Chapter 23 Doubt JunJun Hermana Kumain na nga kami sa Jabee. Mas gaganahan sana akong kumain kung walang mga babae na lapit nang lapit sa amin. Tapos kinukulit ang mahal ko, hihingi ng phone number tapos magpapa-kyut pa. Ito yung unang beses na pinagdasal ko talaga na maging masungit si King. Lalo na sa mga babae na ito. Naging endorser pa nang wala sa oras ang kasama ko. Mabuti at nakiramdam itong si King at binugaw niya papalayo yung mga babae. Iyan, ganyan nga, at baka kapag nakita kong ibinalik mo ang ibinabato nilang kaharutan ay mag tumbling lahat ng lamesa rito. Hehe, joke lang. Ewan ko ba at dahil sa mga atebsyon6 na nakukuha ni King ay hindi ko maiwasan na mapalingkis sa kanya Hindi ko na tuloy kinain yung spaghetti at nakalahati ko lang yung burger. Pilit kong pinaubos k

