********
Papunta si Hyemie sa cafeteria nang makasalubong ang grupo ng mga class B. Kasama nila ang transferee na crush ni Hyemie. Since umandar na naman ang pagka-ksp niya, tinawag nito si Mizhu.
"Hello Mizhu! Lingon naman dyan!" Tawag niya sa lalake sabay pacute.
Ganyan siya kapag naka-desguise pero kapag walang suot na wig snob yan. Trip lang talaga niyang mang-asar at manglandi kapag sobrang panget ng kanyang ayos o hitsura.
Medyo maayos-ayos na kunti ang nasuot niyang wig ngayon kasi yung isa na parang walks tambo naiwan niya sa bahay ni Daezel. Buti nalang at may pinalagay na extrang pang-desguise ang kanyang ama na di niya alam kung sino ang naglagay o kung kailan lang nilagay.
"Huy! Miss. Ayusin mo ang iyung sarili kung gusto mong mapansin." Sagot naman ni Netri.
"Uy! Ikaw na pala si Mizhu ngayon? Ngayon ko lang nalamang may clone na pala siyang katulad mo." Umusok tuloy ang ilong ni Netri sa sagot ng dalaga.
"Huy babaeng kasing panget ng unggoy na mukhang mangkukulam. Wag mo akong mahamon-hamon." Inis niyang sigaw.
"Bleeh!" Sagot lang ng dalaga sa kanya.
"Aba't ikaw na momo ka!" Gigil niyang sabi at akmang lalapitan ang dalaga pero dumating sina Daezel na hinahanap pala ang dalaga.
Agad namang nagtago si Hyemie sa likuran ni Daezel na nilalabasan pa ng dila si Netri.
"Turuan nyo nga ng leksyon iyang aso nyo kung ayaw nyong ako ang magtuturo dyan!" Inis niyang sabi kay Daezel.
"Weh! Nagsalita ang unggoy!" Hyemie said sabay labas ng dila.
"Aba't—"
"Netri, tama na. Wag mo ngang patulan ang isang babaeng baliw." Cold na sabi ni Mizhu.
"Nagsalita ang matinong aso!" Sagot naman ni Hyemie na naasar dahil tinawag siyang baliw ng crush niya.
Sumama naman ang tingin ni Mizhu at akmang lalapitan ang dalaga pero pinigilan siya ni Zahiro.
"Mizhu! Wag patulan ang babaeng baliw." Sabi din ni Zahiro. "Na mukhang momo!" Dagdag niya pa.
"Ikaw nga eh, mukha kang lapida." Sagot din ni Hyemie na ayaw patalo sa grupong to. Malakas ang loob niya kasi nga may kasama siya. Pero kung wala pa baka kanina pa siya tumakbo.
"Hyemie!" Tawag ni Daezel telling her to stop na may kasama pang cold na tingin. Pero sa halip na matakot ay pinamaywangan pa siya ni Hyemie.
"Sabihin mo nalang kung takot ka sa grupo nila. Di yung pipigilan mo kong inisin sila." Bulong lang yung huli. Sa gusto niyang mangpikon ngayon dahil nabobored siya.
Tinalikuran na lamang niya ang dalawang grupo para manghanap ng ibang mapagtitripan. Pero bago makalayo ay pumulot muna ng isang maliit na bato at tinapon kay Mizhu.
Bakit kasi tinawag siya nitong baliw? Okay lang kung tawagin siya ng kahit ano ng iba, wag lang naman sa mga crush niya. Iyun daw ang masakit para sa kanya. Siya na nga nag-effort na magpapansin, siya pa itong tawaging baliw? Tumama ito sa noo ng lalake.
"Ooops! May natamaan pala? Di ka kasi magaling umiwas eh." Sabi niya na kunwari nagulat sabay takbo ng sobrang bilis. Ayaw niyang magantihan no!
Nagkatinginan lang din ang dalawang grupo bago muling naglakad ang grupo nina Daezel. Napilitang tumabi ang grupo ni Mizhu para hindi mabanggaan. Nang makaalis na ang grupo nina Daezel ay inis na sinipa ni Zahiro ang isang bato.
"Ang yabang talaga ng grupong yun! Tsk!" Nakasimangot niyang sabi.
"Matatalo rin natin sila sa class battle. Titiyakin kong sila na naman ang under sa atin." Sabi naman ni Netri.
Dumiretso na sila sa kanilang classroom at nagkakanya-kanyang upo sa mga upuan. Pero dahil di parin dumadating ang kanilang guro naisipan na lamang nilang maglaro ng truth or dare. Kadalasan sa mga dare nila ay sapakan ang nangyayari. Hanggang sa ma-dare nila si Mizhu.
"Igirlfriend mo ang witch na yun. Iparamdam mong mahal mo siya then kapag fall na fall na siya sayo, ibreak mo!" Ang dare ni Netri. Halatang gigil na gigil siya sa babaeng yun.
"Say, WHAT! Hindi ko kayang pagtiyagaan ang mukhang yun!" Napatayo pa siya ng sabihin yun. Iniisip pa nga lang niyang nililigawan niya ito halos masuka na siya.
"Ayaw mo bang makaganti sa babaeng yun? Saka tutulungan ka naman naming mahulog sayo ang crush mo." Pang-iingganyo ni Zahiro sabay kindat pa sa iba para sumang-ayon.
"Oo nga bro. Kami ng bahala kay Ericka. Mahuhulog din yun sayo. Tutulungan ka namin basta gawin mo ang dare na to." Sabi pa ni Netri. Labag man sa loob ay napaoo narin si Mizhu sa dare ng mga kaibigan.
"Ayan naman pala eh. So bukas ka na magsisimula." Sabi ni Ran sabay tawanan nila kasi nangangasim na ang mukha ng kaibigan maalala man lang ang hitsura ng babaeng nakatalo nila kanina.
"Buti sana kung seksi yun, pwede pang pagtiyagaan. Pero hindi eh, walang sense of fashion." Maktol niya.
"Wag mo na yun masyadong isipin bro, baka mamaya mapanaginipan mo pa siya. Sige ka, ikaw rin ang babangungutin!" Sabi pa ni Netri sabay tawanan nila.
"Good luck nalang bro." Sabi naman ni Zahiro na di mawawala ang tawanan nilang magbarkada. Napatigil lang ang mga ito nang dumating na ang kanilang guro.
....