Chapter 35 Wait Junjun Hermana Nagising ako mula sa pagkakahimbing na may masakit na ulo, tuyot na lalamunan at pagod katawan. Ramdam ko ang sugat ko sapagkat wala ng anestisya sa aking katawan. Pero walang wala ang sakit na ito sa katotohanan na wala na si King. Ayaw ko sanang balikan iyon. Ngunit ang katotohanan ay tila multong humahabol sa isip ko. Naiisip ko tuloy habang nakatingin ako sa puting kisame na, bakit ba hindi na lang ako payagan ng kapalaran na magmahal at mahalin ng taong mahal ko. Hindi ganoon kahaba ang buhay ng isang tao pero, bakit naman ganito kaaga? Napanaginipan ko si King... Masaya raw kami na naglalakad sa dalampasigan. Tatangayin na raw siya ng alon ngunit mahigpit ko siyang hinawakan. Ni wala akong balak na bitawan siya. At hindi siya bumitaw... At sana

