"Pinapatawa lang kita kasi alam. ko malungkot ka. Maiba ako may gusto kaba kainin baka nagugutom na yong baby natin." Pabirong hirit ni Mak habang maingat nagmamaneho.
"Mr. herrera, ikaw ba yan? Feel na feel ang pagiging Daddy? Gumawa ka ng sa'yo."
"Wala na. Inagaw na ng iba ang gusto ko punlaan ng lahi ko. Alam mo Marie, noong nasa highschool tayo pinangarap ko talaga ikaw magiging ina ng baby ko. Nakikita ko kasi na magiging mabuting ina ka, pero sad talaga at hindi tayo para sa isa't isa."
"Mak, alam mo naman sinubukan natin d'ba? Kaso nauwi lang sa wala. Ganun siguro kung hindi nakalaan sa isa't isa. Hindi nag-wowork out kasi tinadhana tayo para maging matalik na kaibigan." Nakangiting saad ni Marie kay Mak.
"Basta huwag mo ipagkait sakin na tawagin akong Daddy ng baby mo. Kahit sa ganitong paraan maranasan ko maging Ama."
"Ang swerte ng baby ko dahil may Daddy siya na tulad mo. Ngayon palang salamat, Mak."
"Basta sa ngayon wag kana muna mag-isip nang kung ano-ano para sa anak mo. Darating ang panahon magkakasama din kayong tatlo ngunit kailan mo muna umalis para huwag kayo madamay ng baby mo."
"Mak, may tinatago kaba sa akin?" kunot-noo na tanong nito.
"Wala akong tinatago sa iyo, ang iniisip ko lang ang kapakanan niyong mag-ina."
Kring... Kring... Hello! Marie nasaan na kayo? Ready na kami mag-explore," excited na saad ni Bakz mula sa kabilang linya.
"Sige, nandito kami sa resto ni Mak. Dito na kami maghihintay. Tingnan mo ang inbox mo kas na-send ko na ang location nito. Ingat kayo."
"Ang tagal nila baka naligaw na mga iyon, Mak?"
Tumawa si Mak nang marinig ang sinabi ni Marie. "Ano kaba, malabo maligaw iyon nakalimutan mo yata kasama nila si Tarzan. May lahing onggoy panaman si Bakz. Dinaig pa si Dora the explorer at may bonus pa, kasama din si Mareng Marites na may galawan na pang-detective kaya wala kang lusot pag sila ang kinalaban mo." Tawanan sila ni Mak na parang hindi sila niloko.
"Beshy, nandito na kami," sigaw ng apat.
"Mabuti naman nakarating din kayo. Ang akala ko nauna na kayo sa Batanggas." Pabirong saad ni Mak.
"Naku! Mak, itong si Marites sisihin mo. Biruin mo nag-ala Spider women ba naman, dumaan sa bintana para lang matakasan si Tito Herudes at Tita Santa Maria," inis na saad ni Marisol.
"Hala! B-Bakit anong meron beshy? B-Bakit kailangan mong tumakas? Ang alam ko lang pagtumatakas kapag si Tito ay may gustong ipa-blind date sa'yo."
"Tumpak beshy, gusto niya ako ipakasal sa anak ng ka business partner niya, pero siyempre alam niyo na ang sagot pag ganyan usapan. It's a big no! Over my dead sexy body. Ayaw ko doon dahil mukhang sanggano at babaero." Maarteng saad ni Marites.
"Kung gwapo, push mo na beshy at least yummy," excited at kinikilig na saad ni Marisol.
"Puro ka gwapo. Tingnan mo si Marie ohh, nabuntis na dahil bumigay sa gwapo." Nakangiwing saad ni Marites.
Yumuko si Marie dahil totoo naman talagang gwapo si Brix at ang tunay na rason ay mahal niya talaga.
"Bunganga mo Marites. Alam mong sensitive ang buntis e nang-asar ka pa," saway ni Margaret kay Marites..
"Sorry na beshy. H-Hindi ko sinsadya." Paghingi ng pasensiya ni Marites sa mga kaibigan
"Ano kaba sanay na sanay na ako sa bibig mong walang preno." Nakangusong saad ni Marie.
"Pero seryoso ako. Minsan kasi kailangan tayo bigyan ng pagsubok sa buhay para para maalala natin siya. Binigay niya siguro sa inyo ni Brix ang problema na iyan para subukan kung gaano kayo katatag at kung gaano kalalim ang pagmamahal niyo sa isa't isa. Kaya huwag kana mag-isip kung ano-ano pa. Remember, nandito ang buong squad para tumulong at sasapok este gagabay sa 'yo, sa saya man o kalungkutan," seryosong saad ni Marites.
Nag-krus sign ang tatlo at sabay tawanan dahil hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Marites. Ito ang kauna-unahang narinig nila itong nagseryso.
"Ohh, bakit ganyan reaction niyo sa akin," inis na saad niya sa mga kaibigan sabay taas ng middle finger sa tatlo.
"Bago pa kayo mag-ramble diyan, mabuti pa tara na, umalis na tayo!" Bago sila umalis nag-power hug muna silang lahat.
"Princess, don't worry nandito kaming lahat kaya ngumiti ka lang para kay baby."
"Kakayanin. Thank you sa inyong lahat." Mariin na saad ni Marie.
Pagkalipas ng ilang oras nakarating din sila sa wakas sa rest house ni Mak sa Batanggas
Agad nagsilabasan ang mga ito at panay selfie. Napangiti nalang si Marie dahil nawawala ang pangamba niya sa tuwing nakikita niya ang mga masayahin na mga kaibigan.
"Nanay Soling, nandito muna sila mananatili. Ikaw na ang bahala sa kanila lalong-lalo na kay Marie. Buntis siya kaya ingatan n'yo," saad ni Mak sa katiwala niya sa kanilang resthouse.
"Sir Mak, asawa niyo po ba si Ma'am Marie?" Diretsahang tanong ni Nanay Soling sa binata.
Sasagot na sana si Marie ng pinisil ni Mak ang kamay niya kaya hindi na siya sumagot at hinayaan ang binata ang sumagot. "Oo, asawa ko siya kaya maging mabait kayo sa kanya."
Nag kulay kamatis ang pisngi ni Marie namg marinig ang sinabi ni Mak sa mga tauhan nito. Lalo pa siyang nahiya ng tinukso siya ng mga kaibigan.
Pagka-alis ng mga kasambahay at ni Nanay Solis, agad nito hinampas si Mak. "Mak, b-bakit iyon ang sinabi mo sa kanila?" Nahihiyang tanong niya.
"Marie, sa ngayon we need to pretend na ako ang ama niyan. Kung ayaw mo mapahamak ang baby mo at saka huwag na maraming tanong. Maiintindihan mo din ako balang araw."
"Thank you, pero hindi mo naman kailangan gawin ito."
"Huwag na matigas ang ulo. Trust me."
Napabuntonghinga nalang ang dalaga dahil tama naman si Mak.
"Mak, pwedi ba namin gamitin ang sasakyan mo, ang nakaparada sa labas. Balak kasi namin pumunta sa grocery. Mamimili lang kami ng mga personal needs namin," paalam ni Bakz kay Mak.
"Sige, sure! Walang problema sa akin. Sabay na tayo umalis dahil babalik ako sa Manila. Kailangan ko ayusin ang mga tambak ko na gawain sa opisina."
"Princess, dito na muna kayo ni Margaret sa bahay. Kung may kailangan kayo tawagin niyo lang si Nanay Soling."
"Ingat kayo. Okay lang ako kaya huwag kayong mag-alala.
Pagkaalis ng apat agad sila pumasok sa silid. Nakatulala siya habang iniisip ang anak at si Brix. Hindi niya alam kung paano palakihin ang anak na walang ama. Nagbabadya na ang luha niya ngunit pilit niyang pinipigilan. Ngunit pumasok ang isang kasamabahay sa silid niya at naka-loud speak ang cellphone nito. At ang pinapatugtog nito ay ang theme song nila na First Love Never Dies. Pinakinggan niya lang ito hanggang sa hindi niya namalayan na tumutulo na ang kanyang luha.
I tried to live without you
Although i find it hard to do
I thought of yesterday
How sweet the love we shared
And just I can't forget you
'Cause first love neve dies.
Paglabas ng kasambahay humagulhol siya ng husto. "Ang sakit, sobrang sakit. Akala ko may happy ending na tayo. Mahal na mahal kita. Paano ako ngayon Brix? paano ang baby natin?
"Beshy, tama na."
"Alam mo beshy, naalala ko ang mga sinabi niya sa akin . "Mariposa, I love you. hihintayin kita, kasi ikaw lang papakasalan ko. Yes, siya lang ang babaeng handa kong iharap sa altar. Kaya Tito at Tita, hinihingi ko ang inyong basbas para sa amin." Ala-ala ni Marie sa mga pangako ni Brix.
"Hayaan mo na siya. Huwag mo na siya isipin dahil nandito kami. Paulit-ulit na saad ni Margaret.
"Naging saksi ang buong pamilya ko for those sweet words ni Brix, pero lahat ng iyon ay isang ala-ala nalang." Umiiyak na saad ni Marie. Hinayaan nalang siya ni Margaret na ilabas ang sama ng loob niya dahil naiintindihan niya naman na sariwa pa ang sugat sa puso ng kaibigan.
"Beshy, please listen to us. Sa ngayon isipin mo ang baby mo dahil umaasa siya ngayon. Ang gawin mo ay magpalakas para maging malusog siya at healthy."
"I'm sorry."
"Ang mas mabuti ka kumain kana at baka sumakit ang sikmura mo." Sobrang nag-aalala si Margaret sa kaibigan dahil sobrang payat na ito.
"Beshy, pangit ba ako? Masama ba ang ugali ko ? B-Bakit nakuha niya akong ipagpalit kay Richell?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Alam mo Marie, lahat nasa iyo na kaya huwag isipin na lamang siya sa'yo. By the way, maiba ako, tumawag ang tauhan natin sa hospital, ang isang rehabilitation center natin. Soon to open na daw. Ipaalala ko lang sa'yo, that we are psychiatrists specialists, who diagnose and treat mental, emotional and behavioral disorder. Tayo ang gumagamot, kaya be professional. Mag-focus tayo sa aim natin na tayo ang tutulong sa patient natin.