Third person's p.o.v Naagaw agad ng kanilang paningin ang pinagkakaguluhan sa isang table. Si Ashiera lang pala na yakap na ngayon ni Kenjie. Agaw pansin naman ang nakaupong babae sa sahig. Iyon ay walang iba kundi ang ex-fling ni Daezel na si Jona. Tinulungan si Jona ng mga kaibigan sa pagtayo at inalalayan ito sa paglakad. "Di ba sabi ko sayong wag kang umalis na mag-isa kung ayaw mong mapagdiskitahan ng mga bully?" Sermon ni Kenjie ngunit may malambot na boses. Halatang hindi kayang pagtaasan ng boses ang girlfriend niya. "Sorry. May praktis pa kasi kayo kaya ko balak ko sanang bilhan kayo ng maiinom." Mahinang sagot ni Ashiera na nakayuko at tinatago ang mukhang nababalot ng kanin. Humiwalay kasi siya kanina kay Kenjie nang mapadaan sila sa cafeteria. Sinamahan ni Kenjie si Ashie

