Third persons point of view
Nakabili narin si Hyemie ng isang box ng pizza pie at isang royal in can. Saka naghanap ng pwedeng mauupuan. Napadako ang paningin sa pinakadulo at naglakad patungo sa gawing iyon at umupo.
"Buti pa rito banda, walang makakadisturbo sa akin." Sambit pa niya at nilantakan agad ang pizza.
Iniisip na lang na mga puno iyong mga estudyanteng sinusundan siya ng tingin. Kumuha ulit ng isang slice ng pizza pie at kinain.
Ilang minuto rin ang lumipas, bigla nalang sobrang tumahimik ang buong paligid.
Nakaapat na slice na siya nang makarinig ng sunod-sunod na kalabog at mga tunog pero di na niya pinansin ni nilingon. Seryoso parin siyang kumakain.
Naramdaman niya ang bagay na papalapit sa gawi niya kaya agad niyang itinaas ang royal in can at ang dalawa pang slice ng pizza.
Kasunod non ang pagbagsak ng katawan ng isang lalake sa kanyang mesa na ikinatumba nito.
"Tama nga ang hinala ko. Buti nalang nailigtas ko pa ang aking pizza pie. Masarap pa naman." Sambit niya na niyakap pa ang hawak pizza pie.
Agad niyang inatras ang kanyang upuan para mailayo sa lalakeng tumilapon sa gawi niya. Tumayo naman agad ang lalake na nakangise pa. Parang wala lang sa kanya yung pagkabagsak niya sa mesa.
Nagpatuloy parin sa pagkain si Hyemie na walang pakialam sa ano mang nangyayari sa paligid.
Inangat ang kanyang paningin mapansing may mga matang nakatingin sa kanya. Muntik pa siyang mabulunan makitang nakatingin silang lahat sa kanya.
Nagtataka ang kanilang mga mata habang ang iba nandidiri naman sa kanya. Pati itong lalakeng tumilapon sa gawi niya, muntik pang mapatalon nang makita siya.
May nagsusuntukan kasi kanina na di niya pinagtuonan ng pansin.
Iba't-ibang grade pero may magkaparehong seksyon. Dalawang section lang. Section D at section A. May grade 8, 9, 10,11, 12. Nakita rin niya si Daezel sa grupo ng mga section A (ang nakita niyang lalaki kaninang may kasamang babae sa likod ng puno).
May badge sa bandang dibdib nila at dito makikita ang logo ng school at sa ibaba ng logo ay ang section nila.
"Gusto mo?" Tanong niya sa lalakeng nakatingin sa hawak niyang pizza pie.
Sinimangutan lang siya at naglakad palapit sa isang section D student at sinapak ito.
Na-resume ang naudlot na fight scene nila kanina. Na ikinatuwa naman ni Hyemie.
Pinatong ang mga paa sa upuan at niyakap ang tuhod. Saka muling kumain habang pinagmamasdan ang laban. Nakita rin niya ang kaklase niyang si Kenjie na nakikipagsuntukan din sa taga section A.
"Woah! Magaling palang manapak si mala-gon freecs. Pati si Mr. Wrestler."
Yung mga ibang estudyante naman may iba't-ibang mga reaksyon. May pokerface na halatang nasanay na sa ganitong sitwaayon, may iba naman na nag-aalala, may natutuwa at nakicheer pa, mayroon ding nagvivideo at mayron din namang natatakot.
Nanlaki bigla ang kanyang mga mata, makita ang platong lumipad sa gawi niya. Hindi naman sana siya ang target kaso umiwas yong target guy na binato ng plato kaya ayan, diretso sa mukha niya.
Agad naman niya itong nasalo sa pinagmasdan ang plato. Babasagin ito at mabigat. Siguradong hindi lang simpleng injury ang matatamo ng sino mang matatamaan nito.
"Makapagtapon na nga, wala pang laman." Reklamo niya at binaba ang plato.
Napaawang ang bibig ng mga estudyante maging nitong mga naglalaban. Natigil pa sila sa ginagawa na wari may nagpindot sa pause button.
Napakunot ang noo ni Hyemie makita ang gulat na reaksyon ng mga estudyante. Nagtataka siya kung bakit ganyan ang kanilang reaksyon. Mas nakakagulat kasi kapag di niya nasalo gayong diretso naman sa mukha niya.
Natural na ang ganito sa pamilya nila dahil kahit anu-anong bagay pa nga ang ibinabato sa kanya ng kanilang mga magulang lalo na kapag nagtetraining sila o ba kaya kapag may ginawa na naman siyang kalokohan. Kaya hindi bigdeal ang saluin ang isang piraso ng plato tulad nito.
Hindi niya alam na hindi basta-bastang nasasalo ang anumang tinatapon ni Daezel lalo pa't may alam din ito sa martial arts. Kaya mas malakas ang impact sa anumang tinatapon na bagay. Ni hindi man lang nakatingin pero nasalo parin. Higit sa lahat, nagulat sila sa bilis ni Hyemie at di man lang napano ang kamay niyang sumalo sa plato.
Tanging may alam lang sa self-defense at martial arts ang nakakagawa ng ganitong bagay. Kaya nagulat sila na nagawa iyon ng mukhang mangkukulam na transferee na ito. Kalmado parin ito ni hindi rin naapektuhan sa g**o ng paligid at patuloy parin sa pagkain kahit natumba na ang mga mesa at nabasag na ang ibang mga kagamitan sa loob ng cafeteria.
Inubos na muna ang kinakain at ininom narin ang drinks na hawak saka pinunasan ang bibig bago tumayo at hinarap ang mga nakatulalang mga estudayante.
"Wag nyo 'kong tingnan ng ganyan. Wala akong kasalanan sa inyo." Sabi niya pa, kahit mayron naman talaga siyang kasalanan sa mga kaklase niyang ito.
Aalis na sana siya nang may nahagip ang kanyang mga mata. Isang pamilyar na mga mata, ayos at tindig.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Nagulat din ang taong yon, nang makita ang pamilyar niyang tingin.
Lalo namang sumama ang tingin ni Hyemie habang ang lalake napaawang ang bibig at nanlaki ang mga mata. Halatang gulat na gulat. Napalunok laway ito at biglang hindi na mapakali at naghahanap pa ng mapagtataguan.
"Mamaya ka sa akin Clyden ka. Nakipagrambulan ka na pala? May grupo pang nalalaman ha?" Sambit ni Hyemie na lalong naningkit ang mga mata makitang gusting tumakbo palayo ng lalake.
Tatakbo na sana si Clyden pero napatigil bang magsalita si Hyemie.
"At saan ka naman pupunta putik?" Nakangiti niyang tanong pero nagbabanta ang mga mata na ikinaestatwa ni Clyden.
Pilit na ngumiti at nilingon si Hyemie.
"Hey! Miss kilala ba kita?" Kunwari nitong tanong pero binawi agad makita ang nakakuyom na kamao ng kaibigan.
"Ah, hehehe. Ikaw pala yan Hyemie? Di kita nakilala. Ang pang-" naitikom agad ang bibig dahil sobrang sama ng tingin sa kanya ng papalapit na dalagang mukhang witch.
Multi siyang nag-anyong tumakbo. Pero bago pa niya magawa yun, nahawakan na ang kanyang tainga.
Nagsisi tuloy siya kung bakit di agad siya tumakbo kanina.
"Aray naman Hyemie. Masakit!" Angal ni Clyden.
"Classmate pala kitang tipaklong ka pero di ka man lang nagpakita sa akin? Isusumbong talaga kita kina tita at tito. Makikita mo kung paano ka ibibitay sa puno niyo." Hila-hila ang tainga ng kaibigan palabas ng Cafeteria.
Pansin niya na may naguguluhan at mayron din namang nagpipigil ng tawa. Pero Max marami ang nakaawang ang bibig at halos lumuwa na rin ang mga mata.
Dinala ang kaibigan sa likod ng school.
(Personal info: Clay Devin Monteverde kilala bilang Clyden. 5'6 ang height. 17 years old. Best friend at kababata ni Hyemie. Mahilig makipag-away. Isa sa tatlong male leads.)
...