Hindi dumating ang roommate ko kagabi. Nanghihinayang ako kasi wala akong kasamang pumasok. Yung mga kadorm ko naman, nagsisitakbuhan pagkalabas ko ng kwarto. Ni di nga nila ako tinapunan ng tingin. Di pa nga nila nakita ang parang walis tambo kong wig, nagsitakbuhan na agad sila palayo?
Sabi ni papa sa class D daw ako kaya naman hinanap ko na ang silid-aralan na yan na mag-isa. Kaso paglakad ko ulit sa hallway halos ayaw ko ng ihakbang ang aking mga paa.
Kasi ba naman, pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Panay bulungan pa nila. Tapos kung makatingin, para akong isang real life virus na ayaw nilang mapadikit sa kanila. Akala mo naman, didikitan ko ang mga tulad nila.
Kasi ba naman, sa dami ng wig ko sa bahay ito pang pinakapanget ang nadala ko. Hayaan na nga lang. Bibili naman ako ng bago. Pagtitiyagaan ko na muna ito. Saka itong mga colorete sa mukha ko, sana lang di ako mangangati dito.
Alam niyo ba kung bakit may ganito ako? Bakit ako nakadisguise? Dahil ayaw kong makilala sa mga kakilala ko dati na inaakalang patay na ako. Patay na ang dating ako maging ang dati kong pangalan.
"Is she a witch?" Nandidiring tanong ng isang babaeng puno ng make-up ang mukha.
"No girl. She's look like a beggar." Maarteng sagot ng isa.
"Eww! Tumatanggap na pala ng pulubi ang paaralang ito?" Grabe naman tong mga to. Para ganito lang ang ayos ko, pulubi na agad?
Nakatsinelas lang kasi ako ng goma at ang suot ko, kupas na maong at t-shirt na kupas na rin. Yung buhok ko hindi ko na sinuklay kanina at tinali na lamang ng rubber bond. Nakareading glass ako ng malaki at may dalawang malalaki pa akong ngipin sa harap. Kamukha ko na si bugs bunny. Saka may nagkakalat pa kasing mga buhok sa aking mukha. Samahan pa ng buhok kong kasing tuyo ng walis tambo. Sinadya ko naman talagang gawing kurtina at maitakip sa aking pisngi ang wig na ito.
Hindi ko din sinuot ang uniform ko kasi naman kunting-kunti nalang makikita na ang kaluluwa ko. Tapos kunting yuko mo lang makikita na ang dalawang bulkang pinatubo? Uniform pa ba kasi ang ganon o baka pang-model na sa bar. Tapos yung sapatos 6 inches ang taas ng takong, di naman sana beauty pageant ang pupuntahan ko kundi papasok sa paaralan.
Ito na muna ang susuotin ko. Magpapatahi na lamang ulit ako ng bagong uniform at ang tungkol naman sa buhok ko gusto ko lang naman sanang iprank si Clyden. Ipapakita ko sa kanya kung gaano na kapanget ang kaibigan niyang matagal ng hindi nakita. At saka naiwan kasi ang mga wig ko don sa probinsya.
Nasaan na ba ang classroom ng class D? Hindi ako makakapagtanong dahil nilalayuan ako ng mga estudyante. Nandidiri nga kasi sila sa akin.
May nakita akong estudyanteng nakaupo sa hagdan at nakatalikod sa gawi ko. Siya na nga lang ang pagtanungan ko.
"Excuse me. Alam mo ba ang room ng class D?" Tanong ko.
"Wala dito. Don sa kabilang building. Yung may nakasulat na Eternity building. Umakyat ka sa second floor at hanapin na don." Sagot niya na hindi ako nililingon.
Buti naman at di lumingon, baka pag nilingon ako magsisi pa siya at sinagot ang tanong ko.
Agad kong tinungo ang Eternity building at hinanap ang room ng class D daw.
Hindi pa man ako nakaayat sa second floor rinig na rinig mo na ang sigawan sa taas. Mukhang walang mga pakialam kung may nadidisturbo ba silang klase ng iba.
Pagdating ko sa second floor nakita ko ang mga estudyanteng nakaupo sa sahig. Wala yatang balak mag-aral ang mga to. Sa unahan naman may nagkukumpulan at mukhang may mga pinagtitripan.
Napatigil sila sa mga ginagawa at napatingin sa akin. Makikita mo ang mga mapanuring mga tingin, na may kasama pang paawang ng bibig. Na kala mo nakakita ng alien.
"Eww! Gross!"
"Mukhang may kaklase tayong momo."
"Ghad! May nakatakas ba sa Zoo? Bakit may unggoy dito?"
Hyemie, isipin mo nalang na mga unggoy lang ang mga yan na nagsiingayan sa gitna ng gubat.
Yung mga nakaharang sa daraanan, mga naglalakihang mga kahoy lamang sa probinsya. Yung mga nakatayo dyan, mga bato at puno lang ang mga yan. Yang mga nagsasalita, mga manok lang iyan sa bukid na putak ng putak. Mga aso na rin na kahol ng kahol.
Kaya masanay ka na kung mga mukha ng tao ang mga kaibigan mo sa bukid. Kumbensi ko yan sa sarili para di na ako kabahan pa. Mga aso, manok, unggoy at mga kulisap lang ang mga nagsasalita sa harapan ko ngayon. Tumango-tango pa ako.
"I think she's crazy." Sabi ng isang babae.
Dahil sa comment na yon nagsitabihan agad ang mga nakaharang sa daraanan na halatang takot mahawa ng virus ko daw. Pero mas mabuti na rin yon para maayos ang pagdaan ko.
O di ba, para akong reyna na dumaan sa gitna nila. Nagcat walk pa ako para feel na feel.
Rinig ko tuloy ang mga yak-yak at ew nila. May nagmura pa.
Hindi ko na sila pinansin dahil mga hayop at kulisap lamang sila sa aking paningin. At tiningnan ko nalang kung ano ang pinagkakaabalahan nila kanina bago ako dumating. Nakapaikot kasi sila sa kung sino. At nang mahawi ang kumpulang iyun, nakita ko na lamang ang isang lalaking guro na bugbog sarado.
Halos pagapang na lamang itong bumaba sa hagdan sa sobrang takot. Pinagtawanan lamang ito ng mga estudyante este mga unggoy sa gubat. Sinundan ko na lamang ng tingin ang guro na halos takbuhin na ang hagdan kundi lang sa bugbog siguro kanina pa siya kumaripas ng takbo.
Nakita ko na rin sa wakas ang class D room. Kaya pumasok na agad ako para makaupo na. Nakakapagod kayang maglakad.
"Sinong nagpapasok sa mangkukulam na ito?" Boses lalaki.
Hindi ko na lamang iyun pinansin at umupo na lamang sa isang bakanteng upuan na malayo sa kanila. Sa front seat lang naman. Walang guro. At sa hinala ko ay ang binugbog kanina ang guro dito.
May mga nagsidatingan din na kasunod ko at sila na ngayon ang pinagtitripan nila. Wala ng pumansin sa akin kaya naman natuwa ako.
Buti naman at sa iba narin nakatuon ang kanilang pansin. Mga cute kasi ang tatlong babaeng yon at nagsiupuan sila sa kabilang side. Mga mukha silang mga manika. Yung isang babae, halatang nanginginig na sa takot. Pinaghila-hila ba naman kasi siya.
"Maxine! Sama ka sa akin mamaya." A guy said at hinila ang isang braso nong cute na girl.
"Sa akin siya sasama!" Angal ng ikalawa.
"Sa akin nga siya." Angal ng ikatlo at tinulak ang dalawang lalake.
Mukhang may maglalaban yata dahil sa iisang babae.
Ito na ba ang tinatawag nilang love triangle. Ay baka love quadruple.