Chapter 17

1375 Words
"Iwan ko Marites. Sa ngayon, gulong-gulo ang utak at puso ko. Gusto ko siya makasama at makabawi pero paano may mga taong nagbabanta sa buhay niya. Tuwing lalapit ako sa kanya napapahamak siya. Ayaw ko siya mapahamak kaya sa ngayon kuntinto na ako masilayan siya sa malayo. Isa lang ang kinakatakuyan ko, b-baka mahulog ang loob niya kay Mak." Tinapik siya ng dalaga sa balikat at pinayuhan. " Brix, gawin mo ang nararapat. Gawin mo ang sa tingin mo na makakabuti sa inyong dalawa.* "Salamat Marites. Sige, mauna na ako sa opisina.Hindi naman ako makalapit dahil sigurado galit sila sa akin." "Nauunawaan kita. Hayaan mo balitaan kita tungkol sa kanya. Paano babaalik na ako sa loob at baka gising na si Marie." Pagbalik ni Marie sa loob ng silid ni Marue nagtaka siya bakit naririnig niyang naghihiyawan at kantyawan ang mga kaibigan niya. Pagbukas niya ng pinto nagulat siya sa itsura ng silid. "Naku parang hindi hospital ang kalat niyo. Anong meron? Bakit parang ginawa niyo itong bar?" "Huwag kana magtanong cheer tayo!" Masayang saad ni Bakz kay Marites. "Ano nga meron ?" Pangungulit ni Marites sa kanila. "Si Marie, buntis. Magkaka baby na siya." Excited na saad ni Mak. "Kung makangiti ka Mr. Mark Ahmed Herrera aka "Mak" ikaw ang ama," pang-iinis sa kanya ni Bakz. "I Don't fu***ng care kung hindi ako ang ama, basta mamahalin at ituturing ko siyang akin," saad nito. "Sana all. Makakahanap din ako tulad mo, handa magpakatatay kahit hindi mo similya ang tumubo." Sarkatiskong saad ni Marites. "Ouch. Bakit mo naman ako tinusok ng tinidor, Bakz ?" "Ikaw kasi masyado kang pa-epal. Talagang pinapatunayan mo na ang pangalan mo pati ang ugali mo ay Marites," nakaismid na saad ni Bakz sabay irap ito . Napahalakhak si Marites sa reaksyon ni Bakz. "Oiii, relax lang kayo at ako'y nagbibiro lang ako. Buntis din ba kayo, tulad ni Marie?" "Tama na iyan, support nalang natin si Marie at ang anak niya," saad ni Mak. "Marie, sorry ako ang may kasalanan bakit ka nabuntis." Malungkot na saad nito. "Okay lang, ginusto ko ito kaya huwag niyo sisihin mga sarili niyo." "Oo nga naman. Noong namimilipit siya sarap, tayo nakikinig lang naman." Kinikilig na saad ni Margaret. "Basta, beshy Marie, kahit ano mangyari mgpakatatag ka para sa anak mo. Nandito lang ako sa tabi mo," saad ni Marisol. "Thank you mga beshy. Puwede ba samahan niyo ako kay Brix? Sigurado matutuwa siya pagnalaman niyang buntis ako." Nagkatinginan silang lahat dahil hindi nila alam kung ano ang idadahilan. "Marie, saka nalang nasa out of town pa si Brix." Mabilis na alibay ni Margaret. "Alam ko naman may tinatago kayo sa akin. M-Magkasama ba sila ni Richell? Alam ko na ang sagot. Ang pananahimik niyo ay sapat na para paniwalaan ang sa isip ko. Sasabihin ko lang sa kanya na magiging tatay na siya. Pero kung hindi niya talaga kami pipiliin, isusuko ko na siya at hindi na mangungulit pa." Maluha-luhang saad ni Marie. "Basta pag medyo okay kana, doon kayo muna sa rest house ko para makapag-rekax kayo ni baby." Pag-iiba ni Mak sa kanilang usapan. Ayaw niya ma-stress si Marie. "Puwede ba dito muna kayo? Dadalawin ko lang ang office ko at saka may meeting kasi ako mamaya." "Sure Mak, kami pa ba walang iwanan to," saad ni Marites. "Bye princess. Ingatan mo ang sarili mo. Alalahanin mo na dalawa na kayo," saad ni Mak sa dalaga sabay halik sa noo ng dalaga. "Baby, aalis muna si Daddy. See you soon." Excited na paalam nito sabay halik sa tummy ni Marie. "Putang-ina naman, Marie. Ang bongga mo beshy, talagang may reserve ka ahh. Kinilig ako sobra, pati atay, balon-balonan ko hindi makahinga sa kilig." Nakangising saad ni Marisol. "Sana all ganyan lahat ng Papa." Hirit ni Margaret. "Beshy, bakit hindi nalang si Mak ang piliin mo? Sigurado ako na hindi ka niya papaiyakin." Mungkahi naman ni Bakz. Napabuntonghininga si Marie. "Kung natuturuan lang ang puso, noon ko pa ginawa kaso, hindi ehh! Kahit anong iwas ko at baling kay Mak, hindi ko magawang alisin siya sa puso ko." "A-Anak!" "Mommy! Daddy! sorry." Napahagulhol ang dalaga nang makita ang magulang niya. Yumakap siya ng mahigpit sa ina. "No need to say sorry, kasi kahit ano mangyari nandito kami ng Mommy mo. Mas lalong natutuwa kaming nang malaman na magkaka-apo na kami." "Salamat Dad, Mom. Daddy, totoo ba na doon na kayo ni Mommy mag-stay sa ibang bansa?" "Yes anak. Sumama ka na sa amin para maalagaan kayo namin ng Daddy mo." "Mommy, sa ngayon umaasa parin ako." "We understand, anak. Pero need namin umalis papunta ng ibang bansa next week. Malaki ang problema ng kompanya natin doon." "Okay lang ako Dad and Mom. Nandiyan naman silang lahat." Masayang saad ni Marie habang nakangiti sa mga kaibigan. "Yes, po Tita. Kami na ang bahala sa unica hija niyo po." "Salamat sa inyong lahat. Nag-usap na kami ni Mak na siya na muna ang bahala sa Kompanya natin dito at sa inyong dalawa ng apo ko." "Ang swerte ng mapapangasawa ni Mak dahil bukod sa ubod ng gwapo ito, sobrang mapagmhal at higit sa lahat may isang salita." Kilig na saad ni Margaret. "Tito Mariano, bulag kasi ang anak mo. Nagpakatanga sa lalaking walang panindigan," inis na saad ni Marisol habang si Marites ay tahimik lang. Alam niya ang side ni Brix kaya hindi siya maka-react. Knock.. knock.. "Ma'am puwede na po kayo umuwi. Okay naman ang lahat ng labolatory mo," saad ng nurse sa kanya. "Salamat nurse. Excited na akong lumabas. Gusto ko na makita si Brix" "Anak, unahin mo ang sarilio higit sa lahat. Ingatan mo ang baby mo." "Tita, gusto ko boy ang anak ni Besy," saad ni Bakz. "Girl, naman ang gusto ko," saad naman ni Marites. "Kahit ano basta normal lang sila masaya na ako." Habang papalabas na sila ng hospital may nakita si Marie na lakaking pasakay na ng kotse ngunit naabutan niya itong nakamasid sa kanila at parang familiar ang hubog ng katawan nito sa kanya. "Okay kalang Marie? Bakit natahimik ka simula ng lumabas tayo sa hospital?" "Wala, gusto ko lang magpahinga mga, beshy." "Sige magpahinga ka muna habang nasa byahe tayo. Ihatid ka na namin sa inyo, kasi tumawag si Mak, sa bahay niyo daw siya mamaya didiretso pagkaling sa opisina niya." "Wow husband material talaga to si Mak. Like ko na siya beshy. Inlove na yata ako sa kanya." Nagtitiling saad ni Bakz. "Puwede ba Bakz, huwag kang ambisyoso. Walang kang matres kaya huwag kang mangarap dahil malabo mangyari iyon," tawang-tawa na saad ni Marites. "Alam mo marites kahit wala akong matres kaya ko naman magpatirik ng mata ." Pang-aasar na saad ni Bakz. "Yay. Kadiri ka Bakz. Napakalandi mo. Marisol, pakitawagan nga si Tito," saad ni Marites sabay apir ksy Marisol. "Sure beshy," natatawang sagot ni Marisol "Kayong tatlo namumuro na kayo. May araw din kayo sa akin," inis na saad ni Bakz sa mga kaibigan. "Nandito na tayo mga beshy. Salamat sa sa paghatid." Dahan-dahang bumababa si Marie. Nagbiso-biso siya sa mga kaibigan at nagpaalam. "Manang, ang mga gamit ko paki-akyat sa kuwarto ko. Pagdating niya loob ng bahay nila agad niya tinawag si Manong, ang driver nila. "Manong, pakihanda ang sasakyan dahil pupunta tayo sa opisina ni Brix." "Ma'am, halina kayo tawag ni Manong Ernisto sa kanya." "Thank you, Manong Nisto." Pagkalipas ng ilang minuto nakarating din sila sa opisina mi Brix.. "Siige, dito mo nalang ako ihatid tapos umuwi kana." "Good morning, Ma'am Marie," bati ni Manong Guard sa kanya. "Morning din. Manong! Pumasok na si Marie kasi kilala na siya sa kompanya ni Brix. Agad siya sumakay ng elevetor papunta sa 14 floor. Habang naglalakad siya sa hallway, gulat na gulat ang bawat empleyadong madaanan miya . "Hi, Candy!" Nakangiting bati ni Marie sa secretary ni Brix.. "M-Ma'am si Sir Brix po ba ang hanap mo? Nandiyan sa loob k-kaso kausap niya ang kanyang asawa." Nanlaki ang mata ni Marie sa narinig. Para siyang nabingi sa gulat. "Anong asawa? S-Sinong asawa?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Candy . Nilakasan niya ang kanyang loob, lumapit siya sa pinto ng opisina ni Brix at idinikit ang kanyang tainga sa pinto. Hindi malinaw ang usapan ngunit malinaw na nagbabangayan ang tao sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD