=== Nagtaka si Hyemie kung bakit nakaupo sa kanyang kama si Maxine. Hindi naman kasi siya nito kinakausap at palage pa siyang iniiwasan. Kaya bakit siya nakaupo ngayon sa kanyang kama? Mabilis itong napatayo nang makita siya. "Sensya na kung umupo ako sa kama mo." Kinakagat pa ang isang kuko na halatang ninenerbyos. "Ayos lang." Sagot lang niya at inayos ang bedsheet. Nang mapansing nakatingin sa kanya ang babae tinanong niya ito ng "bakit?" "Ano kasi. Siguro namang kilala mo na ako. Maari bang..... Maari ba kitang maging kaibigan?" Tanong nito na may nagsusumamong mga mata. "Please. Ikaw lang ang nagtangkang tumulong sa akin. Ikaw lang din ang di ako inaapi." Sa to too lang, hindi niya nilalapitan si Hyemie baka kasi ayaw din nito sa kanya dahil mahina siya, talunan at mahiyain.

