Third person's point of view
Natigil na ng tuluyan ang suntukan ng dalawang grupo lalo pa't nagsilabasan ang mga kagrupo ni Clyden at sinundan nila ni Hyemie.
"Kita niyo ang reaksyon ni Clyden kanina? Para siyang natatae na naiihi." Di makapaniwalang sambit ni Jinxiu.
"Pinagpapawisan pa nga e." Sagot naman ni Vinz.
"Ngayon ko lang siya nakitang ganon." Biglang nanlaki ang mga mata nang may maalala. "Bakit di ko napicturan? Aist! Sayang naman." Pinukpok pa ni Alviy ang ulo.
"Mukhang taob si Clyden sa babaeng iyon a." Sabi ni Kiyo.
Parang di sila galing makipagsapakan sa section A kanina.
"Takot kasi sa panget nitong hitsura." Sagot naman ni Vinz.
"Ano kayang gagawin nila don? Tara, sundan natin." Pag-aya naman ni Jinxiu.
Wala lamang imik si Kenjie na nakabuntot sa kanila.
Si Clyden ang numero unong kinatatakutan s Yoji Academy. Kilalang-kilala siya sa paaralang ito. Kilala sa pagiging maginoong heartthrob na badboy. Kaya di sila makapaniwalang ang baguhan at transferee'ng galing lamang sa probinsya at panget pa ang katakutan nito.
Sumunod agad ang class D na may g**g na Dark Angels g**g kina Hyemie. Ang Dark Angels g**g ay ang grupo kung saan nabibilang si Clyden at pinamumunuan ang grupong ito ni Kenjie.
May tatlong g**g sa class 11-D o tinatawag ding section D. Ang Dark Angels na pinamumunuan ni Taejin Kei Matsunara Yoji na anak ng may-ari ng school at kilala sa palayaw na Kenjie, at ang Black flame na pinamumunuan ni Taejun Keith Matsunara. At ang Black rose na pinamumunuan ni Ayumi.
Iniwan nila sa Cafeteria ang Fire dragon g**g na pinamumunuan ni Daehan Zailer Ikiochi na may palayaw na Daezel ng 11-A. Siya ang lalakeng nakatagpo ni Hyemie kanina na may kasamang babae.
Sa likod ng school naman.....
"Tatakasan mo pa ako ha? At di kilala kaya ka tatakbo?"
"Sino bang nagsabing magsuot ka ng ganyan? Wala ka na sa bundok. Mukha ka tuloy taong nakatakas sa mental hospital o sa zoo."
Sinipa tuloy sa binti.
"Araynaman kuting! Bakit mo sinipa ang binti ko ha?" Reklamo niya na napatalon-talon pa sa sakit ng binti. "Sakit kaya."
"Masakit ba? Eh, yung mga kamao nilang tumatama sa mukha mo hindi?" Nakapamaywang nitong sagot habang nakataas ang kilay.
"Kuting naman eh. Di ka ba aware na ang sakit-sakit mong manipa?" Halos maluha-luha na niyang sambit habang hinihipan ang isang binti.
"Hinintay kita kahapon pero di ka dumating. Alam mo bang uniporme nila dito hindi nga para sa taga-bundok pero para naman sa mga p****k. Ikaw kaya pagsuotin ko ng ganon?"
Napakamot si Clyden sa tungki ng ilong. Isa kasi siya sa nagsuggest na ganon ang haba ng skirt ng kaibigan. Hindi niya inaakala na halos magkasingtangkad na pala sila. 5'5 ang height ni Hyemie samantalang 5'6 naman siya.
Alam niya ang size ni Hyemie pero hindi niya alam ang height nito. Saka tungkol naman sa sapatos, yung mga kaibigan niya ang nagsuggest. Na bagay na bagay daw sa mga babae ang magsuot ng high heeled shoes. Ang inaakala niya na kung gaano ito kataas ganon din kagandang tingnan.
Saka mas maganda daw tingnan ang mga babae na medyo revealing magsuot. Lahat ng mga loko-lokong suhestiyon ng mga manyak niyang mga kaibigan ang kanyang sinunod.
"Oo na. Magpapatahi na tayong muli. Wag kay ng magalit." Pagpapakalma niya pero nakatanggap parin ng sapok.
"Mamaya lang kayong mga kaibigan kayo. Pinahamak niyo pa ako. Gagantihan ko kayo." Pangako ni Clyden sa sarili.
Ang mga kaibigan naman na nakasilip sa likod ng pader biglang nakaramdam ng kaba.
"Bakit pakiramdam ko biglang nananayo ang balahibo ko?" Sabi ni Kiyo.
"Ikaw ang nagsuggest nong pakita boobs na uniform di ba?" Sagot ni Zihayn.
"Kayo din naman nagsuggest nong maikling skirt a." Sagot din ni Jinxiu.
"Ssh! Wag kayong maingay. Baka marinig tayo." Bulong naman ni Alviy.
Sinesermonan naman ni Hyemie ang kaibigan.
"Fight to defend. Hindi yung maipagmayabang lang na malakas ka. At nakipaggang-g**g ka pa ha. Saka nasan ka kahapon? Bakit ngayon lang kita nakita? Naglakwatsa ka na naman." Parang nanay na nangangaral ng anak.
"Hindi po nay. May laban po kasi kami kahapon. Soccer. Ako ang captain. Hindi pa nga sana ako papasok ngayon eh, kaso nabobored ako sa dorm." Sagot naman ni Clyden.
"Wag mo kong ninananay-nanay." Saka sinuri ang katawan ni Clyden.
Parang may hinahanap na kung ano sa katawan nito. Inamoy rin niya pati bunganga nito.
"Nagpatattoo ka o hindi?" Nagbabantang tanong nito. Umiling naman agad si Clyden. "Siguraduhin mo lang."
"Hindi nga promise. Ayaw kong mabugbog ng isang kuting." Sagot naman nito. Takot lang nitong masipang muli.
"Oras na malaman kong nagpatattoo ka," sabi pa niya na may nagbabantang to no at tinuro pa ang noo ng kaibigan.
"Kung nagpatattoo ka sabihin mo kung saan. Patattoo din ako." Siya na naman itong binatukan
"Gusto mo bang mamatay sa konsumisyon si Tita? At ako na naman ang sisisihin dahil di kita nabantayan." Sigaw nito kay hyemie.
"May pabantay-bantay ka pang nalalaman, eh ikaw itong dapat bantayan. Saka kapag nangchichicks ka, at nabuntis mo. Wag nyong ipalaglag. Ako ang mag-aalaga kung ayaw ni girl. Pero siguraduhin mong may proteksyon, baka daw kasi mapudpod sabi ni kuya Hyesan. Ano ba kasi yung mapudpod?"
"Yung kuya mong yun, kahit ano-anong pinagsasabi." Mahina nitong sagot.
"At ito pa pala. Amoy sigarilyo ka. Watch your punishment...." Nagbabanta muling sabi ng dalaga.
"Minsan lang naman eh. May punishment na agad?" Parang naiiyak ng tanong ni Clyden. Ayaw niyang maranasan ang punishment sa kanya ng kaibigan.
"Wag na wag ka ding maglasing at magdrugs. Kapag ginawa mo yun, patikim din ha?" Nakataas baba pa ang kilay habang sinasabi iyun. Napitik tuloy ni Clyden sa noo.
"Makapagsabi ka ng drugs parang ang dali-dali lang. At kala mo namang di ka naglalasing." Nakasimangot na sagot ni Clyden.
"Umiinom ako pero di naglalasing. Saka sa bahay lang. Baka marape pa ako, buti sana kung gwapo yung r****t. Paano kung hindi? Magkalahi pa ako ng demonyo na nga ang panget pa." Sagot ni Hyemie sabay halukipkip at irap.
"Hay. Ewan ko sayo. Ayan pa yang ayos mo. Ang dami mong trip. Nong una tomboy, ngayon mukhang rabbit?" Puna ng lalake sa kanya.
"Ayan pa yang buhok mo? Saan mo ba galing yan? Kinuha mo ba ang walis tambo niyo at ginawang wig?
"Sige alis na ako. Kahit rabbit teeth to, cute parin naman." Sagot niya at iniwan na si Clyden. "Umayos ka. Kung ayaw mong maparusahan." Pahabol pa niya.
"Makapagsalita to akala mo hindi numero unong pasaway." Sambit naman ni Clyden habang pinagmamasdan ang papalayong kaibigan.
Napahinga ng maluwag nang mawala na ito sa kanyang paningin. Ilang sandali pa'y napatingin sa may halamanan at sa may pader.
"Alam kong nandiyan kayo. Patago-tago pa kayo." Sabi niya. Nagsilabasan naman ang nakangiseng mga kaibigan.
"Ang pinakabasagulero sa grupo, taob pala sa mukhang witch na yun." Sabi ni Alviy na natatawa.
"Cute kaya yun." Sabi naman ni Kiyo.
Hindi narin nagsalita pa si Clyden at tinalikuran na sila. Sumunod naman ang nagtatakang si Kenjie.
"Iyun kaya ang sinasabi niyang kababata niya sa probinsya?" Tanong niya sa sarili at sinundan si Clyden.
..,