bc

Meraya, Kelaya

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
powerful
princess
highschool
royal
magical world
secrets
supernatural
school
sisters
like
intro-logo
Blurb

Warning: A powerful twin sister was born.

But they are not like the twins who are always together because Meraya got seperated to her twin sister. Kelaya grew up in the mortal world while Meraya was in the Ebvania Kingdom. They are not an ordinary twins because they made of charm crystal in other words they made of magic.

But destiny is playable because they died in different worlds at the same time but one of them was reincarnated and that was Kelaya, who was reincarnated in her twin sister body. Will Kelaya succeed in bringing her sister back?

chap-preview
Free preview
01: Ice
AMPUNAN yan ang tirahan ko, dito ako lumaki sabi nila sakin 3 years old daw ako ng iwan ako ng isang servant, suot daw nya ay parang pang-maid ganun. Sabi din nila sakin babalik daw yung maid na nag-iwan sakin pero hindi na sya bumalik, 17 years old na ako pero andito parin ako bahay-ampunan. Walang uma-ampon sakin kasi nakakatakot daw kasi ako, ang mata ko daw kasi ay pula sabi nila baka anak daw ako ng monster kaya walang uma-ampon sakin. Binubully?... Hindi naman, sobrang bait nga sakin ng mga kasamahan kong mga bata dito eh kahit yung mga ibang ka-edad ko. Sa sobrang bait nila ay hindi nila ako kinakausap, diba ang babait nila? Lumalayo sila sakin... Except sa mga nag-aalaga sa amin dito at kay Bella. Si Bella ang nag-iisang kaibigan ko dito, sya ang kauna-unahan na nagsabi sakin na SPECIAL ako at hindi din sya nagpapa-ampon! Dahil ayaw nya malayo sakin. Tuwing may uma-ampon sa kanya ay umaayaw sya at minsan naman ay tumatakas at bumabalik dito! Baliw kasi tong si Bella, char. Ang tawag naman sakin nila dito ay Red dahil sa kulay ng mga mata ko. "Oy, tulala ka na naman jan!" hinampas ako ng malakas ni Bella sa balikat ko kaya nagising ang diwa ko. "Hindi na ata tayo makakapag-college," napabuntong hininga na lang ako at tumingala sa langit. Hindi ko na kasi alam kung pag-aaralin pa ba kami ng orphanage,pwede naman na kaming magtrabaho diba? "Wag mo munang isipin yan... Isipin mo yung mga libro na ido-donate satin!" masayang sabi nya. Adik kasi sya sa mga libro, nahawa lang ako ng ka-adikan nya. "Bakit kasi walang uma-ampon sakin?... Bakit kasi ayaw nila sakin?... Bakit kasi ganito ang mata ko, pula?" sunod sunod kung tanong sa sarili ko. "Red, Red, Red yan ka na naman. Bulag kasi sila hindi nila nakikita na special ka. Maganda ka din naman, pwede ka ngang sumali sa Miss Universe eh. At baka nga ikaw ang susunod na presidente ng pilipinas" pagpapa-tawa nya sakin. Hindi ko nga alam ang tunay kung pangalan, hindi ko alam kung saan ako galing. Hindi ko kilala ang sarili ko... Nang bigla naman umulan ng malakas! Kasabay din nun ang malakas na pagtawa ni Bella dahil nabasa na kami kaya tinuloy na namin naligo na kami sa ulan. Pero sya lang andito lang ako sa puno nakatayo, malamig kasi. Yakap yakap ko na ang tuhod ko habang pinapanood ang patak ng ulan sa harapan ko. Mawawala ako ng walang nakaka-alam. Hinahayaan ko lang na pumatak ang mga ulan sa kamay ko ng bigla... Naging yelo ang mga ito! "A-ano - bakit ganito?" niyukom ko nang mabilis ang kamay ko dahil baka may makakita! Ano yon?! Hanggang ngayon ay ang isang daliri ko ay napapalibutan ng yelo! Napatingin na lang ako sa paligid ko baka may nakakita sa ginawa ko. Sino sya? Nakita nya ba ko?! May isang babae na may payong at naka-suot sya nang uniform ng isang maid! Sya ba ang sinasabi nila sakin?! Naka-ngiti lang sya sakin at lumakad na palayo, papunta sa likod ng orphanage. Susundan ko sana pero biglang sumulpot si Bella sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. "Nilalamig ka na ba?... Mas malamig pa ang kamay mo sa ulan eh" Phew, buti nawala na ang yelo sa isang daliri ko kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Oo nilalamig na ko magkakasakit ata ako..." pagda-dahilan ko para pumasok na kami sa dorm namin. Diretso ligo na agad ako at sya din hindi kami sabay sa isang cr ah! Sa ibang restroom sya. Natakot na tuloy ako sa tubig baka kasi mamaya ay mangyari ulit ang kanina. Yung babae, bakit hindi nya ako nilapitan? Bakit hindi na nya ako sinama? Sya ba talaga yon? Sino naman kasi ang maid na papasok sa loob ng gubat diba? Ito kasi orphanage ay sa likod ay gubat na talaga. Lumipas ang mga araw ay hindi na ulit nagpakita sakin yong babae. Umiiwas na din ako sa tubig baka kasi matakot sila sakin sa magagawa ko, hindi naman yong hindi talaga ako naliligo ah, basta umiiwas lang ako sa maraming tao. Paano ko ba nagawa ang bagay na yon? Hinahanap ko si Bella kasi pag-gising ko ay wala sya sa higaan nya. At meron din isang babae ang pumasok sa office ng mga nag-aalaga samin kaya sumunod ako at nakita ko sa bintana si Bella na nakayuko at nilalaro ang mga daliri nya. "Hindi ka ba masaya na magkakaroon ka na ng bagong pamilya?" rinig kung tanong sa kanya ni Ms. Diva. "Ayoko gusto ko kasama si Red," "That girl?! No one will adopt her because she's a monster! Baka nga anak sya ng demonyo..." humakbang na lang ako palayo dahil ayoko ng marinig ang sasabihin ng babaeng gustong umampon kay Bella. Hindi nya alam ang tunay kung pagkatao kaya wag nya akong pagsasalitaan ng ganun! "Hindi sya katulad mo ikaw ang totoong halimaw dito dahil sa mga masasakit na sinabi mo tungkol sa kanya!" rinig kung sigaw ni Bella at ang pagbukas ng pinto, napatigil lang sya ng makita ako pero tumakbo lang sya lalo palayp sakin. "Bella!" naka-abot na kami sa likod ng orphanage at sumunod ako sa kanya papasok ng gubat. "Bella!" sigaw ko at buti naman ay tumigil na sya sa pagtakbo. "Narinig mo ba ang sinabi nung abbaeng yon tungkol sayo?!... Sorry, Red" "Thank you kasi pinagtanggol mo ko pero dapat hindi mo na ginawa yon... Sanay na ko at dapat sumama ka na lang sa kanya" kumunot ang noo nya nang marinig ang mga sinabi ko at bigla ng hinampas ang braso ko. "Gusto mo ba akong sumama dun?! Ayoko sa kanya no'" reklamo nya sakin at ako pa ang tinarayan nya! "Oo na, balik na tayo" aya ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin at nakaupo pa rin sa damuhan. "Takas na lang kaya tayo?" nanlaki ang mga mata sa bigla nyang tanong sakin. "Takas girl ka talaga," natatawang sabi ko sa kanya. Mabilis na siguro syang tumakbo kesa sakin dahil sa ilang beses na syang tumatakas sa mga uma-ampon sa kanya. Natahimik lang kaming dalawa kasabay ng malakas na hangin na parang may eroplanong bumaba at maya-maya lang ay may narinig na akong parang tunog ng kabayo! "Gutom ka na ba, Red?... Grabe ang lakas ng tunog ng tyan mo!" "Gaga, hindi ako yon!" hinampas ko sya ng malakas sa balikat nya kaya ang sama ng tingin nya sakin. Hindi nya ba narinig yung kabayo?! "San ka?!" sigaw nya sakin. Hinahanap ko lang kung saan ng galing yung tunog at bigla nya naman akong hinawakan sa damit at sumunod sakin. Takot ba sya? Bakit kanina parang ang lapit lang sa amin nung kabayo pero ang layo na ng nilalakad namin! Malapit lang talaga yon eh! "Ako naman ang gutom, Red" rinig kubg sabi ni Bella sakin. Malalayo-layo na din kasi kami at sige na nga babalik na kami layo na din kasi. "Sabi sayo eh, tyan mo lang ang narinig mo" ang daldal ni Bella! "Red..." kalabit ng kalabit sakin si Bella sa likod ko at nang lingunin ko sya ay laking gulat ko ng makita ang isang itim na kalesa ng isang kabayo may kasama sya babae na may takip ang kabilang mata. Hinawakan ko sa kamay si Bella dahil lalapitan nya yon! Nakaramdam kaagad ako ng takot at ang bilis ng t***k ng puso ko! "San ka po galing?" nagtatakang tanong ni Bella sa babae. Ang daldal talaga nya! Lumapit na tuloy sa amin ang babae at may tinatago sya sa likod nya at ng mag-tama ang tingin namin ay ngumiti sya sakin pero ang mga mata ay parang tutusukin na ako nun sa sobrang talim ng tingin nya sakin! "Ah sige po, kung naliligaw kayo ay hindi po namin alam ang daan... Tara na, Red" kitang-kita ko na kay Bella ang takot nya dahil kahit sya siguro ay napansin nya yong nasa likod ng babae. "Red?... Yun ba ang tawag nila sayo?" napatigil kami ni Bella ng marinig ang sinabi ng babae pero hindi kami lumilingon sa kanya! Wala akong pake sa mga sasabihin nya! "Red, tumakbo ka na ikaw ata ang trip neto eh" bulong sakin ni Bella pero ayoko ayang iwan dito! Hindi ko sya iiwanan! Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko at lumipat na ang babae sa harapan namin. "Excuse me po pero aalis na kami," hinila ko na si Bella palayo at hindi naman umangal yong babae. "Hindi ka pwedeng umalis... Kelaya!" hindi namin pinansin ang sinabi nya at patuloy sa sa paglalakad. Sinong Kelaya? Baliw na ata sya or matanda na kaya madaling makalimot. "Kelaya?" rinig kung bulong ni Bella habang mabilis kami na naglalakad palayo dun sa babae! Hanggang sa may sumulpot na sa harapan namin na mga kalalakihan pero iba ang suot nila parang mga kawal ganun. Sumulpot lang ba sila sa harapan namin?! Humigpit na ang hawak ni Bella sa kamay ko at kita kung pinagpapawisan na sya dahil sa takot at kaba. "Bella, umalis ka na!" tinulak ko sya ng malakas para malayo sya sakin kasi pakiramdam ko ako ang kailangan nung babae. "Ang sweet nyo naman para mo talaga syang kapatid no' Kelaya?" nagsalubong na lang ang kilay ko at habang sya ay natutuwa sa nakikita nya. Palapit sya ng palapit sakin habang inilalabas nya na ang kanina nya pang-tinatago na matalim na ispada! "Tigilan mo na sya!" humarang na lang bigla si Bella sa pagitan namin ng babae. Hindi ko kita ang mata nya, bibig nya lang nakikita ko. "Wag kang maki-alam mahinang nilalang!... Nauubusan na kami ng oras!" dahil sa sigaw ng babae ay yung mga kawal kanina ay hinawakan na si Bella, nilalayo sakin. "Matagal ka namin hinanap Lady Kelaya," sadya talagang nakakatakot ang mga ngiti nya sakin at patuloy naman na sumisigaw si Bella, humihingi ng tulong at dahil dun ay isang malakas na sampal ang natanggap ni Bella sa mga kawal! "Nagkaka-mali ka ata, hindi ako si Kelaya!... Pakawalan mo ang kaibigan ko!... Sino ka ba?!" "Hindi na mahalaga kung sino ako, ang mahalaga ay ang mamatay ka!" nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa narinig sa kanya. Ang kaninang mga kawal na humahawak kay Bella ay lumipat sakin! At pina-upo ako habang hawak ng isa ang ulo ko. Lumuhod din yung babae sa harap ko at yung ispada nya ay dahan-dahan akong sinugatan sa pisngi! "Bella, umalis ka na!" hindi kasi sya umaalis sa pwesto nya at nakatingin lang sakin, tulala. She just shook her head and her lips trembled because of what she saw. "I see, mahalaga sya sayo..." turo nya kay Bella at tumayo na sya palapit kay Bella! "Bella, ano ba?! Umalis ka na! Please!" hindi ako maka-alis dahil sa higpit ng hawak sakin ng mga kawal na to'! Palapit ng palapit ang babae kay Bella habang umaatras naman sya. "Bella, ano bang ginagawa mo?! Sabi ko umalis ka na, tumakbo ka na!" "Bitawan nyo sya!" sigaw ng babae sa mga kawal. "Manood ka, Lady Kelaya," malapit na ako kay Bella nang biglang umiikot ang babae at pinatama nya ang hawak nyang ispada kay Bella! Halos mang-lambot ang mga tuhod ko nang makita na nasa lupa na si Bella at maraming dugo ang dumadaloy sa mukha nya! Pinilit kung lumapit sa kanya nang nilalahad nya sakin ang isang kamay nya. "Hindi ako nagsisisi na naging kaibigan kita... Kelaya," "Bella..." ni hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil sunod-sunod ang pag-patak ng mga luha ko. "Wag mo ko iwan, please..." ngumiti lang sya sakin ng tipid at dahan-dahan ng pumikit ang mga mata nya. "Tama na ang drama!" hinawakan na ng babae ang kamay ko at pinatayo ako. "Oras na..." naramdaman ko na lang ang ispada na hawak nya ay pina-tama nya sakin. Wala na akong ganang mabuhay ngayon wala na din ang nag-iisang kaibigan ko. "Kung san ka, dun ako Red," masayang sabi sakin ni Bella. Ngayon ako naman, kung saan ka Bella dun din ako... Third Person's POV Nagawa na ng babae na may itim na cloak ang gusto nyang gawin kay Kelaya pero may hinihintay syang mangyari pero walang nangyayari sa katawan ni Kelaya. Tamang oras, bakit walang nangyayari sa katawan ni Kelaya?!... Nagkamali ba ako?! Kailangan sa oras na to' ay nabuo na ang kalahati ng charm crystal. She mentally said. "Walang nangyayari," sabi ng isang kawal habang naka-tingin sa katawan ni Kelaya. "Tumigil ka!" sigaw sa kanya ng babae. "Hindi kaya nagkamali tayo?" nagtatakang tanong ng isa pang kawal. "Hindi tayo pwedeng magkamali! Sya ang nawawalang kakambal ni Meraya! Pero bakit ganito?" Umalis na lang sila sakay ng isang itim na kalesa at lumipad na yung sa himpapawid. Nagkamali ba talaga sila?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook