay pinagsasama yon ni Zale! Oo na malakas naman sya eh! Para na tuloy may kaharap kami ni Kolt na isang tsunami!
"Zale, tama na yan!" natatakot na kasi ako sobrang laki na talaga ng tubig! Nakangisi lang sya sakin at parang ahas yon na sinugod ako pero gumawa ako ng ice barrier.
"Meraya! Zale! Pag-uuntugin ko kayong dalawa kapag hindi pa kayo tumigil!" ingay mo Kolt. Hindi ko na kaya sobrang lakas nya dahilan para magkaroon ng c***k ang ice barrier ko! Nakakapasok na ang tubig sa loob at abot tuhod ko na ang tubig! Ang dress ko!
"ZALE!" malakas kung sigaw at buti naman ay tumigil na sya kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Why so scared of Meraya?..." meron maliit na ngiti sa mukha nya habang palapit ng palapit sakin, halos sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang talim ng tingin ko sa kanya! At pinatong nya ang isang kamay nya sa ulo ko. "Bata, palakas ka muna ha" nagbungguan na ang mga ngipin ko dahil sa inis sa sinabi nya!
"Hoy, hindi pa tayo tapos!" sigaw ko sa kanya ng makalayo na sya sa amin ni Kolt.
"Kain tayo..." hinawakan na ni Kolt ang kamay ko at hindi naman ako nag-reklamo na pagod kaya ako dun! Naubos lahat ng lakas ko at yung ibaba ng dress ko basa na!
Dinala nya ako dito sa favorite store namin na puro dessert. Macaroons ang lagi namin binibili dito at meron din ice cream.
"Kolt..."
"Hmm?"
"Kaya mo ba kapag nawala ako?" seryosong tanong sa kanya.
"Hindi," hindi ko sya tinitignan sa mga mata nya at nakatuon ang tingin sa ice cream ko. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha tong tanong na to eh basta ko na lang naisip. Paano kaya one day mawala ako nang hindi ko man lang nakakasama si Kelaya... Gusto ko na syang makasama.
"Ok ka lang ba?" napatingin ako kay Kolt ng bigla nya akong tanungin, may pag-aalala sa mga mata nya.
"Hindi... Promise mo sakin na kapag nakilala mo ang kakambal ko at ako naman ang nawala ay wag mo syang pababayaan ha... Sabihin mo mahal na mahal ko sya, ok?" naramdaman ko na lang na may tumulo sa kamay ko na tubig at luha ko na pala yon.
"Gutom ka pa ba? Kung ano-ano na lang sinasabi mo eh, ayoko ng ganyan parang nagpapa-alam ka sakin..." tuluyan ng tumulo ang mga luhang naipon sa mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
Gusto ko din sana sabihin sa kanya na Mahal kita Kolt, matagal na pero kaibigan or kapatid lang ang turing mo sakin.
Pagkatapos namin kumain ay hinatid na nya ako sa palasyo gamit ang kalesa nila, inintay nya ako na makapasok sa gate pero tumakbo ako papunta sa kanya and I gave him a kiss on his cheek. "Bye, Kolt... Take care ha" ngumiti ako sa kanya at paatras na naglakad papuntang gate habang kinakaway ko pa rin ang kamay ko sa kanya.
"Kuya mo!" turo nya sa likod ko kaya lumingon ako at andun nga si Kuya Lux naka-kruss ang mga kamay sa dibdib.
"Ano yon?" taas kilay nyang tanong sakin.
"Huh?... Gusto mo balik kita ng grade school para alamin kung ano yon? Kiss tawag dun kung hindi mo alam," pinipigilan ko lang ang sarili ko na matawa dahil sa itsura nya.
"I know,"
"Alam mo pala eh tas itatanong mo pa!" ginaya ko din ang posture nyo, nang-aasar. "Dalian mo pala sa paghahanap sa isang kapatid naten," kaya hindi sya minsan umuuwi dito sa palasyo kasi iniikot nya ang buong kingdom sa paghahanap kay Kelaya.
"Kung tutulungan mo ko siguro matagal na naten nahanap yon kasi hindi na kailangan ng picture, mukha mo lang ok na..." bigla ko syang niyakap kaya hindi na nya matuloy ang sasabihin nya. "Wow, bago ata to' ah"
"Thank you, Kuya... Kasi kahit minsan or araw-araw akong may nagagawang kasalanan lagi mo kung pinagtatanggol sa sermon ni Mama sakin,"
"Bago nga, tinawag mo akong Kuya," natatawang sabi nya kaya bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya.
The day of Meraya's death
Kasama ko si Kuya, Kolt, Zale and syempre ang aso ni Kuya na si punch. Kinakagat nya na naman ang ibaba ng dress ko kaya lagi kaming nag-aaway!
"Lux, Ilayo mo nga sakin si punch!"
Hindi ako pinapansin ni Kuya at busy sa pakikipag-usap kay Kolt kaya ako na ang lumayo! Naglakad-lakad na lang ako pero nakasunod pa rin si punch sakin!
"Lady Meraya, sumama ka sakin" mahigpit na hinawakan ng isang lalaki na may cloak na itim ang kamay ko!
"At bakit ako sasama sayo?!" tinanggal ko ng malakas ang kamay nya sa pagkakahawak sakin. At bigla na syang nag-iba ng itsura, nakakatakot na ang tingin nya sakin!
At naglabas na sya ng black sword kaya tumahol sa kanya si punch. Sino ba sya?! Wag mong sabihin na taga-Gragunia sya! Nagpalabas na din ako ng mga ice daggers at binato lahat sa kanya yon pero sinangga lang yon ng ispada nya.
Habang palapit sya ng palapit sakin ay binababa nya ang hood ng cloak nya at sya si... Cassius ang hari ng mga taga-Gragunia! Tumakbo din si punch ng mabilis habang malakas ang pag-tahol.
"KOLT!" malakas kung sigaw. "Anong kailangan mo sakin?!"
"Alin pa ba syempre ang kalahati ng charm crystal... At mabubuo na din yon ngayon!" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya dahil ang kalahati ng charm crystal ay na sakin at yung kalahati ay na kay Kelaya... Ang ibig sabihin nakuha na sya ang kalahati ng charm crystal kay Kelaya?! Andito sya?!
"Anong ginawa mo sa kakambal ko?!" galit na tanong ko sa kanya at buti naman at dumating na sila Kolt. "Lux, hawak nya si Kelaya!"
"Mali ka, Lady Meraya. Hindi ko sya hawak at lalong wala sya dito pero magkakasama na kayo ng kakambal mo sa kabilang buhay!"
"W-wala na si Kelaya? Yun ba ang ibig-sabihin nya Lux?!... KUYA!" malakas kung sigaw.
"UMALIS KA NA!... Kolt itakas mo na sya" hinawakan naman kaagad ni Kolt ang kamay ko at tumakbo kami palayo kay Cassius naiwan sila Kuya at Zale na nakikipag-laban sa mga bagong dating na kawal.
Sunod-sunod ng bumagsak ang mga luha ko habang tumatakbo kami ni Kolt dahil huli na ko, hindi ko nailigtas si Kelaya, hindi ko sya nagawang iligtas!
"Meraya, kailangan naten mag-madali baka makuha ka nya," tumigil kasi ako sa pagtakbo at kitang-kita sa mga mata ni Kolt ang pag-aalala, takot...
"Iwan mo na ko,"
"Meraya naman ngayon pa ba kita iiwan?! Nanganganib ang buhay mo, narinig mo ba ang sinabi ni Cassius... Ikaw ang target nya!" hinila nya pa rin ako pero nag-matigas ako kaya galit syang tumingin sakin.
"Ako ang target nya... Ako! Kaya iwanan mo na ko, Kolt! Sige na, tulungan mo sila Kuya... Ayoko may mangyaring masama sayo," inalis ko na ang hawak nya sa kamay ko.
"AYOKO! Wag kang makulit please, ilalayo kita dito..." tumutulo na rin ang mga luha nya dahil pwedeng ito na ang huli namin pag-uusap, huling tingin, huling luhang makikita ko sa kanya, huling ngiti na ipapakita ko sa kanya.
Pinilit kung ngumiti sa kanya at pinunasan ang luhang patuloy na bumabagsak galing sa mga mata nya.
"KOLT!" rinig kung sigaw ni Zale at nanlaki ang mga mata ko dahil bihag na sila ng mga kawal! Palapit na ng palapit sa amin si Cassius, humarang naman si Kolt sa harap ko.
Nahihirapan sila dahil sakin! Ako lang naman ang kailangan nya pero bakit kailangan nya din idamay ang malalapit sa buhay ko!
"Said goodbye Kolt to your friend" nakangiting sabi ni Cassius.
Walang kapangyarihan si Cassius malalakas pa sa kanya ang mga kawal nya dahil kung titignan sya lang naman ang may dugong Gragunia. Ang mga Gragunia isinumpa sila gamit ang charm crystal, na mawalan ng kapangyarihan maging mahina pa sa kesa sa isang aso!
"Si Kelaya?... Siguro ngayon nabuo na ang kalahati ng charm crystal sa kanya... Gusto mo bang malaman kung asan sya?... Sa mortal world!" sigaw ni Cassius na may kasamang pag-tawa.
Mortal world? Sa tagal na panahon na paghahanap sa kanya, andun lang pala sya sa mortal world at si Alice baka kilala nya si Kelaya. Sumulpot na din ang mga kawal ni Cassius galing sa ilalim ng lupa.
"Meraya, kahit anong mangyari wag kang aalis sa likod ko, kuha mo?" sabi sakin ni Kolt na handa na ang kamay at bigla na lang nyang pinataas ang mga lupa sa bawat pwesto ng mga kawal kaya tumalsik ang iba.
"Kaya kung lumaban," nagpalabas na din ako ng mga ice daggers at pinatama yun sa mga kawal at ang isang malaking ginawa ko ay kay Cassius.
"Bakit hindi tayo magkaroon ng deal na kung saan tayong dalawa lang ang maglalaban, Lady Meraya" napatingin sakin si Kolt ng saglit habang si Cassius naman ay pinaglalaruan ang ispada nya.
"Kapag natalo mo ko, titigilan kita at ang kakambal mo... Pero kapag natalo kita, goodbye Meraya," dagdag nya.
"Ok"
"Meraya!" galit na sigaw sakin ni Kolt.
"Oh wait!... Pakawalan mo si Kuya at si Zale," lumingon sya sa likod nya at kinumpas ang kamay para sundin ang sinabi ko.
"Bigyan sya ng ispada!" nanlaki na lang ang mga mata ko dahil... Ispada?! Hindi ako gumagamit ng ispada!
"Meraya, wag kang pumayag hindi ka marunong gumamit yan!" madiin na sabi sakin ni Kolt. Kailangan ko ng tapusin to' para din to' kay Kelaya para hindi sya mapahamak at kahit sa ganitong paraan man lang ay maprotektahan ko sya.
Tinanggap ko na ang ispada na binibigay sakin ng isang kawal. Hindi ko talaga akalain na humawak ako ng ispada. Unti unti ng lumalapit sakin si Cassius pero inunahan ko sya at mabilis lang nyang naiwasan ang ispada!
Sinangga ko lang ang ispada nya na malapit ng tumama sakin at hindi ko napigilan ang sarili ko na gumamit ng kapangyarihan ko at gumawa ako ng barrier na matatalim para hindi sya makalapit sakin. "Ngayon na!"
Napalingon ako sa likod ko ng may isang kawal na papalapit sakin at bigla nyang isinaksak ang hawak na ispada sakin! "Meraya, sa mundo cheater never wins" bulong sakin ni Cassius ng makalapit sakin.
"MERAYA!"
"Wag Kolt, wag kang lumapit!" pag-pigil ko sa kanya.
"Deal is a deal, Meraya" habang busy sya sa pakikipag-titigan sakin ay gumawa ako ng matalim na ice at isinaksak yon sa kanya.
"Hindi ko hahayaan na makuha mo ang charm crystal at lalo na ang kakambal ko!"
"Pero paano ang mga magulang mo? Hindi mo ba sila iniisip?" bigla ko na lang syang hinawakan sa leeg nya dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon!
"Anong ginawa mo sa kanila?!... Tama na Cassius, ako na lang. Kunin mo na ko wag lang sila" napayuko na lang ako kasabay nun ang luhang bumabagsak at kasabay din nun ay ang dugo ko na patuloy na tumutulo sa lupa.
Meron na din na nakapalibot na apoy sa paligid namin gawa ni Kuya, hindi ko na kayang makatingin sa kanila. Pinagmamasdan lang ni Cassius ang ispada nya habang nakangiti.
Third Person's POV
Hinawakan na ni Cassius si Meraya sa kamay nito habang mabilis na tumutulo ang mga dugo ni Meraya sa damit nya. At kahit nanghihina pa ang katawan ni Meraya ay sinundan kaagad ng isa pang saksak sa kanya.
"MERAYA!" sigaw ni Kolt na nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng kawal. Bumagsak na lang si Meraya sa lupa at maya-maya lang ay nagliwanag na ang katawan nya at lumabas ang charm crystal.
Sumigaw din si Lux at walang pasabi sinunog nya ang kawal na may hawak sa kanya kaya nilapitan nya kaagad si Meraya. Pero wala na si Meraya, puti na ang color ng katawan nya dahil nawala na ang bumubuo sa kanya.
"Meraya, hinihintay ka pa nila Mama at Papa..." hinawakan nya ang kamay ng kapatid na may dugo na din. "PAPATAYIN KITA!" susugurin na sana ni Lux si Cassius ng hindi nya magawang makalapit dito dahil ginagamit ni Cassius ang kapangyarihan ng charm crystal.
Kahit kalahati lang ang nakuha ni Cassius ay kahit anong bagay ang gawin nya at kung ano ang gustuhin nya ay magagawa yon ng charm crystal, dahil talagang makapangyarihan ito.
"Wag kang masyadong malungkot Lux dahil kulang pa meron pang isa!" sabi ni Cassius at nagawa na nyang maglaho dahil sa charm crystal. Nawala na din ang mga kawal kaya kaagad naman nila Kolt at Zale si Meraya.
"Zale, pwede kahit sa unting oras... Pwede mo bang bigyan sya ng buhay," naluluhang sabi ni Kolt. Sa mga water user kaya nilang bigyan buhay ulit ang mga wala na pero sa madaling oras lamang.
Pumayag naman si Zale sa sinabi sa kanya ni Kolt. "Meraya?" hindi na napigil ni Kolt ang humikbi ng malakas nang makitang bumukas ang mga mata ni Meraya.
"Kuya, si Mama at Papa... Hanapin mo sa mortal world si Kelaya ha, gagawin mo yon para sakin... Zale, gusto ko lang sabihin sayo na ikaw ang pinaka-malakas sa lahat ng water users, you're amazing," pinilit nyang ngumiti sa kanila kahit kitang-kita ang sakit sa mga mata nya.
"Kolt, kapag may babaeng gusto ka na dapat mas maganda sakin..." ngumiti ulit ito bago tuluyan ng pumikit ang mga mata.
Hinalikan ni Kolt ang isang kamay ni Meraya na tuloy pa rin ang pagluha. Mahal na mahal kita Meraya... I promise, I will avenge you. He mentally said.