Hyemie's p.o.v Six versus six daw muna. Sa team namin, sina Jing, Cara, Dessa, Maxine, Clyden at ako ang naunang sasalang sa court. Si Clyden ang nagbabantay don sa may net ni di ko alam ang tawag sa trabaho niyang yan. Di ko pa naman alam kung ano ang mga rules ng larong to kasi di ako nakinig sa guro kanina nong nag-explain siya. Nagsisimula na ang laro. Nasa kay Ayumi ang bola at sinipa ito ng malakas at tumama sa tiyan ni Maxine kaya natumba ito. Ngumiti pa si Ayumi makitang napangiwi sa sakit si Maxine. Nakuha naman ni Dessa ang bola at nilaro-laro ito gamit ang mga paa. Hinarang naman siya ni Kimura at binanggaan. Bumagsak siya sa lupa at nilalaro-laro na ngayon ni Kimura ang bola habang tumatakbo patungo sa kabilang net, kung saan nagbabantay si Clyden. Palapit na siya sa kina

