Hyemie's p.o.v Tinutupi ko ngayon ang mga damit ko nang pumasok si Maxine na may dalang mga pinamiling grocery galing sa labas ng school. "Hyemie! May naghahanap sayo sa labas ng dorm natin." Sabi niya habang sinusuot ang tsinelas. Tumayo naman ako at iniwan na muna ang tinutupi kong mga damit. Dinalaw kaya ako nina kuya? Himala kung dinalaw nila ako. Ayaw ko kayang magpunta sila sa paaralan ko dahil g**o lang at sakit sa ulo ang ibibigay ng mga yon sa akin. Lumabas na muna ako. Binuksan ang pintuan at hinanap ang taong naghahanap raw sa akin. "O Tito!" Tawag ko sa nakatalikod na ginoo. Sa tikas at tindig ay kilala ko na. Agad naman siyang humarap at nakangiting naglakad palapit sa akin. "I want to talk to you privately." Seryoso niyang sabi.Tumango lang ako at sumama na sa kanya.

