Late na akong pumasok tapos pagkabreak time ako yung pinakaunang lumabas. Mas nauuna pa nga ako sa guro eh. Good girl nga naman. Ayoko nga kasing mautusan nitong mga kaklase ko. Alam nyo na, slave daw ako. Pinakamasipag na slave. Pinakamasipag tumakas. Dumiretso agad ako sa library dahil kukunti lang ang mga napapagawi sa lugar na ito. Funny jokes lang naman ang binabasa ko. Akala nyo nag-aaral ako? Well, hindi ko ugali yan. Ilang minuto rin ang lumipas para na akong baliw'ng tumatawang mag-isa. Mahina lang naman, baka marinig pa ng masungit na librarian, mapagalitan pa ako. Tawa na sana ako ng tawa pero bigla nalang may humablot sa binabasa ko. Hindi siya libro, newspaper siya. Gusto niyo magshare ako ng isa? Ito ang binabasa kong jokes. Di yan kay otor, nabasa niya lang din yan sa libr

