Hyemie's p.o.v Maka-hey naman to o, ginugulat pa ako. "Wala ka bang balak puma—bakit may stain ng dugo iyang damit mo?" Nag-alala ba siya? O kunwari lang dahil nandito si Tito. Teka lang kaano-ano niya si Tito Kiel? "Aleyah, bakit may dugo ang uniform mo?Ayos ka lang ba? May—" "Okay lang po ako tito." Sagot ko agad kasi bababa sana siya sa kotse. Sumakay nalang din ako para di na siya bababa pa. "Tito, kaano-ano nyo po tong susi sa tabi ko?" Napakunot ang noo ni tito sa tanong ko pero bigla ring napatawa nang maintindihan ang sinasabi ko. "By the way, siya si Taejin Kei Matsunara Yoji, my one and only son." Masigla niyang pagpapakilala sa anak na halatang proud na proud siya. So, kaya pala siya tinatawag minsan ni Clyden ng Kei. Nang tingnan ko naman si Kei nagtatagpo na ang mga ki

