Chapter 29 Check-mate Junjun Hermana Nagising ako sa mga tunog na nababasag. Nahihilo pa rin ako ngunit kaya ko ng imulat ang aking mga mata. Nagising ako sa malakas na kalabog. At nakita ko na nga si Garron na kapwa... Kapwa walang damit na kasuntukan ni King. Tila nanlamig ako noong unti-unti ko ng maisip lahat ng nangyari. Natakot at labis akong nangamba. "You fucker! Hindi mo talaga kami titigilan ha?! Matagal niyo na bang ginagawa ito! Every time! Behind my f*****g back?! Sumagot ka!" Sigaw ni King bago suntukin ulit si Garron at tapunan ako ng galit at nagmamakaawang tingin. Hindi... Hinding hindi ko magagawa iyang iniisip mo King. Pakiusap... Huwag mo naman akong pagduduhan. Lahat iyan ay gusto kong sabihin. Ngunit ayaw makisama ng bibig ko. Ayaw isambit ng labi ko. Nangungu

