Chapter 2: Bagong Paaralan

1359 Words
Hyemie's p.o.v Wala na akong nagawa nang ilipat nila ako sa isang prestigious school daw. Dahil kaibigan ni papa at mama ang may-ari kaya wala ng problema sa pagtatransfer. Maganda talaga kung may kakilala ka. Napapadali lang ang iilang mga bagay. Kaya lang lapitin pa naman ako ng g**o, baka mabangasan pa itong precious skin kong para ng letson dahil sa palaging pagkababad sa araw. Sunburn na nga tapos magasgasan pa, lalaitin na naman ako nong mga kapatid kong yon. Lumuwas agad kami sa syudad kasama si papa at Hyerie. Una niyang hinatid si Hyerie sa bahay namin sa City kung saan nakatira ang dalawa kong kuya. Kami naman ni papa sumakay ng taxi at dumiretso na sa Yoji Academy. Wala yatang balak pagpahingahin ako at talagang idiniretso pa talaga ako sa magiging bago kong paaralan. "Nandito na tayo." Sabi niya at nauna ng bumaba bitbit ang isang travelling bag. Kinuha ko ang maleta ko at bumaba na rin. Malapit lang pala sa bahay namin dito sa syudad ang bagong paaralan ko dahil ilang minuto lang naman ang binyahe namin at nakarating na agad kami rito. "Magmula ngayon dito ka na mag-aaral." Sabi niya sa akin pagkababa namin sa taxi. Napatingin ako sa malaking gate na may nakasulat na Yoji Academy at dumiretso ang tingin ko sa malawak na field sa loob mating sa mga malalaking gusali. Malaki at malawak ang paaralan, kaya siguradong bigatin din ang may-ari. Napakunot ang aking noo makita ang ambulansyang lumabas sa malaking gate. Kita ko rin ang pag-iling ng dalawang security guard sa may gate. "Wala na yatang araw na walang nabubugbog na guro rito. Parang first day palang ng guro na yon a." Sabi nong isang security guard. "Pang ilang guro na rin yon. Di na yata magbabago ang Class D." Natigil ang kanilang pag-uusap nang mapalapit kami sa gawi nila. Nakipag-usap sa kanila si papa habang ako naman, titingin-tingin sa paligid. "Sigurado ba kayong dito niyo siya ililipat?" Pang ilang ulit ng tanong ng isang security guard na ito. Paulit-ulit na tango lang din ang sagot ni papa. Kung di siya siniko ng kasama baka hindi siya titigil sa paulit-ulit na tanong. May tinanong pa sila kay papa at ilang sandali lang pinapapasok na kami. "Kawawa naman ang dalagang yon. Sa dami ng mga maaayos na paaralan dito pa siya nilipat." Bulong ng isa sa kasama pero narinig ko naman. Napakunot lang ang aking noo. Ako? Ako ba ang tinutukoy nilang kawawa? Bakit? Ano bang meron sa paaralang ito? "Mukha pa naman siyang mahina at base sa simpleng panamit at sa ayos niya mukhang mahiyain at mahinhin at mukha ring probinsyana." Sagot naman ng kausap. Ano naman kung probinsyana ako? Saka ako? Mahina? Mukha ba talaga akong mahina? Di lang ako nagsalita mukha na agad akong mahina? May mga estudyante kaming nakakasalubong at nagbubulungan agad sila makita kami ni papa. "Girl, tingnan niyo! Ang poge nong guy. Bagong guro kaya siya dito?" Aba't pinagpapantasyahan pa ang papa ko? "Ampoge niya. Kung ganyan kagwapo ang magiging guro natin, aayusin ko na ang pag-aaral ko." "Ako din. Hindi na ako mag-aabsent." Napatingin tuloy ako kay papa. Hinahanap kung saan banda ang gwapong tinutukoy niya. Maraming maysabing gwapo daw siya kaso ako na palage siyang kasama hindi na yata napapansin yon dahil nakakasawa na yata o baka nasanay na ang mga mata ko. "Manahimik nga kayo. Baka hinatid lang ang gf niya dito." Sabay tingin ng isang girl sa akin. "Tsk! Iyan? Girlfriend niya? Takot ngang ipakita ang mukha e. Baka panget siya at nahihiya dahil yung boyfriend gwapo siya panget." Sagot ng pangalawa na umirap at nagtsk pa. "Mukhang may bagong pet na naman ang school nito pag may bagong transferee na naman. Aalis din yan dito." Natatawang sambit nong babae na pinagmasdan pa ako mula ulo hanggang paa. Ako naman iniyuko lang ang ulo at tinatago ang mukha. "Mukhang mahinhin at mahiyain. Ganyan na ganyan pa naman ang madalas napapahirapan sa school na to." Nilakasan pa ang Bose's para yata masiguradong rinig na rinig namin. "Pustahan tayo. One day lang ang tagal niyan dito." "Malay mo di pa nga nakakapasok tatakbo na iyan palabas ng gate na umiiyak at magsumbong sa boyfriend niya." Boyfriend talaga? Papa ko to. Saka bakit ako tatakbo habang umiiyak? Hindi ko ugali ang ganon. Tatakbo lang akong kapag may nagngingitngit na sa galit dahil sa akin. Hindi naman umimik si papa at hinatid na ako sa magiging dorm ko. Kakausapin pa daw niya ang school president pagkatapos akong ihatid. "Sa palagay ko hindi yata environmental friendly ang paaralang ito. Base palang sa mga bulung-bulungan ng mga estudyanteng nakakasalubong natin." Sabi ko. "Sa palagay mo saan ako dapat mag-alala? Sayo o sa kanila?" Tanong bigla ni papa at tinaas baba pa ang isang kilay. Aba naman, di man lang nag-alala sa akin? Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan lang ako sabay g**o ng aking buhok. "Wala sa lahi natin ang naaapi." Sabi pa niya at inabot sa akin ang dala niyang bag at ang susi daw ng dorm. Hindi ko na tinanong kung saan niya galing ang susi na ito. "Room 105 ang kwarto mo at may maghahatid na rin sa uniform mo mamaya." Sabi niya at tumango lang ako. "Wag na wag mong ilayo sayo ang cellphone at relo mo. At kung may mga problemang di mo kayang lutasin tumawag ka lang. Saka nandito naman si Clyden. Siya na ang bahala sayo." Sabi niya pa. Speaking of Clyden, nasaan na ang lokong yon? Ni di man lang ako sinalubong? Mamaya lang sa akin ang lalaking yon. Umalis na si papa at ako naman pumasok na sa tahimik na gusaling ito. Baka may klase pa ang mga naninirahan dito kaya masyadong tahimik. Hinanap ko na lamang ang magiging kwarto ko at nang matagpuan ko na inayos ko agad ang aking mga gamit sa bakanteng aparador. May wardrobe din dito kaso mukhang may nagmamay-ari na kasi puno na ng mga gamit. Kumpleto na sa mga gamit ang kwarto. May dalawang kama, may dalawang sofa, may 12 inches flat screened TV na nakadikit sa pader, may refrigerator na kasing taas ko lang at may aircon at isang electric fan sa silid na to. May adjacent door din patungo sa maliit na kusina na kumpleto rin sa mga kitchen utinsels. At may mga nakatakip na mga pagkain pa sa isang bilog na glass table. Ibig sabihin may kasama ako sa kwartong ito. Dumidilim na nang ihatid ng isang staff ang aking uniform. May mga babaeng mga estudyante na rin ang dumating at maririnig ko na ang mga ingay nila sa labas ng aking kwarto. Ako naman ito, nakahiga sa kama nitong kwarto. Hindi ko binuksan yung aircon kasi naman hindi ako sanay sa lamig ng aircon kaya electric fan nalang. Nakatingin sa kesame habang nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin bukas. Hindi pa nga ako nakakapasok kinakabahan na ako. Ano kayang dapat kong gawin para di ako madaling mapansin? Isip Hyemie! Isip! Pag magpaganda ako, baka matulad lang doon sa probinsya namin na maraming lumalapit sa akin at nagpapapansin at pinipilit ang sarili sa akin. Tulad nong anak ng kongresman na iyun. Kapag wala ka namang ayos, aapihin ka at tratuhing basahan. Ano ba dapat? Kapag magpapatomboy-tomboy kaya ako? Baka masapok ako nina kuya. Alam ko namang pabantayan ako ng mga yun. Ano ba kasi ang dapat kong gawin? Hay, bahala na nga bukas. Napabangon na lamang ako dahil sa nakaramdam na ako ng gutom. Mukhang hindi na yata darating ang roommate ko a. Kainin ko nalang kaya ang pagkain niya? Kaso hindi sa akin e. Kinuha ko nalang ang baon kong tinapay. Tinapay na nga lang muna sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD