Nakabalik na sa paaralan si Clyden. Hinanap agad ng paningin si Hyemie. "Nasan si Hyemie?" Tanong niya kay Kiyo. Alam kasi niyang hindi ito mahilig mag-absent. Kaya nagtataka siya kung bakit wala ito. Tumahimik naman bigla ang maingay na klase. Nakita din niya si Ashiera na nakayuko lang sa isang sulok. "Nakabalik ka na pala Ashiera. Mabuti naman at pinalaya ka na nila?" Nagulat pa siya bang makita si Ashiera. Pero hindi na niya tinanong kung bakit siya pinalaya ng fire dragon g**g. Kasi mukhang iniiwasan nito ang kanyang mga mata na di niya maintindihan kung bakit. "Ahmm... Ihi lang ako bro." Sagot ni Kiyo sa tanong niya saka umalis. Tiningnan naman ni Clyden si Nizu pero nagtulug-tulugan ang isa. Nang tingnan niya si Jinxiu bigla nalang ding tumayo na hawak ang tiyan. Kaya kay Ke

