Hyemie's p.o.v Nakapagtataka at wala ang buong Fire dragon g**g. Kaya kukunti lang kaming mga pumasok ngayon. Almost 1/2 kasi ng room na ito, ang kabilang sa Fire dragon g**g. At ang iba mga hindi na kasali sa anumang grupo. Bale mga ordinary students lang sila tulad ko. "Sino kayang mananalo?" "Baka yung Dark Angels na naman ngayon." "Baka nga. Kasi kasali na don si Clyden. Nong una kasi nilang laban, silang dalawa lang ni Daezel tapos lasing pa si Kenjie nong time na yun." Habang nakapikit ako, iyun ang naririnig kong usapan. Laban daw. Para saan naman kaya? Maging sa mga estudyanteng napapadaan, iyun ang pinag-uusapan. Tapos, narinig ko pa ang pangalan ko na naging dahilan kung ba't ako napaangat ng tingin. "Maglalaban silang muli, kapalit ng kalayaan ni Miss Witch Olivar." Namimi

