==== Nagulat ang lahat nang biglaang bumukas ang pintuan sa classroom ng class A. Natuon ang atensyon nila sa babaeng umiiyak at agad tinungo ang upuan ni Hyemie. Agad itong lumuhod sa tapat ng dalagang nakahalumbaba na busy ang daliring magsusulat-sulat ng kung anu-ano sa desk nito habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan at nakanguso naman ang mga labi. "Ang sarap matulog." Iyun ang binubulong nito na parang di napansin ang babaeng nakaluhod sa harapan niya. "Pakiusap, bumalik ka na sa Class D." Tapos humarap ang babae kay Daezel na katabi lang ni Hyemie. "Pakiusap, ibalik mo na si Hyemie. Parang awa mo na." Ang lumuluhang pakiusap nito. "Di mo dapat ginagawa yan. Di mo dapat sinasayang ang pagsasakripisyo ng iba para lang mabawi ka." Sagot ng dalaga na di nakatingin kay Ashiera

