Hyemie's p.o.v Antok na antok na ako nang may maamoy ang aking ilong. Inaakala ko na dahil sa gutom kaya naiimagine ko yung adobong manok ni mama. Panay naman sa pagtunog ang aking tiyan. Pambihira namang amoy o, ginugutom akong lalo. Sinipa ko ang kumot at nakasimangot na nakaupo. Alam niyo ba ang pakiramdam ng sobrang antok muna kaso gutom na gutom ka naman sabayan pa ng naaamoy mo yung paborito mong ulam? Tiningnan ko ang oras mula sa aking cellphone at natuklasang mag-eeleven pm na pala. Bumaba ako sa kama at sinundan kung saan nanggaling ang amoy. Para kasing sa likod ng pintuan ko e. Binuksan ko ang pinto at mas lalong naaamoy ang chicken adobo. Lalo tuloy tumunog ang aking tiyan. Napatingin ako sa sahig dahil sa mahinang usok na nakikita ko. Nanlaki ang aking mga mata makita an

