Chapter 29: Di masarap

915 Words
"Papatayin kita." Pilit na sabi ni  Kevin habang hawak parin ang kanya. Itinaas naman ulit ni Hyemie ang mahaba at sexy niyang legs para tadyakan si Kevin. "1/10 lang yung lakas na binigay ko kanina baka gusto mong i-full ko na?" Nakangiting banta ni Hyemie. Ngiting hindi naabot sa mata. Si Herrel naman kanina pa nais-star struck. "Woah, ang cool talaga niya." Nagpapantasyang sambit niya. "Ang sexy ng legs a. Ang kinis-kinis din." Sambit naman ni Carten. "Maglinis kayo o ipapatama ko sa inyo ang paa kong ito?" Napalunok laway sila at napilitang maglinis. Makakabawi din sila sa susunod. Iyon ang pangako nila sa sarili. Babawi sila. Nakita kasi ni Hyemie kung paano nila sinasadyang magkalat para lang pahirapan siya sa paglilinis kaya ayan ibinabalik niya lang sa kanila. "Yung brief ko muna hoy!" Sigaw naman ni Eram kay Hyemie. "Hahaha! Ayaw mo niyan. Maganda ngang pagmasdan eh. May sumasayaw habang naglalampaso ka." Sagot ni Hyemie sabay tawang muli. Lalo tuloy nanlilisik ang mga mata ni Eram pero sinikap niyang pigilan ang sariling patayin ang babaeng to. "Argh! Papatayin talaga kita pagkatapos nito!" Inis niyang sigaw at naglampaso na. "Ano ba yan. Akin na ang damit ko. Nangangati na ako oh!" Angal ni Carten na nagmamop! "Carten, nagwawagayway ang totoy mo." Natatawang sabi ni Herrel na nagwawalis habang tinuturo ang kayamanan ni Carten na sumasabay sa galaw nito. "Sayo nga eh, kumakaway." Sagot naman ni Carten. "Kay boss nga oh, namamaypay!" Sagot naman ni Eram sabay tawa. Nakitawa rin ang dalawa pero napatigil nang samaan ng tingin ni Daezel. Si Kevin ang malala kasi tagahakot siya ng tubig kahit nahihirapang maglakad. Pumasok naman sa kitchen nila si Hyemie. Patapos na sila nang lumabas si Hyemie galing sa kusina. Itinaas na nila ang mga hawak na panglinis para ihampas sa dalaga para makaganti pero napatigil sila hang makamoy ng masarap na pagkain. Nakataas parin ang mga hawak nilang mga panglinis nang lingunin sila ni Hyemie.   "May kusina pala kayo rito?" Tanong niya habang bitbit ang isang tray na may lamang pagkain. "Ginagawa nyo? Tsk!" Tanong muli niya at napaikot ng mga mata bago nilapag ang tray na may lamang pagkain sa mesa. Naibaba naman agad ng apat ang mga hawak. "Ano yan?" Tanong ni Herrel at sinunggaban na agad ang adobong manok na niluto ng dalaga. Dahil walang ibang karne sa ref nila maliban sa karne ng manok kaya parang may chicken ang luto niya. Chicken adobo, fried chicken at chicken curry. Si Daezel naman sinigawan muna ang dalaga. "Magbihis ka nga! Gusto mo bang gahasain ka namin dito?" Sigaw niya rito. Saka sinapok si Herrel na pinagnanasaan na ngayon ang dalaga. Habang busy sa pagsubo. Hinampas pa ang kamay ni Herrel. "Kadiri to, maghugas ka nga." Akmang hampasin ulit si Herrel. Nabasa kasi ng pawis ang puting uniform ni Hyemie kaya bumakat ang suot na b*a. Saka napatingin ang dalaga sa kung saan nakatingin sina Eram at Carten. "Asus! Gahasain pa daw! Kung pitpitin ko kaya iyang mga itlog nyo, saka tolahin ng maluto. Tingnan natin kung ano pa ang maipagmalaki nyo. Tsk!" Sagot niya at umirap. Lumabas muna siya saglit at ibinalik ang mga damit ng mga ito maging ang mga cellphone nila.  Mabilis namang nakapagshower ang iba kaya malinis na ulit sila pagbalik ni Hyemie. Tumutulo pa rin ang mga basang buhok. "Ikaw ang nagluto nito?" Tanong ni Herrwl bang magsikainan na silang lahat. "Obvious na nga, nagtatanong pa." Sabi ni Eram na inagaw ang isang hita ng fried chicken sa plato ni Carten kaya nasapok. "Oo. Pasensya na kung di gaanong masarap. Iyan lang ang kaya ko eh." Sagot lang niya at nagsimula na ring kumain. "Di nga masarap." Sabi naman ni Kevin na halos ayaw ng makishare sa chicken curry. "Di talaga masarap? Bakit inangkin mo lahat ng Chicken curry?" Sabay hila ni Daezel sa malaking bowl na pinaglagyan ng chicken curry. "Di nga masarap kaya wag kang kumain niyan boss. Akin na yan!" Nag-aagawan pa sila sa pagkain. "Bakit wala lang sayo ang makakita ng h***d na lalake?" Biglang tanong naman ni Eram. "Bakit? Ano ba dapat ang reaksyon ko?" Kunot-noo  tanong pabalik ni Hyemie. Pawang lalake naman kasi ang palage niyang nakakasama simula pa bata. Only girl kasi siya ng pamilya. May dalawa nga siyang kapatid na babae pero hindi niya nakasamang lumaki. Kaya di na big deal sa kanya ang anumang makikita sa katawan ng mga lalake dahil di na yun bago para sa kanya. "Tomboy ka ba?" Tanong naman ni Daezel habang kumakain. "Hindi!" Sagot niya na ganadong-ganado sa pagkain. "Bakit ang galing mong makipaglaban?" Tanong naman ni Eram. "In born na!" "Tsk! Bakit nga!" Seryosong tanong ni Daezel. "Sasagutin ko yan pero kiss muna!" Sabay-sabay tuloy silang nabilaokan. "Di nga tomboy, may pagkalandi naman." Sa isip ni Daezel. "Sige, ako nalang kiss mo!" Sabi ni Herrel at ngumuso pa. Pinasakan naman ni Daezel ng buto ang bibig niya. "No way! Ako nalang!" Sagot naman ni Carten pero nasapok ni Daezel. "Magsikain na nga kayo!" Sigaw nito na ikinatahimik nila. Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain na di na man lang naisip pang muli ang balak nilang gantihan ang dalaga. Pagkatapos kumain, nag-burp pa si Kevin. "Thank you Lord, nakakain na rin ulit ako ng masarap na pagkain." Sabi niya na nakalimutan ang sakit sa kayamanan kanina. "Sabi mo di masarap?" Tanong naman ni Hyemie. "Sinong maysabing masarap ton? Ang panget kaya ng lasa? Halos di ko na nga malunok." Hinding-hindi niya pupurihin ang luto ng babaing to kasi galit siya dito. Sipain ba naman ang natatangi niyang yaman? Paano kung di na siya magkakalahi pa? Saka pakiramdam niya para ng mapisa sa sakit. Maisip pa lang yon napapangiwi na naman siya sa sakit. Kaya kahit gustong-gusto niya ang luto ni Hyemie hinding-hindi niya aaminin na nasasarapan siya dito. Over his dead body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD