Chapter 5: Daezel

1237 Words
hyemie's point of view "Hay, salamat Lord at di ako natadyakan ng mukhang bakulaw." Bulong ko na at tinapik-tapik pa ang dibdib sabay hinga ng maluwag. "Ano!" Patay! Nrinig nong Kimura. "Hehehe! Sabi ko kalabaw." Sabay peace sign. Nasampal ko pa ang bibig ko. Matigas kasi ang ulo. Sinabi na nga kasing izizipper na bumuka parin. Ipapahamak talaga ako ng bibig na to. Naglakad siya pabalik sa akin at sinuntok ako. Iniwas ko ang aking mukha. Pwede namang katawan bakit mukha pa talaga? Agad akong umiwas. Mahirap ng magasgasan itong mukha kong sixteen years na inalagaan ng mga magulang ko. Kaya lang tumama ang aking noo sa dulo ng blackboard. "Aray! Ansakkeeet!" Sabay himas sa aking noo. Yung Kimura naman hawak-hawak na ang dumugong kamao. Tumama nga kasi sa pader at di sa akin.  Tinawanan ko pa siya with matching dilat mata, labas dila. Bakit kasi nanapak? "Bleeh!" Pumalakpak pa nga ako. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa sobrang galit. Tatakbo na sana ako palabas kaso nadulas pa ako sa sahig. Ansakeet ng pang-upo ko. May nagtapon kasi ng mga marbles sa sahig. "Tanga! Hahahaha!" Tawanan nila.  Kung tinatawag nila akong tanga, yung Kimura naman tinatawag nilang bakulaw at kalabaw. Dahil sa inis ni Kimura sinuntok ang isa sa mga tumawag sa kanya ng bakulaw. Gumanti naman yung lalake at may mga nadamay at nakisali pa kaya nagrambolan na sila. Ako ito, nakicheer kasama ang ibang mga estudyante. "Sige. Ganyan, upakan mo pa." "Isa pa! Yoohoo!" Pumapalakpak pa ako. Para akong nanonood ng gangster movies. Mga mukha kasi silang mga gangster. Nang mapagod ay nagsitigilan din naman sila. At nagkanya-kanyang labasan kasi saktong nagbell narin. Nahuling lumabas iyung mga napuruhan. Mukhang nakaligtaan narin ako. Salamat naman at nagsialisan narin ang lahat ng mga aso este kaklase ko. Pinatayo ko ang isang natumbang upuan saka umupo. Isinandal ang likod at dumekwatro. "Maganda pala dito, walang gaanong lessons." Sambit ko na lamang. "Tsk! Stupid witch!" Napalingon ako sa nagsalita.  Nandito pa pala yung tinawag nilang Kenjie. "Akala ko pa naman wala ng aso rito. Mayron pa pala." Sambit ko at napanguso. "Anong tawag mo sa akin?" Tanong niya at sinamaan ako ng tingin. Nagalit ata. "Ha? Kailan ba kita tinawag? Di naman ah." Tinawag ko daw siya. Di ba hindi? Kinausap ko lang naman ang sarili ko. "You called me a dog!" Sigaw niya at sinipa pa ang katabing upuan sabay tayo at ang sama ng tingin sa akin. . Namumula ang kanyang mata. Nagtransform yata at naging si Kurapika. Sinuklay ng mga daliri niya ang kanyang buhok. Nawala tuloy ang mala-Gon Freecs niyang hairstyle.  Kung kanina nakita ko ang isang Gon Freecs, ngayon naman ay ang nakakatakot na cute na cute na kamukha ni Killua. Bakit ba kasi ang kukyut niya? Ayan tuloy, napagkamalan ko silang aso ko. Killua at Gon pa naman ang tawag ko sa mga alaga naming aso. Naglakad siya palapit sa akin na nanlilisik ang mga mata. "Waaah!" Sigaw ko at kumaripas ng takbo. Ito lang talaga ang dabest weapon na meron ako, ang tumakbo. Mabilis akong nakalabas sa Eternity building saka napasandal sa isang puno na hinihingal. Nakakatakot naman ang mga estudyante rito, ang hahighblood. Napakunot ang aking noo nang makarinig ng ungol. Waah! Ano yun? Wala kayang multo dito? Napalunok laway ako. Narinig ko ulit ang ungol. Mas bumilis pa ito kaya lalo pa akong natakot. Diyos ko po. Minumulto na ba ako? Wag naman po. Di na po ako magiging pasaway. Kunti. Kunti nalang talaga. Napakunot ang aking noo mapansing nasa likuran ito ng punong kinaroroonan ko. Alam nyo na, may pagkatsismosa ako. Kaya sinilip ko kung ano yun para masigurado na rin kung multo nga ba. Bigla akong napatakip ng bibig. May nakita kasi akong lalake't babaeng nagwrewrestling. Nakatalikod sa gawi ko iyong babae tapos yong lalake nakaharap sa gawi ko at nanlaki bigla ang mga mata nang makita ako. Naghahalikan lang naman sila nong girl. Wrestling tawag ko kasi nakapaikot ang dalawang braso ni girl sa guy. "Sino ka!" Biglang sigaw ni guy sa akin sa sobrang gulat.  (Personal info. Daehan Zhailer Ikiochi. Kilala sa tawag na Daezel. 18 years old. Grade 11-A. 5'9 ang height. Blonde hair. Emerald Green eyes. Isang Japanese ang ama at lider ng isang notorious mafia sa Japan. Isang Europian-Filipina ang ina at anak ng lider sa isang underground society sa Europe. Playboy and ruthless.) Yung babae naman agad inayos ang nagusot na uniform. Akala ko pa naman, may multo. Wrestling lang pala. Di na ako sumagot sa tanong ng lalake at lumipat na lamang ng lugar na mapagpahingahan.  Umupo ako sa di kalayuan na nakaharap sa may soccer field. Wala pang ilang minuto may humablot sa braso ko. At hinila ako patayo. "Aray naman! Problema mo ha?" Sigaw ko sa kanya. Muntik pang malaglag ang pekeng ngipin ko sa harap. Mamaya malunok ko pa eh. "Huwag na huwag mong ipagkakalat ang nakita mo kanina. Dahil kung pinagkalat mo yun, patay ka sa akin." Banta niya. "Huh? Ang alin don? Yung pagwrewrestling nyo ba? Wag kang mag-alala, wala akong nakita. Saka buti di kayo nakagat ng langgam." Sagot ko naman na napapangiwi sa higpit ng kanyang paghawak sa aking balikat. Gwapo sana kahit napakagulo ng buhok. Namamaga din yung labi. Nakatitig lang siya sa akin na parang sinusuri ako? "Wag mo akong pinagloloko babae." "Huh? Anong pinagloloko ka dyan?" Naguguluhan kong tanong. Totoo naman ang sinabi ko ah. Ang Dami kayang langgam sa punong yon. "Oras na ipagkakalat mo iyung nakita mo kanina, patay ka sa akin." Banta niyang muli. "Kanino ko naman sasabihin? Saka bakit ko din ipagsasabi? Buti sana kung bugbugan yun o suntukan, exciting pang pag-usapan. Eh, mukha kayong nagwrewrestling eh." Sagot ko naman sa kanya. Lalo pang kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Are you stupid?" Galit niyang tanong. Bakit ba ang mga estudyante rito ang bibilis magalit? Palaging maiinit ang mga ulo? "Ewan ko sayo. Para yon lang, nagagalit agad." Sabi ko at umirap. Tinanggal ko yung kamay niya sa isa kong braso at binitiwan naman agad ako.  Iniwan na niya ako pero nakalimutan kong di ko nga pala kabisado ang lugar na to. "Uy! Poge wait lang." Sabay habol sa kanya. Sinamaan lang ako ng tingin at kinunutan pa ng noo. "Saan nga pala yung patungong cafeteria?" Tanong ko pa. Nagugutom na kasi ako. *kunot-noo matching death stare* iyan ang reply niya. "Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" Tanong kong muli. Tinitigan na naman akong muli "Don banda." Sabay turo sa field. "Ang labo mo naman. Kaya pala palage mong sinasabing pinagloloko kita, iyun pala dahil ikaw yung mahilig mangloko ng tao. Paano diyan banda ang cafeteria, pawang field lang naman ang nakikita ko? Ako na nga lang ang maghahanap. Gwapo sana loko-loko naman. Tsk!" Sabi ko at naglakad na palayo. Narinig ko pa siyang nagsalita pero di ko na pinansin. Di ko din naman kasi naintindihan. Hinanap ko na lamang ang cafeteria. Hindi na ako nagtanong sa iba dahil mukha kasing pinandidirihan nila ang tulad ko. Para di lang makapagsuklay mandiri na agad sila? Kala mo naman magaganda. Ang papanget naman. Sa totoo lang ang gaganda at sesexy nga nila. Mapuputi rin, di tulad ko na sunburn ang balat. Palaging nabibilad sa araw don sa probinsya eh. Samahan pa nitong parang walis tambo kong buhok. Actually, kulay dilaw ang buhok Kong may highlight na silver. Tumitingkad ang kulay nito kapag nasisinagan ng araw. Nagmana sa lola ko daw. Hung Lola kong maldita. Saka itong balat ko babalik din naman agad sa dati kapag magtatagal pa ako sa dorm school na to. Saan ba kasi ang cafeteria? Nagugutom na ako oh. Napangiti ako nang makita ang isang gusali. Iyan na siguro yun. Kasi marami ang pumapasok tapos may nakikita akong kumakain sa loob. Ito na nga! Agad na akong pumila nang makapag-order na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD