"Marites, paki bilisan ang bagal mo, parang tayong nakikipaghabulan sa kuneho at pagong," reklamo ni Bakz habang si Marisol tawang- tawa lang ito dahil sa mga pinagsasabi ni Bakz.
"Keep quiet please! Huwag kayong maingay. Mamaya mabangga tayo dito. Hindi ko kabisado ang lugar na ito kaya huwag makulit. Ayaw ko pa mamatay na virgin," kinakabahang saad ni BakZ
After 30 minutes nakarating din sila sa wakas. "Bilisan natin dahil tumawag si Margaret na iyak ng iyak daw si Marie," saad ni Marisol.
"Haistt! Naawa na ako beshy."
"Me too, Sol." Malungkot na saad ni Marites.
"Mamaya na tayo mag-usap. Pumasok na tayo sa loob para mabilis tayo makatapos," saad ni Bakz.
Pagdating sa loob, agad sila kumuha ng cart. Pakatapos mailagay sa cart ang kanilang mga needs. Pumila na nila sa cashier.
"Doon tayo pumila, Bakz. Mukhang kunti lang ang tao doon. Habang papalapit sila sa cashier may biglang lumapit sa kanilang promodizer ng napkins.
"Sir, may bagong labas kami na pantyliner. All day long at puwedi po kay misis o sa girlfriend niyo po." Nakangiting saad ng magandang promodizer.
"Ako, May asawa? Parang namemersonal ka yata mis?" Kunot-noo na saad ni Bakz. Biglang namula ang pisngi ng babae dahil sa hiya.
"S-Sorry, po sir! P-Pero, promise garantisado po ang product na 'to," saad ng saleslady.
Tawang-tawa Marisol habang tinitingnan ang napkin na kinuha nila. " Ikaw talaga Bakz walang patawad. At saka ano ang gagawin mo diyan?" Nakangising saad ni Marites
"Don't say ikaw gagamit niyan?" Nakatawang saad naman ni Marisol.
"G**a, saan ko naman ito itatapal, abir?" Inis na saad ni Bakz.
Hagalpak ang tawa ng dalawa habang pumapasok sa loob ng sasakyan. "Mag-seat belt na kayo dahil lilipad na si Darna," nakangising saad ni Marites sa dalawa. Siya na ang nagmaneho dahil ayaw niya sa mabagal na patakbo ni Bakz.
"Hoy, Marites, kung ano man ang binabalak mo, huwag mo na ituloy." Paalala ni Marisol kay Marites.
Hindi na sila pinakinggan ni Marites at agad niya pinatakbo ang sasakyan. "Whooaa.. Grabe, ang saya dito sa probensiya walang traffic."
"Marites, ano ba! Baka mabangga tayo," saway ni Bakz.
"Don't worry mga beshy, everything's under control.
Halos wala 15 minutes lang ang kanilang byahe dahil halos paliparin na ni Marites ang sasakyan. "Finally we are here!" Agad sila bumababa at tumakbo sa kuwarto ni Marie. Nadatnan nila ang kaibigan na maga ang mata sa kakaiyak nito.
"Beshy, please, tama na iyan. Ang isipin mo ang baby mo at baka mapaano 'yan. Gusto mo ba paglumabas iyan nagmukhang angrybird, laging galit." Pabirong saad ni Bakz habang sa loob-loob niya ay awang-awa na siya sa kaibigan.
"Sorry, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Sobrang nasaktan talaga ako."
"Halika nga dito. Group hug tayo. Beshy, tandaan mo lahat ng nangyayari sa'yo ay may rason, kaya tama na ang pag-e-emote," saad ni Marisoo.
"Wait, Marie. Inubos mo na itong tissue natin."
"Hayaan mo na Marites at mayroon pa akong reserba." Tumayo si Bakz at lumabas ng silid.
"Saan kapupunta, Bakz?" Nagtatakang tanong ni Margaret.
"May kukunin lang ako."
Seryosong tumabi si Bakz kay Marie nang bumalik ito sa silid nila. "Marie try this one."
"A-Ano 'to, Bakz?" Kunot-noo na tanong ni Marie kay Bakz.
"Open it, para makita mo kung ano ang laman niyan."
Pagbukas ni Marie nagulat siya sa nakita niya ang anim na piraso na pantyliner. Nagtawanan ang tatlo dahil sa trip ni Bakz. "Ano ba kayo, buntis ako kaya hindi ko 'to kailangan."
"Aba! Beshy, makakatipid tayo kung 'yan ang gawin mong pangsala ng luha mo. Gusto ko kasi malaman kung all day long talaga iyan. Kung hindi iyan tatagal balikan ko 'yong babae na iyon." Seryosong saad ni Bakz kay Marie.
"Mga pasaway kayo, puro kayo kalokahan. Puwede, makahingi ng pabor sa 'nyo? Kanina pa kasi ako natatakam sa mangga. Puwede niyo ba ako hanapin ng mangga?"
"Hala, b-bkit hindi ka tumawag sa amin kanina sana nakabili kami doon sa grocery," saad ni Marites.
"Ayaw ko ng galing sa market. G-Gusto ko iyong bagong pitas." Natatakam na saad niya sa tatlo
"What? Saan tayo kukuha niyan? At walang tanim dito si Mak."
"Please...... Tulungan niyo ako maghanap. Gusto ko talaga kumain ng mangga," malungkot na sabi ni Marie.
"Ohh, siya tama na! Ayusin mo ang itong sarili., Magsuklay ka muna at maghahanap tayo." Nang makita ni Marisol ang namumulang mata ni Marie, niyaya niya na ito at baka mapaano pa.
"Nanay Solis, aalis muna kami para maghnap ng mangga. Gusto kasi kumain ni Marie."
"Sige, mag-ingat kayo sa labas."
"Ako na ang mag-drive. Dilikado pag si Marites ang nagmaneho dahil laging byaheng langit." Pilyong saad ni Bakz.
Naka ilang ikot na sila ngunit wala pa silang nakikita. Ang hirap naman magbuntis," saad ni Bakz.
"B-Bakz, ohh iyan ohh, ang daming bunga. Ihinto mo Bakz sa tabi," excited na wika ni Marie.
"M-Marie, may private property na naka-sign. Maghanap nalang tayo sa iba. Mukhang walang tao ang bahay na 'yan."
"Kung walang tao, bumaba na tayo at mamguha. Naglalaway talaga ako sa mangga!"
"Maghintay nalang kayo dito ni Bakz at pupunta kami ni Margaret sa harapan ng gate. Halina kana Marga at hanapin natin may-ari dahil bibili tayo."
"No. Ayaw ng bili, g-gusto ko nakawin mo Bakz. A-Ayaw ko din humingi kayo, gusto ko lang nag nakaw." Seryosong saad ni Marie.
"Diyos ko porsanto, Marie! Ako talaga? Gusto mo magnakaw ako? Nagbibiro kalang d'ba?" Sunod-sunod na tanong ni Bakz.
"Bakit kayo ganyan? Gusto ko kumain." Sumalampak sa sahig si Marie at umiyak. Biglang nataranta silang tatlo dahil ginawa ni Marie.
"Naku, 'to na yata ang kahiyang -hiyang balitang magaganap. Isang anak ng bilyonaryo, patay matapos nahuling nagnanakaw ng mangga. OMG!" Hindi makapaniwalang saad ni Bakz.
"Sige na, tumayo kana diyan at baka mapaano pa ang baby mo. Bumalik kana sa kotse doon mo kami hintayin." Mariin na utos ni Marisol.
Pagkaalis ni Marie agad sila hinampas ni Bakz. "Alam niyo, gusto ko kayong sabunutang dalawa. Naiinis ako. Kasalanan mo 'to Marites, ehh! Kayong dalawa tape niyo ang tahong niyo para hindi kayo gumaya kay Marie." Nakangiwing saad ni Bakz.
"Bakz, umakyat kana. Pupunta kami sa may-ari para magpaalam. Huwag na tayo magbulungan at baka makahalata ni Marie."
Nasa taas na ng puno si Bakz ng bumalik ang dalawa. "Bakz, dito kami sa baba maghihintay. Ihagis mo lang at sasalohin namin."
"s**t, ang daming langgam. Gosh..... Oras makita ko lang iyan si Brix, patay siya sa akin. Bakit ako naghihirap dito samantala siya ang nagpakasarap." Reklamo ni Bakz habang humihiyaw
"Bakz, huwag kang matakot. Okay na dahil nagpaalam na kami kay Manong," saad ni Margaret.
"Tama na iyan siguro. Baba na ako."
Pagkababa ni Bakz halos buong katawan niya ay namamantal sa dahil sa kagat ng langgam.
Gggrrrr....huuurrrrfff... "Ano 'yon? Paglingon nilang tatlo agad nila nakita ang aso na nakangisi sa kanila at handang-handa lapain sila.
"Holy, s**t! F-f**k may aw-aw." Natatarantang saad ni Marites.
"M-Marites at M-Margaret, akala ko ba nagpaalam kayo? B-Bkit may aso? Inis na tanong ni Bakz sa dalawang kaibigan.
"Bakz, ang sabi ko nagpaalam kami kay Manong at hindi sa aso."
"Pasaway kayo, bahala na. Pagbilang ko nang Isa, takbo na tayo! Oh 'to na, isa, takbo!"
"Marie! Marie! Marie! open the door please." Humahangos na sigaw ni Bakz kay Marie.
Pakk, ugf, booggg, "Ooucchh.. Ang sakit ng noo ko. May bukol yata ako. Huhuu." Umiindang saad ni Bakz.
"Same here. Ang dami kona gasgas sa legs.nl Need ko na magpa-derma," maarteng saad ni Marites.
"Ouuchh, bakit mo naman ako binato ng mangga, Bakz?" Reklamo ni Marites.
"Tama lang yan sa iyo. Muntikan na nga tayo maging haponan ng aso. Nagawa mo pang mag-inarte diyan."
"Sorry, mga beshy! Pero, thank you. Na-gulity tuloy ako pero ang sarap." Parang natanggal ang inis nilang tatlo ng makita ang kaibigan nilang sarap na sarap sa pagkagat ng mangga.
"Grabe, nakakapagod ang araw na ito. Gusto ko magpahinga pag uwi natin. Ang dami nating ganap ngayon araw. Una, napagkamalan ako may asawa. Pangalawa, nagnakaw ng mangga at ang masakap, pinapak ng langgam ang talong ko. Nauna pa sila kay sa papa ko. At panghuli, naging runner ako dahil sa aso na iyon." Halos maiyak si Bakz ng maisip ang ginawa na sa maghapon.
"Kung sino man ang may-ari ng aso na iyon, malalagot siya sa akin," gigil na gigil na saad ni Marites.
"Ano ang gagawin mo Marites? Tanong ni Margaret.
"Tatawagan ko ang mga tauhan ni Daddy para ipahanap ang may-ari ng aso. Ang ibang tauhan ni Daddy ay dito nakatira sa Batanggas."
"Tama. Kalbohin natin oras mahabap nila."
"Sa gandang kong ito, ginawa niya lang akong clown. Siguro, tawang-tawa iyon habang pinapanood tayong nag mukhang tanga sa kakatakbo."
"Mga beshy, uwi na tayo. Need ko na talaga magpahinga, " yaya ni Marisol sa kanila.
"Sorry ulit. Promise, hindi na ako mangungulit sa inyo." Masayang saad ni Marie
"Ano kaba, huwag mo sisihin ang sarili mo dahil kasalanan ng onggoy na iyon. Kaya huwag ka na malungkot, beshy. Love na love kanamin kaya namin ito gingawa ng bukal sa loob."
"Sinungaling. Bukal daw sa loob e halos magpakamatay kana kanina sa ibabaw ng mangga." Mahinang bulong ni Marites kay Bakz habang nakangisi.