Hyemie's p.o.v "Bakit ang panget na yon pa?" Kung di ako nagkamali, boses iyun ni Zature. "Baka mamaya, gayumahin din ako katulad nina Nizu at Kiyo, eww lang." Talagang pinandidirihan talaga ako oh. Akala mo naman sobrang gwapo. Di nga nakakalahati kina kuya eh. Tsk! "Ang sabihin mo, baka mamaya mainlove karin sa kanya." Boses lalake sabay tawa ng malakas. Isang malutong na mura ang aking narinig mula kay Zature. "G*go! Hindi ako bulag! Hindi ako baliw para mahulog sa witch na yun, na di kilala ang suklay. Baka nga, di pa yun naliligo. Yak!" Muli na lamang akong naglakad habang nakasunod parin sa aking likuran si Mizhu. "What if. What if mahulog ka sa taong kagaya non ang sitwasyon? Papaibigin ka lang dahil sa deal o dare? Anong gagawin mo sa kanya?" Pinagpapawisang tanong niya. Ma

