Chapter 22 Emosyonal JunJun Hermana Maliit pa lang naman ang tiyan ko. Regular kami na pumupunta sa doktor para sa check-up ko. Natutuwa ako kasi walang palya ang pag-aalaga sa akin ni King. Ngayon ko nakikita kung anong klaseng ama siya sa mga magiging taon. Lagi niyang hinahaplos ang tiyan ko. Sabi niya, kung lalaki ang magiging anak ko- tuturuan niya ito ng basketball, lagi itong aattend sa kahit ano pang event na kailangan ng anak namin. Siya ang magiging number one fan ng anak namin. At kung babae naman ay gagawin niya itong prinsesa. Kawawa magiging anak namin at talagang bantay sarado kay King. Napaka-overprotective pa naman nitong lalaki na ito. Huwag kang mag-alala. Kakampi mo ang mama mo anak. Ngayong umaga nga ay agad akong napatakbo sa banyo. Tila naduduwal ako at ang a

