Chapter 18

1473 Words
"Richell, puwede ba manahimik ka at umuwi kana sa bahay. Una sa lahat buntis ka hindi ba? Kahit kailan sakit ka talaga sa ulo, wala kanang binigay sakin kung hindi problema. Kung matino kang babae dapat unahin mo ang kapakanan ng anak mo kay sa unahin ang sariling interest mo." "Baby, mali ka yata, anak natin 'to." "Wala akong matandaan na may nangyari sa atin. Kahit kailan hindi kita pinagnasaan dahil iisang babae lang mamahalin ko, walang iba kung hindi si Marie, si Marie lang, tanging si Marie." Paulit-ulit ang pagbanggit ni Brix sa pangalan ni Marie sa harapan ni Richell. "Hindi sa akin importante iyon. Kung mahal mo siya, bakit ako kasama mo at bakit ako pinakasalan mo ?" Hinawakan sa panga ni Brix si Richell at aakmang sasampalin ngunit napahinto siya nang marinig ang hikbi mula sa nakaawang niyang pinto. "Ang sakit nang mga narinig ko may asawa at anak na siya. Paano niya nagawa ito sa akin. Baby, I'm so sorry dahil hindi ko na yata maibibigay ang buong pamilya sa'yo. Sa ngayon kailangan ko na tuldukan ang katangahan ko, haharapin ko sila kahit sobrang sakit para sa anak ko," saad ni Marie sa sarili habang umiiyak. Sinarado niya kunti ang pinto ngunit tumunog ito kaya pareho silang napalingon. "S-Sweety, kanina kapa diyan?" Namumutlang tanong ni Brix kay Marie. "Huwag mo akong tawaging sweety kasi lahat ng iyan ay puro kasinungalingan, Brix. Kanina pa ako nandito at lahat ng pinag-usapan niyo ay narinig ko. Pinaikot mo lang ako. I hate you." Umiiyak na sigaw niya kay Brix habang si Richell ay nakangisi pa ito. "P-Please, let me explain. Hayaan mo ako magpaliwanag, please!" Pagmamakaawa ni Brix sa kanya. "Para ano pa? Bibilogin mo lang ang utak ko. Kaya pala siya ang inuna mong sagipin kasi ano? Asawa mo na siya? May anak na kayo? Malinaw na niloko mo ako! You're free now at huwag kanang magpakita sa akin," saad ni Marie sabay takbo patungo sa rooftop. Nakalimutan ni Marie na buntis siya oras na iyon. Hingal na hingal siyang pagkarating sa taas. Sa kabilang dako habang tumatakbo si Marie patuloy ang pang-iinsulto ni Richell sa kanya. "Marie, masyado ka kasing malandi kaya iniwan ka tuloy!" Masayang saad niya. Halos sumabog si Brix nang marinig ang sinabi ni Richell. Nilapitan niya si Richell at sinakal. Namumula na 'to habang tumutulo ang luha "Sir Brix, tama na at baka mapatay mo si bruha," awat ni Candy kay Brix. Binitawan ni Brix si Richell at agad hinanap si Marie. N-Nasaan si Marie?" "Nasa taas Sir Brix. Doon ko s'ya nakitang tumakbo." Nag-inarte si Richell para hindi sundan ni Brix sa taas si Marie. " Ouch. Baby, masakit ang tiyan ko. H-Help me, baka mapaano ang baby natin." Ngunit hindi ito pinansin ni Brix at tumakbo na siya papunta sa rooftop. Nakita niya agad sa sulok, nakaupo at humahagulhol. Awang-awa siya kay Marie. "Sweety, I'm sorry. Bigyan mo ako ng chance para magpaliwanag. Kasalanan ko ito dahil duwag ako." "Naalala mo ba ang lugar na ito? Dito mo unang inamin na mahal mo ako, na ako lang ang babaeng mamahalin mo. A-Ang sabi mo pa nga, wala kang ibang papakasalan kung hindi ako lang. Ano ang nangyari? B-Bakit mo sa iba tinupad ang pinangako mo sa akin? Pinaasa mo lang ako. 'to ba ang ganti mo dahil sa pang-iiwan ko sa' yo noon?" Nanginginig at nauutal ang boses ni Marie habang sunod-sunod na tinatanong si Brix. "No! Kahit kailan hindi pumasok sa utak ko na gantihan ka. Mahal na mahal kita. Masakit sa akin makita kang ganyan. Patawarin mo ako at magsimula tayong ulit. Aayusin ko 'to. "Huwag na masyado mo na akong nasaktan. May anak kanang dapat mong panagutan." Sobrang sakit para kay Marie na itulak siya sa iba para panagutan ang anak nito kay Richell. Gusto niya rin sana ipagsigawan na may anak din silang dalawa pero paano iyong anak niya at kasal siya doon. Ayaw niya maging kabit kaya pinili niya nalang itago ang tungkol sa pagbubuntis niya. "P-Please, Marie! Huwag mo akong iwan. Nagmamakaawa ako, hindi ko na kakayanin pagnawala ka pa sa akin ulit," saad nito habang nakaluhod sa harapan ni Marie. "Tama na Brix. Tumayo kana diyan, kahit lumuhod ka pa maghapon hindi ko na kayang maging rebound mo, parausan at maging alipin ng pag-ibig ko sa iyo. Let's end this relationship na alam ko sa una palang ako naman yong talo. Sumugal ako, dahil ang buong akala ko, mahal mo ako at kayang panindigan pero lahat ng iyon ay puro maling akala lang pala." "Hindi ako papayag akin kalang." At niyakap niya ng mahigpit ang dalaga ngunit nagpumiglas ito. "Walang ng tayo Brix. Dito tayo nag-umpisa at dito rin natin tapusin ang maling akala nating relasyon. Sana maging masaya ka at alagaan mo iyong pamilya. Salamat sa lahat -lahat." Niyakap siya ni Marie ng mahigpit sabay halik sa labi niya. "Please don't do this. I love you." "Hindi kita makakalimutan dahil halos buong buhay ko umikot sa iyo. Siguro nga, pinagtapo tayo at hindi tinadhana para sa isa't isa. Ilove you and goodbye." Mga salitang pilit niyang binitawan sa lalaking halos pag-alayan niya ng buong buhay niya. "Marie, please give me a chance. H-Huwag mo akong iwan. Mahal na mahal kita." Umiiyak na pagmamakaawa ni Brix kay Marie. Parang wala nang narinig si Marie at hindi niya alam kung paano siya nakababa galing sa rooftop. Gusto niyang sumigaw at umiyak dahil sa sobrang sakit nararamdaman niya "Princess, b-bakit ka pumunta mag-isa dito? Hindi ba't ang sabi ko sa'yo magpahinga ka muna? A-Ano ang nangyari bakit namamaga ang mga mata mo?" "Mak, alam ko na kasal na sila ni Richell. Wala na kami dahil may asawa na siya. Sobrang sakit, niloko niya ako, niloko nila tayo. Please tulungan mo ako mawala ang sakit dito. Ilayo mo ako dito." Humihikbi na saad niya habang hawak ang dibdib niya. "Malandi ka talaga. Pagkatapos mo landiin ang asawa ko, ngayon ang ex-boyfriend ko naman. Ganyan kaba talaga ka desperada, lahat ng tira-tira ko sinisimot mo?" Nakakunot-noo na ang itsura ni Richell habang iniinsulto si Marie. Nagpunas ng luha si Marie at isang malakas ba sampal ang ibinigay niya kay Richell. Aakamang gaganti din ito kay Marie ngunit nasalag ni Mak ang kamay nito. "Nabubulag-bulagan lang ako sa pag-uugali mo. Minahal kita ng sobra, lahat ng gusto mo sinunod ko. Lahat ng ninais mo binigay ko. How dare you Richell, sinira mo sila! Niloko niyo kami kaya magsama kayong dalawa." Galit na galit na saad ni Mak kay Richell "Sinaktan mo ako dahil lang sa babae na yan? Pagsisihan mo 'to?" Saad nito habang hawak ni Richell ang pisngi nito. " Tapos na Richell at pinagsisihan kong minahal kita. Hindi ka deserve na respitohin dahil malandi ka. Ginamit mo ako para makuha mo si Brix. Masaya kana at may nasaktan ka?" Biglang dumating si Brix at nagmamakaawa parin nakausapin ni Marie. "Dude, hayaan mo kami mag-usap ni Marie?" "Wala na kayong pag-uusapan pa ni Marie kasi tinapos muna. Noon sinabi ko sa iyo, once hindi ka tumupad sa kasunduan natin, kukunin ko sayo si Marie kaya quits na tayo. Ang pinagkaiba lang natin hindi ko siya sasaktan tulad mo. Kaya kong ibigay ang hindi mo kayang ibigay sa kanya." "Hayaan mo si Marie kung sino sa atin ang pipiliin niya." Malungkot lang siya na tiningnan ni Marie. "Let's go Mak. Ilayo mo na ako dito." Pakiusap ni Mari sa binata. "You heard? Siguro maliwanag naman sa iyo Brix kung sino ang pinipili niya." Bago sumakay sa kotse si Mak, binalingan niya pa ng tingin si Brix. Naawa siya dito dahil alam niya biktima rin lang ito. "Sorry dude, pero need ko talaga gawin ito para sa kapakanan ng mag-ina mo. Maiintindihan mo din sa tamang panahon bakit kailangan kong ilayo sila sa iyo," bulong ni Mak sa kanyang isipan. Habang nasa byahe pauwi naki-usap si Marie na magbaksyon muna. "Puwede ba sa lalong madaling panahon dalhin mo na ako sa rest house mo? Gusto ko mag-relax kasi masyado na kaming stress ng anak ko, Mak." Hininto ng binata ang sasakyan sa tabi ng kalsada at niyakap ng mahigpit si Marie. Naiintindihan niya ang sakit nararamdaman nito. Kasi, siya pilit niya rin tinatago ang nararamdaman. Para ding hiniwa-hiwa ang kanyang puso nang malaman na kasal na ang dalawa "Thank you, Mak. Makakabawi din ako sa iyo sa tamang panahon. Mabait parin si God at bingigyan niya ako ng mga kaibigan tulad niyo na maasahan at laging andiyan sa tabi ko. Kahit mga baliw at weird kayo minsan, mahal na mahal ko kayo." "Aray naman. Friend lang pala, akala ko love muna ako," Pabirong saad ni Mak kay Marie. Kinurot siya ng dalaga at ginulo ang buhok. Nang masigurado na medyo okay na ang dalaga, binuhay niyang muli ang sasakyan at umalis na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD