Si Maxine ang nagluto ng hapunan ng dalawa bilang pasasalamat nito kay Hyemie. Pagkatapos ng hapunan at kung ano-ano pang mga dapat gawin, niyaya na ring matulog ang kasama. "Magsitulog na tayo." Sabi ni Hyemie kay Maxine at humiga na sa kama. Hating gabi na nang magising si Maxine. Narinig niyang gumalaw si Hyemie kaya napalingon siya sa gawi nito. Dito niya nakitang may nalaglag galing sa ulo nito. Hindi na parang walis ang buhok ni Hyemie at nakalugay na ngayon ang mahaba at makintab na kulay dilaw na buhok. Dito niya napansin ang makapal at mahaba nitong pilikmata at mapupulang mga labi. Maputi at makinis din ang mukha ni wala kang makikitang anumang dumi nito. Matangos ang ilong at maganda ang hugis ng mukha. "Nananaginip ba ako?*kusot ng mata saka tingin ulit* Totoo nga!" Nila

