Hyemie's p.o.v Matapos naming mag-usap ni Tito, bumalik na agad ako sa dorm namin ni Maxine. Ayaw kong maipasara ang Yoji Academy pero di ko naman alam kung paano pamunuan ang paaralang ito. Nakakatakot kaya ang mga estudyante dito. Naratnan ko sina Maxine na nagpapraktis sa pagsayaw. Hindi ko na sila binati at umupo na lamang sa sofa habang iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Kailangan kong mapabago ang batas at ang pamamaraan ng paaralang ito. At ako daw muna ang pansamantalang school director at president. Marami na kasing umukupa sa posisyong ito pero sa hospital ang bagsak ng mga former directors at former school presidents. Lalo pa't mas sinusunod ng mga estudyante ang kapwa nila estudyante kaysa sa mga naninilbihan sa paaralang ito. Kaya lang, paano ko gagampanan ang tungkul

